"LEAVE I DON'T WANT TO SEE YOUR FACE ANYMORE!" natinag ako sa pagsigaw niya sakin, itinuro niya pa ang pintuan papalabas.
"Ruiz." tawag ko sa kanya, hindi ko siya kayang iwan, kailangan niya ako, kahit hindi niya ako kailangan ay andito lang ako para sa kanya.
"Umalis ka na." mahina niyang sabi na sumusuko.
"You need me." sabi ko sa kanya, okay lang na magpuyat ako sa kakabantay sa kanya, kahit mabingi ako sa kakasigaw niya ay titiisin ko.
"Pinaglaruan lang kita Jemsyl, ginawa ko lang ang inutos ni Maan, so please, leave me. I don't deserve you. Hindi ka dapat na nandito, hindi mo dapat akong mahalin." pag-aamin niya, tumulo ang luha ko sa isiniwalat niya. May katitining pang pag-asa na hindi ako naniniwala na pinaglaruan lang ako ni Maan at ni Ruiz pero gumuho iyon ng narinig ko mula kay Ruiz pero pinilit kung pinatatag ang sarili ko para sa kanya dahil mahal ko siya.
"Alam ko, tapos na yun Ruiz, kalimutan na natin." bakas sa mukha niya ang guilty sa ginawa.
Siguro kung kagaya din ako ni Ruiz, maaaring magagawa ko rin kung ano mang i'uutos ng mahal ko. Kahit makasakit ako ng ibang tao para sa kasayahan niya ay gagawin ko. I won't blame him ginawa lang naman niya yun para sa ngalan ng pag-ibig.
Nanatili ako sa tabi niya hanggang sa nakatulog siya. Sinabi ko rin kay Tita na alam na ni Ruiz na wala na si Maan. Pinahid ko ang luhang kumawala sa mata niya. Sobrang nasasaktan siya, kung may kakayahan lang sana akong pawiin yang sakit sa puso mo Heir, ginawa ko na. Pero may sakit na dinadamdam din ako, na parang anytime ay sasabog ako sa labis na kalungkutan.
"Ako na muna ang magbabantay hija, pwede ka munang umuwi alam kong pagod na pagod ka sa studies mo." umiling ako kay Tita. "I'm fine tita, babantayan ko po siya hanggang sa migising siya." nakangiti kong sabi. Kahit nag-alala si Tita sa akin ay ayokong dagdagan iyon, gusto kong nasa palagi ako ni Ruiz, best friend niya ako eh, kailangan niya ng makakapitan ngayon, at ako iyon.
"Thank you hija, salamat sa pagtitiyaga mo sa anak ko." niyakap ko na lang si Tita bilang sagot.
Kahit busy ako sa school ay may time parin akong dalawin at kamustahin si Ruiz. Kahit medyo malamig parin ang pakikitungo niya sakin ay hindi ko inisip na hadlang yun para tulungan siyang bumungon muli.
"Ma, gusto kong puntahan si Maan." biglang sabi nito ng naghahanda ako ng makakain niya ng lunch. Nagkatinginan kami ni Tita at tumango ako bilang pag-sangayon. "Mamaya anak pagnatapos kang kumain."
Gamit ang wheel chair ay bumyahe kami patungong MIMG, bumili kami ng bulaklak at siya mismo ang may hawak. Kahit hindi siya pa gaanong nakakalakad ay pinilit niya ang sarili niyang tumayo. Inilipag niya ang bulaklak sa puntod nito, mabilis siyang nagpunas ng luha.
"Babe...."
"Bakit mo ko iniwan? Bakit hindi ka kumapit ng mahigpit sakin? Bakit bigla ka na lang nangiiwan ng walang paalam? Diba sabi mo pa, bubuoin pa natin ang dream family natin. Sabi mo pa gusto mong maikasal sa malaking simbahan. Bakit hindi ka tumupad sa usapan nating walang iwanan? Ginawa ko naman ang gusto mo, lahat, para lang sayo pero bakit ang kasiyahan nating dalawa di mo tinupad? Babe ... I will always love you, your name engrave my soul, walang papalit sayo sa buhay ko. Mahal na mahal kita."
Hindi ko pinagpatuloy ang pagpakikinig sa mga sinasabi ni Ruiz nagpaalam ako kay Tita na sa simbahan lang ako.
Nagdasal ako ng mataimtim, kinausap ko ang Diyos, sa panahon ng wala akong makakapitan ay sa kanya ako lumalapit. I always talk to him kahit wala ako sa simbahan. Nagkaroon ako ng peace of mind pagkalabas ko.
"Tita, dederetso na lang po ako ng uwi." sabi ko ng matapos si Ruiz sa pakikipag-usap niya sa puntod ni Maan.
"Ihahatid ka na namin." umiling ako, "may dadaan pa po kasi ako." nakangiti kong pahayag.