CHAPTER 30

27K 540 31
                                    

Pheobe POV

Nang marinig ko ang tawag sakin nila holy ay agad akong bumitaw sa pag kakahawak sakin ni senyorito, agad akong tumakbo papunta sa kanila..

Agad ko silang nilapitan sila clara at pheobe ay nag uumpisa ng humuha ng mga litrato habang si holy naman ay nakababad Ang paa sa tubig.

Ginaya ko ang ginawa nito umupo ako sa tabi niya kung saan may buhangin at nilubog ang aking paa, tutok na tutok samin ang sinag ng araw sa tuwing titingin ako sa langit ay hindi ko to natitignan ng maayos kaya sinuot ko saglit Ang sun glasses na binigay ni holy.

" Seryoso kayo na uupo lang kayo jan??." Rinig kong sigaw ni Xaxy nag katinginan kami ni holy sabay tumawa

Nilaro laro ko lang yung buhangin sa ilalim ng tubig ng biglang lumakas Yung alon sa sobrang lakas ay tumama ito sa muka namin ni holy

" HAHAHAHA butI na lang nakuhanan ko clara.." napatingin ako kila Xaxy ng tumawa ito habang Ang camera nya ay nasa dereksyon namin ni holy

" Ano nanaman yang trip n'yo xaxy.." agad na tumayo si holy at tumakbo papunta sa dereksyon nila clara

Pag tayo pa nito ay may buhangin na sumama sa kanyang bikini na panty dahil sa pag kakaupo..

" Punyeta talaga kayo burahin n'yo kaya yan...." Rinig kong sigaw ni holy hindi ko alam Ang nangyayari sakanila

Pero Ang boses nito ay halatang naiinis dahil hangggang sa pwesto ko ay naririnig ko ang mga boses nila

" Hoy! Phoebe tignan mo oh Ang LT ng muka mo Dito HAHAHAH..." kung kanina ay inis na inis si holy ngayon ay nakikitawa na din

Dahil sa curious ako sa sinabi ni holy ay agad akong tumuyo ramdam kong basa ang aking pwetan dahil din sa pag kakaupo

Nag lakad ako papunta sa kanila na hangggang ngayong ay tumatawa pa din

" Tignan mo pb LT muka mo sumabay pa yung alon HAHA..." agad kong tinignan yung phone ni xaxy at nakita ko Ang luha nito

Kinuhaan ako nito nung lumakas yung alon kanina at tumama sa muka ko jusko para akong dinapuan ng ipis sa reaksyon ko.

" Burahin mo nga yan xaxy ampanget n'yo kumuha.." saad ko at inagaw ang phone niya pero Iniwas niya ito.

" Wag ka mag alala mas LT reaksyon ni holy kesa sayo HAHAHA.." agad inagaw ni clara ang phone ni xaxy at pinakita sakin ang nakuhaan nila ay holy

Sobrang ganda ni holy pero sa itsura niya dito ay tirik na tirik Ang mata niya ay nung natamaan sya ng alon

" HAHAHA bakit ganun para syang inano HAHAHA" Hindi kona mapigilan hindi matawa dahil sa nakita ko

" Sabe sa'yo eh para syang nakarating sa langit HAHAHA.." tawa din na saad ni clara pati si Xaxy ay natawa din

" Punyeta burahin n'yo nga Sabi yan eh..." Mas lalo kaming natawa dahil sa reaksyon ni holy

" Remembrance to sis ano kaba HAHAHA..." Halos sumakit na Ang tyan ko dahil sa sinabi ni xaxy

Pero ganun na lang Ang pag kakatigil namin sapag tawa ng may tumama sa braso ni xaxy na buhangin, tinignan ko si holy na tumatawa ng matamaan niya si Xaxy

" Buburahin mo yan o mag babatuhan tayo dito..." Nakangising saad ni holy

Kumuha din ng buhangin si Xaxy at binato si holy na nataan din sa braso

" Ayoko nga, ganun pala ah sige mag batuhan tayooo..." Nakangisi ding sagot ni xaxy

Pati si clara ay nabato din ni holy akmang lalayo ako ng matamaan ako ni clara ng buhangin sa mismong dibdib ko tinignan ko sya pero tinawanan lang ako nito

Trying To Escape From The Mayor's Son (ES#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon