CHAPTER 57

20.1K 558 41
                                    

Seryosong nag ja-jogging si kudos eto ang kinagawian niyang ehersisyo araw araw matapos ang dalawang oras na pag excercise sa gym ay jinajogging niya na lang pauwi.

Hindi na bago kay kudos ang mga babaeng malalagkit tumingin sa sa kanya bukod sa muka nito ay bumababa ang mga tingin nila sa mala adonis na katawan ng binata.

Wala siyang oras para sa mga babaeng nag kakandarapa sa kanya para sa binata ay isa lamang itong pagkain na pag hindi mo nagustuhan ay itatapon mo na lang.

Ilang Minutong pag jogging ay naisipan na niyang umuwi na lang.

Habang papasok siya sa gate ay natanaw niya ang mga kababaihan at kalalakihan na nakahile.

Napailing na lamang siya dahil muli nanamang mag dadagdag ng kasambahay sa kanilang mansion.

Kasabay ng paglalakad niya sa harap ng mga katulong ay nag siyukuan ang mga ito, akmang aalisin na niya ang mata niyang nakatingin sa mga katulong ng  mahagip ng mata niya ang isang dalaga.

Saktong nag tama ang kanilang mga tingin hindi niya maintindihan ang sarili nakaramdam na lamang si kudos ng isang mabilis na kabog galing sa kanyang dibdib.

Parang may dumaan na kuryente sa kanilang mga mata, hindi na bago sa kanya ang matulala sa isang babae. pero hindi niya lubos maisip na matutulala siya sa isang dalaga na may kasamang pag kabog ng kanyang dibdib.

Napabalik sa urirat si kudos ng biglang hilahin ng isang katulong ang dalaga kaya napayuko ito at naputol ang kanilang titigan.

Hindi niya alam bakit napahawak siya sa kanyang dibdib habang papasok ng mansion, parang iba ang epekto sa kanya ng dalaga.

" Shit, Damn that girl.." madiin sambit ng binata..

Napailing na lamang siya at pilit na pinapakalma ang sarili, hindi niya gusto ang kanyang nararamdaman, hindi niya gusto ang pag kabog ng kanyang dibdib.
________________________

Napatigil sa pag lalakad si kudos ng mahagip ng mata niya ang dalagang kaninang nakatitigan niya.

Hindi na siya nag tataka kung madaming katulong na nag lilinis sa loob ng mansion.

Nasa isang gilid ang dalaga habang hawak hawak ang kanyang cellphone, bahagyang kumunot ang noo ni kudos ng makita ang pag tawa at ngiti ng dalaga, hindi naman malabo ang kanyang mata para hindi makita ang reaksyon ng dalaga habang nag ce cellphone ito kahit malayo ang pagitan nila.

Hindi niya alam kung bakit gusto niya itong lapitan at alamin kung sino ang dahilan ng pag ngiti nito, at kung sino ang tinitignan nito sa cellphone.

Iniwas niya na lamang ang tingin at nakapamulsang nag lakad pababa ng hagdan.

Hindi niya pinansin ang mga katulong na yumuko sa kanyang harap pansin niya ang dalaga na hindi mapakali, nahagip ng mata niya ang cellphone nito.

Hindi alam ni kudos bakit siya nag lakad papalapit sa dalaga, nakita ng kanyang mata ang gulat na itsura nito.

" What are you doing?.." hindi n'ya makita ang itsura ng dalaga dahil nakatungo na ito.

" did you use your cellphone while working?.." dagdag niya na ikinaangat ng tingin ng dalaga.

Madiin ang titig ni kudos sa cellphone nitong nasa kamay ng dalaga gusto niya itong kunin at tignan kung anong meron sa cellphone ng dalaga at bakit ngumingiti ito.

" S-senyorito may n-nag text lang po.." parang isang musica sa kanyang tenga ang boses ng dalaga ng mag salita ito.

Ramdam ni kudos ang panginginig ng boses ng dalaga pati ang mga daliri nito ay nanginginig din.

Trying To Escape From The Mayor's Son (ES#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon