PHEOBE POV
Nakangiti akong lumabas ng opisina ni mayor hindi ko akalain na papayag siya parang tumalon ang puso ko sa tuwa.
Pag pasok ko sa loob ng kusina ay bumungad sakin si manang at clara na nag hihintay.
"Ano pb anong sabi ni mayor?.." tanong ni clara ng makalapit ito sakin.
"Pinayagan kaba ni Sir Ricardo iha?." Tanong naman ni manang sakin
Nakangiti akong tumungo sa kanila
"Opo manang pinayagan ako.." masaya kong saad, makikita kona sila mama para tuloy akong na excite masyado.
"Hindi ata ako makakasama pb ipapabigay kona lang yung regalo ko ah.." malungkot na ani sakin ni clara sayang pinaalam ko pa naman siya kay mayor tapos di siya sasama.
"Bakit naman?.." nag aalala kong tanong sa kanya.
"Hindi naman kasi ako nag paalam kay mayor baka hindi rin ako payagan.." sagot nito sakin bigla akong natawa dahil sa sinabi niya hindi pwedeng hindi ko siya ipapaalam, muntik ko na nga makalimutan na sasama pala siya sakin kaya ako na nag paalam sa kanya.
"Ano kaba clara pinagpaalam na kita at sinabi ni mayor na pwede daw kita isama.." masaya kong sambit na ikinagulat nito.
"Hala talaga?.." gulat na tanong nito yumuko lamang ako bilang sagot, bahagya pa akong natawa dahil nag tatalon ito sa saya.
"Kailangan ko mag ayos baka may bebe boiz ako dun na makilala.." ngiting saad nito.
"Buang ka talaga!.." Nag tawanan lamang kaming dalawa ni clara.
---------------------------------
Bagot kong hinihiwa ang mga rekafo na binilin samin sakin ni manang, hindi ko alam pero parang kanina pa may hinahanap ang mata ko mula pa kaninang umaga parang gusto ko siya makita.
Nung tinanong ko si manang kung nasan si kudos dahil walang nag agahan kanina kaya hindi ko siya nakita, hindi niya rin ako pinatawag sa kwarto niya.
Parang gusto kong makita si kudos pero pag nasa harap ko ito ay hindi ako halos makagalaw pero pag wala siya ay halos hanapin ko ito.
Napasampal ako ng mahina sa aking muka dahil sa naiiisip ko " Nababaliw na ba ako?" Mahina kong tanong sa aking sarili na para bang nag aantay ng may sasagot.
Halos mapatalon ako sa aking kinatatayuan dahil sa gulat ng may maramdaman akong yumakap sa aking bewang, pag lingon ko ay nagulat ako ng si kudos ang bumungad sakin kasabay nun ay ang pag kabitaw ko kutsilyo na nasa kamay ko hindi ko yun pinansin dahil nakatitig lamang ako sa kaharap ko ngayon parang gusto ko ito yakapin pabalik.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya seryoso ang tingin niya sakin para bang inaantay namin ang isat isa na matunaw, mansin ko na naka polo ito na kulay puti habang ang
“Huh? done staring at me.." Agad kong napaiwas dahil sa saad nito habang nakangisi parang tumaas ang init na nararamdaman ko sa aking pisngi.
"Kudos a-anong ginagawa mo dito?.." iwas kong tanong habang nakayuko dahil ramdam ko parin ang init ng aking pisngi.
Nagulat ako ng hawakan niya ang baba ko at iangat ito dahilan para makita ang kanyang muka.
"Look at me i want to see your face.." paos nitong saad para akong nakukuryente sa hawak niya sa aking baba, parang tumatagos sakin ang mga tingin niya at nakakapang hina ng tuhod kung hindi lamang niya yakap yakap ang aking bewang siguro ay napaupo na ako sa sahig
"Kudos.." hindi ko alam pero kusang kong sinasabi ang pangalan niya para akong nag aantay ng kanyang susunod na gagawin sakin..
"Nauuhaw ako.." Rinig kong paos niyang saad habang nakatingin sa aking labi.
BINABASA MO ANG
Trying To Escape From The Mayor's Son ES#1
RomanceSi Pheobe Tadea ay isang babae na mahinhin at ang kanyang hangarin lamang ay makatulong sa kanyang pamilya. Siya ay pumasok bilang isang katulong sa Mansion ng Mayor nang kanilang bayan, ang akala niya ay tahimik ang kanyang magiging buhay du'n ngun...