CHAPTER 24

26.8K 591 10
                                    

Pheobe POV

Ang akala namin ay gabi pa ang dating namin dito sa white beach resort pero nagulat na lamang kami dahil wala pang Isang oras nung nag lunch time kami ay nakarating na kami agad dito.

Labas pa lamang ito ng White Beach Resort dahil kinakausap pa ng teacher na nag babantay samin ang may ari nito.

Hindi pa kami nababa ng bus dahil ang bilin samin ay wag muna umalis sa bus na to, nakita ko sa bintana ang napakagandang tanawin kahit nasa malayo ito mahahalata mona agad ang ganda.

Pag lingon ko ay nagulat ako dahil sobrang lapit na namang ng muka ni senyorito sakin, hindi sya sakin nakatingin dahil ang kanyang mga mata ay nakatingin sa bintana na katabi ko, kung saan ay tinitignan din nya ang tanawin sa malayo.

Hindi ko maiwasan hindi mapatitig sa kanyang muka dahil napaka perpekto nito pag samalapitan, ngayon ko lamang napansin na napakatangos ng ilong nya at ang gray na mata nito ay napakaganda tignan sa malapitan.

Napaiwas ako ng tingin dahil dumarekta ang ganyang mata salon nag sisimula nanaman akong mailang, napatingin ako sa teacher ko ng mag announce na naman ito.

" Makinig, nakausap namin ang may ari ng resort and hindi muna tayo makakakuha ng condo dahil may may ibang university din pala Ang nag bakasyon dito," nakinig lamang kami samantala ang iba naming kasamahan ay nag rereklamo

" Kaya medjo hindi maganda ang gabi natin, may ibibigay silang tent para may matutulugan tayo, don't worry sabi naman ng may ari ng resort tomorrow morning daw ay aalis na din sila so means last day na nila Dito ngayon.." mahabang paliwanag nito

Lahat kami ay sumang-ayon na lamang

" Pwede na kayo bumaba para makapasok na tayo sa resort dalhin din ang mga gamit para hindi mawala.." huling saad nito at naunang bumaba

Lahat kami ay masaya dahil makikita na namin ang buong resort, inayos ko muna ang bag ko pati ang sarili ko

" Eto senyorito salamat ah.." nakangiti kong sambit sa kanya at binigay ang jacket na pinahiram nito sakin

" Dalian n'yo naman pb at kudos gusto ko bang bumaba.." napatingin ako kila holy na nasa ikatlong upuan nakatayo na din sila para bumaba

Hindi na ako nakasagot at napatingin sa kamay ko ng hawakan ito ni senyorito at hinila ang aking kamay para bumaba, pag baba namin ay nalanghap ko agad ang sariwang hangin,

May mga tindahan din kaming nakita napakaganda nga dito.

Nakasunod lang ako kay senyorito pumila kami para kunin Ang aming mga bagahe,

" Ako na senyorito.." sambit ko ng hawakan nito ang maleta ko pero hindi sya umimik at naunang nag lakad habang dala dala ang maleta ko

Ang mga klassmate ko ay nauna nang mag lakad nasa likod lang ako ni senyorito nakasunod.

" Bat wala kang dala?.." tanong ni clara ng makalapit ito salon dala dala din niya ang mga bagahe nya

Ngumuso ako kay senyorito at agad naman nyang nakuha

" Si senyorito na daw ang mag dadala eh" mahina kong saad

" Ay ang gara mo teh ah, sino ba talaga ang katulong sa inyong dalawa ni kudos at sino din ang nag babantay bat parang baliktad.." nakangisi niyang sambit sakin

" Sempre ako kaso kasi ano..." Hindi ko alam bakit parang hindi mo masabi ng gusto kong sabihin

" Hoy teka lang antayin n'yo kaya ako.." napatingin kami sa likod namin ng sumigaw si Xaxy

" Punyeta kasing maleta yan parang Isang buwan ka dito teh ah." Pati ako ay natawa dahil sobrang dami kasing dala dala ni xaxy

" Dala mo ba halos lahat ng gamit mo?" Tanong ko hirap na hirap na syang mag lakad sa sobrang dami niyang dala

Trying To Escape From The Mayor's Son (ES#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon