CHAPTER 63

25.8K 701 131
                                    

Sunod sunod na binato ni kudos ang mga gamit sa opisina ng kanyang ama mula kahapon ay hindi sinasagot ng kanyang ama ang mga tanong niya kung bakit wala na siyang nadatnan na gamit sa kwarto ng dalagang si pheobe.

Mula ng pasukin niya ang kwarto ng dalaga kagabi ay wala na siyang nadatnan na gamit kahit isa, kundi ang cellphone lng ng dalaga na nasa kama na binigay nya, parang gumuho ang kanyang mundo dahil hindi niya nakita ang dalaga.

Kaya pala hindi niya ito matawag dahil sa cellphone nitong naiwan hindi niya alam kung sinadya bang iwan ng dalaga ang binigay niyang cellphone dito o nakalimutan lamang ng dalaga

"Kudos!.." nanggigigil na sigaw ng kanyang ama pero imbis na tumigil ay mas lalo pa ito nag basag ng gamit akmang sisipain niya ang vase na malaki ng biglang kwinelyohan siya ng kanyang ama.

"Honey, Kudos, huminahon kayo.." sigaw ng kanyang ina masamang nag titigan si kudos at ang kanyang daddy.

Huminahon ang ang muka ng daddy ni kudos ng maramdaman ang pag hawak sa kanyang braso ng asawa niya tinignan siya nito habang bakas ang pag aalala..

Agad siyang binitawan ng ama sa pag kakakwelyo hindi niya pinagabalahan ayusin ang kanyang sout at tsaka madiin na tinapunan ng tingin ang kanyang ama

"Again! dad where's pheobe!?" madiin niyang tanong habang umiigti ang panga hindi niya magawang kumalma pakiramdam niya ay sa isang babae lang siya kakalma at yun ay ang dalagang si pheobe..

"Hindi ko alam nag resign na siya.." malamig na sagot ng kanyang ama muli nanaman nag dilim ang paningin ni kudos dahil kung ano yung sagot ng ama niya kanina sa kanya ay yun muli ang sinagot sa kanya.

Walang pagdadalawang isip niyang sinipa ang vase na malaki sanhi para mapasigaw ang kanyang ina, wala siyang maramdamang sakit kahit ang kanyang kamay ay puno na ng dugo kakasuntok sa pader hindi niya ramdam ang sakit sa kanyang mga sugat.

Dahil walang makakapantay sa sakit na kanyang nararamdaman ngayon dahil sa pag iwan sa kanya ng babaeng mahal niya.

"Stop that kudos!.." sigaw ng kanyang ina sa kanya

"Walang magagawa yang pag wawala mo kudos hindi na babalik si pheobe.." napaupo si kudos dahil sa kanyang narinig pakiramdam niya ay kusang nanghina ang kayang mga tuhod dahilan ng kanyang pagkakaupo.

"Honey bakit hindi mo na lang sabihin sa anak natin kung nasaan si pheobe, Hindi ko kayang makita ang anak nating ganyan.." nag aalalang sambit ng kanyang asawa na ikinaiwas niya ng tingin.

Gusto niyang sabihin sa anak niya kung nasaan ang babaeng mahal nito dahil naawa siya sa kalagayan nito, pero mas gusto niyang ang kanyang anak mismo ang makaalam kung nasan ang babaeng mahal niya.

At isa pa nangako siya sa dalaga na hindi niya ipapaalam kung saan ito ngayon.

"Hindi babalik ang babaeng mahal mo kung mag wawala ka lang kung mag babasag ka lang ng gamit.." nang hihinang napaupo sa sahig si kudos dahil sa sinabi ng ama

Parang paulit ulit sinasaksak ang kanyang dibdib gusto na niyang makita ang dalaga gusto niya itong hagkan at yakapin pero hindi niya magawa dahil iniwan na siya nito.

Biglang sumagi sa isipan ni kudos ang nangyari nung huling gabi na pag kikita nila ng dalaga hinayaan niya itong umalis dahil akala niya na mag papalamig lamang ito ng ulo.

Akala niya ay maaayos din ang lahat pag nakausap niya ito pero mula ng umuwi siya ng gabing yun ay hindi niya na nadatnan ang dala sa silid.

"DAMN IT! SHIT! SHIT! AHHHH!.." sigaw niya at napasabunot sa kanyang buhok hindi niya alam ang kanyang gagawin hindi niya akalain namanghihina siya ng ganito.

Trying To Escape From The Mayor's Son ES#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon