CHAPTER 37

23.2K 559 58
                                    

Dahil sa nakakaramdam na kami ng ginaw ay umahon agad kami nila holy.

" punyeta ang lamig.." rinig kong saad ni clara

Habang nag lalakad kami ay bigla na lamang hinapit ni kudos ang aking bewang siniko ko ito pero malamig lang nya akong tinignan..

" Dude masyado ka naman malapit kay Ms pb ah.." napaubo ako dahil sa sinabi ni peyton pag lingon ko ay nasa likod namen sila habang kasama si Xaxy at holy..

" Nilalanggam kame oh!.." Narinig ko pang tumatawa sila nag init nanaman ang muka ko sa sobrang hiya..

Habang nag lalakad kami ay may nakita kaming mga bata na nag lalaro ng buhangin pero ang mata ko ay nasa isang bata na may hawak hawak na platick na baso habang malungkot na nakatingin sa mga batang nag lalaro.

Nakita kong nilapitan ito ni clara kaya naagaw nya ang atensyon ng bata...

" Hello baby boy bakit mag isa ka lang ata?.." rinig kong saad ni clara

Tinignan sya ng malungkot ng bata

" Wala po kasing nakikipag laro sakin.." ang singkit nitong mata ay mas lalong naningkit..

" Gusto mo samahan ka namin mag laro?.." singit ni holy

Biglang nag liwanag ang muka ng batang lalaki at tumungo tungo ito..

" Sige na mauna na kayo sa resort makikipag laro muna ako.." saad ni clara at nag umpisang gumawa ng bagay gamit Ang buhangin...

" Dito lang ako masaya atang makipag laro sa bata noh..." Singit ni xaxy

Tinggal ko ang naka yakap na kamay ni senyorito sakin tinignan ako nito pero nginitian ko lang sya..

" T-teka Hindi pwedeng kayo lang noh sali ako." Masaya kong saad na lalong ikina laki ng ngiti ng bata...

" Sasali din kami tara peyton demiter.." natawa kami dahil sumali pati sila caleb..

Puro tawa kami habang gumagawa nag try ako gumawa ng isang pool gamit ang buhangin tsaka nilagyan ng tubig..

" Can I join?.." napatigil ako ng may humawak ng kamay ko napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi ni kudos

Ngitian ko lamang sya mag katabi kami habang gumagawa..

" Ano ba yang pinag gagawa mo clara ampanget di magugustuhan ng bata yan.." natatawang saad ni xaxy

" Eto lang kaya kong gawin nakakahiya naman sa gawa mo Diba" sagot ni clara

" Wow ate ang ganda naman ng gawa mo swimming pool.." napatingin ako sa bata na lalaki ng lumapit ito sakin

" Nagustuhan mo ba?.." tanong ko na ikina ngiti nya sabay tungo

Kumuha sya ng tubig at nilagyan sa pool na maliit na gawa ko napansin ko naman na nakatitig sakin si kudos habang kinakausap ko yung bata..

" ikaw may gawa yan ang ganda?.." nakangiti kong saad sabay Iwas.

" Gusto mo pala Ang mga bata?.." napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya..

" Ah oo naalala ko kasi ang kapatid ko sa kanya matagal na din ako di nakikipag laro sa bata.." nakangiti kong sagot at tinuon na lang ang tingin sa ginagawa kong pool.

" You want a baby right?.." napatigil ako sa ginagawa at napatingin sa kanya

Ang tingin niya sakin ay kakaiba ang pakiramdam sakin.

Maya maya pa ay dahan dahan syang lumapit sakin, Hindi ko alam kung may nakakapansin ba ng pag lapit nya sakin.

Wala rin akong maurungan dahil ang nasa likod ko ay si holy na nakatalikod din sakin..

Trying To Escape From The Mayor's Son (ES#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon