CHAPTER 48

22.5K 709 95
                                    

PHEOBE POV

" Mag lunch muna kayo after lunch balik na ulit tayo sa pag pra practice" Matapos sabihin samin yung ng nag tuturo samin ay agad akong nag ayos ng gamit ko, halos tatlong subject ang di ko napasukan kanina dahil sa practice na yan kulong kulo na din ang tiyan ko dahil mula kagabi ay hindi ako kumain.

Nag lakad ako palabas ng Auditorium para pumunta sa cafeteria gutom na gutom na talaga ako, agad kong kinuha ang mineral water nakinuha ko sa bag.

Kahit kanina sa practice ay hindi ko mapigilan isipin ang nangyari samin kagabi ni kudos hindi ko alam pero ako mismo gumagawa ng ikakaiwas ko sa kanya pero mismong puso ko ay tutol dahil palagi itong hinahanap ng paningin ko.

Sabat salita na binibitawan nya sakin ay tumatagos sa utak ko paulit ulit na pumapasok sa utak ko ang mga binibitawan niyang salita yung tipong palagi niyang pinapaalala sa mga salita niya na sakanya lang ako kahit hindi ko kasama si kudos ay naririnig ang boses niya sa aking isipan.

Napabuntong hininga na lamang ako at napailing dahil sa naiisip ko tumungga ulit ako sa mineral na hawak ko at patuloy na nag lakad papuntang cafeteria.

Napatigil ako sa pag lalakad ng makita si kudos na kanina lang ay iniisip ko hindi ko alam kung namamalik mata lang ba ako dahil nakita ko ang babaeng bisita nito kahapon na kasama niya.

Bakit mag kasama sila kasama din ni kudos sila caleb kahit nasa malayo ay napakalamig parin ng awra ni kudos halatang wala itong pakeelam sa nasa paligid niya, napahawak ako sa dibdib ko ng kumirot ito hindi ko alam kung anong dahilan bakit ito kumikirot.

Dahil ba sa nakikita ko na mag kasama sila?

O dahil sa nag seselos ako pero bakit ko mararamdaman yun isa lang naman akong katulong sa mansion nila at amo ko siya kahit gusto ko si kudos ay wala dapat akong karapatan na makaramdam ng selos lalo na kung walang kami.

Siguro ay isa na din sa dahilan dahil narinig ko mismo sa bibig niya ang salitang gusto niya ako at dahil din sa pinapakita niya.

Bago pa ako makita ni kudos na nakatingin sa kanila ay agad na akong nag lakad paalis

Base sa narinig ko kay manang ay classmate lang niya yung babae, siguro ay hindi ko na lang iisipin ang nakita ko ngayon.

" Pheobe kakatapos lang ng practice nyo?" napatigil ako sa pag lalakad at hindi makapaniwalang tinignan si Xaxy na nasa harapan kona

" X-xay kanina kapa ba?" tanong ko

" hindi naman kakalabas ko lang ng faculty, bakit parang nakakita ka ng multo ah?" nag tatakang saad nito

Siguro sa sobrang lalim ng pag iisip ko ay hindi ko na napansin si xaxy

" bakit pala naka p.e shirt ka?" tanong muli nito

" kagagaling ko lang sa practice mag lulunch nako eh"

" Tara sabay na tayo baka nasa cafeteria na sila clara" tumungo lamang ako kay xaxy at sabay na kaming nag lakad papuntang cafeteria.

Pag ka dating namin sa cafeteria ay agad akong bumili ng makakain ko habang sila holy naman ay nag hahanap ng lamesa.

" ate isa nga pong cheese ring tsaka sanwich pasabay na din po ng blue.."

" mag kano ho lahat ?"

" 130 ineng" agad akong kumuha ng pera sa bag at binigay yun

Agad kong binuksan ang sandwich na binili ko hindi ako nag kanin dahil alam kong mapapamahal lang ako ng gastos dahil sobrang mahal ng ulam tinitipid ko din ang sarili ko dahil balak kong padalhan bukas si mama.

Trying To Escape From The Mayor's Son (ES#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon