CHAPTER 69

23.1K 635 30
                                    

PHEOBE POV

Abala ako sa pag aayos ng mga nabili naming gamit ni kudos para sa anak namin halos lahat ng pinamili namin ni kudos ay kulay pink pati sa mga damit ay kulay pink din kahit hindi pa namin alam kung babae ba o lalaki ang nasa sinapupunan ko.

Mula ng isama ako ni kudos dito sa mansion ay mas lalong naging maalaga ito sakin, mas lalo din kaming naging magastos dahil kung ano makikita ng mommy ni kudos ay binibili niya kagaya na lamang kanina lahat ng tinutupi kong damit ng anak ko ngayon ay ang mommy ni kudos ang pumili.

Hindi sana ako papayag na sumama muna ako kay kudos para tumira na sa mansion nila dahil gusto ko na duon ako manganganak samin gusto ko din ikasal muna kami ni kudos bago sumama sa kanya, pero sadyang mapilit si kudos pati ang mayor at senyora ay gusto din dito muna ako tumira para mabantayan ako gusto din nila mama na sumama muna ako sa kanya dadalawin na lang daw nila ako.

Pakiramdam ko ay panaginip lang ang lahat hindi ko akalain na ikakasal na ako kay kudos, parang nung nakaraan lamang ay may hindi kami pag kakaunawaan, parang nung nakaraan lamang ay pinipilit ko sa sarili ko na kalimutan siya.

Ngayon malapit na kaming bumuo ng isang pamilya,huminga ako ng malalim at hindi mapigilan hindi mapangiti.

Matapos kong mag tupi ay agad kong nilagay ang mga damit na binili namin ni kudos sa kabinet.

Saktong may naramdaman akong yumakap sa aking patalikod, sa amoy pa lang ng pabagong naamoy ko ay alam ko kung sino yun.

" Ang bango ahmm..." napapikit ako ng maramdaman ang labi ni kudos sa aking leeg.

Kahit pag dampi lamang ng kanyang hininga sakin ay para akong nag iinit at nakikiliti. Isang dampi ng halik ang binigay ni kudos sa aking leeg kasabay nun ay ang pag lingon ko sakanya. Ramdam ko ang kamay nya sa aking bewang.

" Ang aga mo nmn ata umuwi, akala ko mamaya kapa.."

" I came home early to see you.." bahagya akong nagulat ng mabilis niya akong hinalikan.

" Na miss din kita.." ramdam ko ang init sa aking muka, hindi ko alam bakit ako nakakaramdam pa ng pag kailang gayong ikakasal na ako kay kudos.

" Kahit na baka matambakan ka ng gawain sa opisina mo, magkikita din naman tayo pag uwi mo.." mahinhin kong ani.

Inalis muna ni kudos ang kanyang yapos sa aking bewang at tsaka inumpisahang hubadin ang kanyang necktie.

" hindi ko mapigilang hindi ka isipin so I went home early, I'm the boss so I can go home anytime.." napasimangot ako dahil sa sagot ni kudos sakin.

Ako na naman ang talo alam ko namang hindi ako mananalo kay kudos pag dating sa ganitong usapan, naalala kong siya nga pala ang boss.

Napaangat ako ng tingin ng maramdaman ang kamay ni kudos sa aking pisngi hindi ko napansin na nasa harapan ko na pala siya saglit akong napatitig sa katawan ni kudos wala itong sout na pang itaas.

" You're really driving me crazy I can't wait for us to get married..."paos niyang sambit sakin na ikinangiti ko.

Hinawakan ko ang kanyang muka at dinampian ng mabilis na halik ang kanyang labi akmang hahapitin niya ang bewang ko at ipag didikit ang labi naming dalawa ng iharang ko sa labi niya ang darili ko.

" ako din hindi na ako makapag antay, pero mali pa rin naalis ka ng opisina mo pano kung may meeting ka pa?." Sunod sunod kong sambit.

" I canceled all my meetings.." seryoso niyang sambit na ikina laki ng mata ko.

" H-huh? Ser---" hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng siya naman ang hinarang ang kanyang daliri sa aking labi.

" Mag papacheck up tayo.." oo nga pala muntik ko ng makalimutan na ngayon pala ang pagpapacheck up namin ni kudos kaya pala maaga siyang umuwi ngayon.

Trying To Escape From The Mayor's Son (ES#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon