CHAPTER 44

25.3K 617 67
                                    

Pheobe POV

Dahil tapos na ang vacation namin at dalawang araw na wala kaming pasok ay bumalik na kami sa dati naming ginagawa ang maging abala sa pag lilinis.

Hindi porket pinag aaral kami ni mayor ay makakalimutan na namin ang trabaho namin dito, nag papasalamat parin kami sa tatay ni kudos dahil pinag aral niya ako dahil kung hindi siguradong next year pako makakagraduate.

"Pheobe iha.." napabalik ako sa urirat at napatingin kay manang ng marinig ko ang boses nito.

"Bakit po manang?.." nakangiti kong tanong

"Iha pwede mo bang ayusin at pag pagan yung sofa sa loob medyo masakit na balakang ko.." pakiusap nito habang hinihimas ang likuran niya..

"Sige po manang ako na lang po gagawa nun mag pahinga na lang po kayo kanina pa ata kayo gumagawa eh.." nakangiti kong saad

Tumungo ito at agad na umalis sa harap ko tinapos ko muna ang pag didilig na ginagawa ko tsaka ako pumasok sa loob ng mansion, tutal gusto ko din naman ang gumawa para makabawi ako sa ilang araw namin pag babakasyon.

Lahat ng mga kapwa ko may katulong ay may ginagawa dahil nandito daw si mayor at hindi umalis.

Seryoso lamang ang pag aayos ko ng malaking sofa nakikita ko sa mga katulong n nag aayos nito minsan ay wala ka man lang makikitang koyumos, sinunod ko ang malaking upuan na pang isahan, dito umuupo Ang mayor sa tuwing nandito sya sa mansion.

Hindi ko maiwasan hindi matulala ng ilang saglit at mapatigil sa ginagawa ko, agad ako nakaramdam ng init sa aking pisngi at napapikit ng maalala ko ang nangyari samin kahapon ni kudos.

Tuluyan na talaga akong napalapit sa kanya at nahulog sa isang tulad niya. hinayaan ko na syang angkinin ang puso ko.

Hinayaan kona ang sarili kong mahalin sya.

Akala ko sigurado na ako sa binitawan kong salita sa sarili ko na hindi ko siya hahayaang mapalapit sakin.

Hindi ko hahayaan na mahalin ko sya pero ano tong ginagawa ko ilang oras pa lang kaming hindi nag kikita piling ko na miss kona agad sya.

"Hayst baliw kana pheobe.." huminga ako ng malalim at pinag patuloy ang ginagawa ko.

"Ayos ka lang ba iha?.." napatigil ako at tila napako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang isang boses..

Dahan dahan kong inangat ang aking ulo, ganun na lang ang panlalaki ko ng mata ng makita ko si Mayor na nakatingin sakin habang nakatayo sa may hagdan.

Agad akong umayos ng tayo sabay yuko k-kanina pa ba siya jan bakit parang kinakabahan Ako.

"M-Mayor kayo po pala.." Hindi ko maiwasan hindi mautal sa sobra Kong pag iisip kanina Hindi ko sya napansin..

Narinig ko ang dahan dahan pag baba nito sa hagdan dahil sa sapatos niya ay nag bigay yun ng ingay..

Nakatungo lamang ako mamaya maya pa ay dumaan ito sa harap ko at tsaka umupo sa upuan na isahan na kulay red kung saan siya umuupo minsan pag nandito sa mansion..

"Kamusta ang bakasyon?.." napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi ni mayor..

"Ayos naman po m-masaya po.." magalang kong saad habang nakangiti

"Sige maupo ka para hindi ka mangalay kakatayo.." saglit akong nabigla sa pahayag nya pero agad din akong tumungo at umupo sa mahabang sofa

Kakausapin ba nya ako?.

"Oo nga po pala mayor nag papasalamat po ako pati na po ang magulang ko dahil sa pag papaaral po n'yo sakin, Maraming salamat po talaga.." mahaba kong linya habang nakayuko Hindi ko alam kung tama ba Ang ginawa ko pero gusto ko lamang naman ay mag pasalamat..

Trying To Escape From The Mayor's Son ES#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon