CHAPTER 55

22.6K 753 68
                                    

PHEOBE POV

" Pb, Clara hindi pa ba kayo mag aasikaso baka mahuli kayo sa pupuntahan nyo.." nag katinginan kami dahil sa sinabi ni manang

Oo nga pala ngayon ang birthday ng kapatid ko, dapat ay kanina pa kami nakaalis kaso tinulungan pa namin si manang nakakahiya naman kung aalis kami ng hindi man lang nakakapag trabaho saglit.

" nako manang kanina pa po namin kayo hinihintay na sabihin yan.." natutuwang saad ni clara nag taka naman kaming tinignan ni manang pero imbis na sumagot ay nginitian lang namin siya.

" Sige manang mag aayos na po kami.." paalam ko habang nag huhugas ng kamay.

Sabay kami ni clara na lumabas ng kusina at papunta sa kanyang kanyang kwarto..

" Clara puntahan mo muna si holy sabihin mo aalis na tayo.." saad ko hindi kona inantay ang sagot ni clara dahil agad kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko.

Hindi na ako makapag intay na makita sila mama at papa,

Agad akong naligo para matanggal ang init sa aking katawan parang yung singaw ng init ng hangin ay napunta sa katawan ko.

Matapos maligo ay agad akong nag hanap ng masosout, nakita ko ang kulay blue na pantalon na may butas malapit sa hita at tuhod.

Naisip kong mag sout ng dress pero isa lang pala dress ko at yun ang sinout ko nung nag girls night out kami nila holy.

Bigla ko tuloy naalala ang nangyari samin ni kudos, kanina halos tanghaliin ako ng gising dahil hindi ako makalabas ng kwarto nito dahil nasa bulsa niya ang susi, buti na lang at nakatulog ito kaya nakuha ko ang susi.

Bahala na kung hanapin ako nito mamaya na lang akong pag uwi mag papaliwanag.

Dahil sa wala akong dress ay pantalon na lang at half shoulder ang sosoutin ko na pang itaas ayoko sana ito soutin dahil may butas ito sa gilid na ginawang design.

Nag lagay ako ng konting pulbo at sinuklay ang basa kong buhok hindi ko ito magawang maipit dahil sa basa.

Napatingin ako sa phone ko na nasa kama ng bigla itong mag ring.

Napangiti ako ng makitang si mama ang tumatawag.

" Hello po ma?.." ngiting saad ko.

" Hello nak, tuloy kaba pupunta dito?.." rinig kong saad ni mama sa kabilang linya.

" oo naman po paalis na nga po ako mama.." na e excite kong sambit

" Talaga ate pupunta ka? Regalo ko po ah.." rinig kong sambit ng kapatid ko narinig ko pa na sinaway ito ni mama

" Sempre hindi pwedeng walang regalo si ate.." napatawa ako ng bigla itong sumigaw

" pb naman bakit bumili kapa ng regalo baka mawalan ka ng allowance jan.." nag aalalang sambit ni mama, may natitira pa naman akong pero dito.

" Nag titipid naman po ako ma.." sagot ko dito..

" ikaw talaga sige na mag luluto pako antayin kana lang namin dito.." agad akong sumagot kay mama tsaka pinatay ang tawag.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, kinuha kona ang paper bag na may lamang regalo.

Agad akong lumabas ng kwarto ko saktong nadatnan ko ang kwarto ni clara hindi kona ito inatubiling katukin pa at tignan agad akong pumunta sa kusina.

" paalis na ba kayo pb?.." sambit sakin ni manang ng makita ko ito malapit sa pintuan ng mansion.

" opo manang" nakangiti kong sagot sa kanya.

" Bakit wala pa sila clara at holy?.." luminga linga pa ito.

Akmang sasagot ako ng marinig ko ang boses ni holy.

Trying To Escape From The Mayor's Son (ES#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon