Chapter 10 I promise

46 8 4
                                    

Ano naman kaya ang pakay ng Ruiz nato? Makipaglapit na naman ba ako sa Maan niya? Samahan silang mag lunch na tila nanonood ako ng Love Story na kumakain.

Hindi na ako nag-abala pang mag reply. Kakausapin lang niya naman ako pag may kailangan siya o pakiusap. Hindi naman sa nagrereklamo ako, nasanay narin naman ako na palaging nasa likod niya

PAGPASOK ko sa room namin naka-upo na ang mga kaklase ko. Parang nag iba ang atmosphere ngayon, tahimik sila na nagbubuklat sa notes nila.

"Hoy, bakit ang busy niyo ata?" upo kung tanong at tiningnan ang binabasa niya.

"Nag announced si Ma'am kanina na magtetest siya sa Mapeh." at nagpatuloy siya.

Kinuha ko na rin ang notes ko at nagsimulang magbasa ng nagdaan ang limang minuto ay, dumating na si Maam. "Get 1/2 cross wise, number one." 1-30 ang test namin kaya kinain ang trenta minutos na oras namin at ten minutes na pagcheck sa answers namin.

Sabay naman kaming bumabang tatlo, ganun parin ako parin ang nasa gitna at ang tahimik nilang dalawa. Ang alam ko nag exchange messages sila kagabi at bakit tila hindi sila nag-uusap ngayon? Itong dalawang to, nagkahiyaan pa.

Binilasan ko na lang ang lalakad ko papalabas ng gate, magsama silang dalawa may pa tahimik-tahimik effect pa di naman bagay sa kanyang bungangera.

Nakasabay naming kumain ang mga chismosa sa school, lets say mga fans ni Ruiz at first time ko silang makitang dito kumain sa labas.

"Monthsary nga pala bukas nina Ruiz at Maan no? Ano kaya ang surprise nila sa isa't-isa?" 

Hindi naman sa nakikinig ako pero ang lakas kasi nilang mag-usap na parang walang tao sa paligid nila, patuloy lang silang nagchechekahan habang natapos silang kumain. Naalala ko naman nung tinanong ako ni Ruiz, hindi ako nagsisinungaling na ayaw niyang tumanggap ng regalo dahil gusto niya siya yung nagbibigay. Ilang gifts na ba ang ni reject niya galing sakin? More than 20's na ata, sa dami ba naman ng occasions ng mga bata kami pero ni isa wala siya tinanggap galing sakin. In the end hindi ko rin tinanggap ang mga gifts niya, unfair naman kasi sa part niya pag tinanggap ko tapos siya walang matatanggap.

"Bukas, tuloy group study natin a?" paalala ni Clair sakin, hindi niya nga pala alam na isasama ko si Avin loves niya. Nakangisi naman akong tumango at umalis kami sa karenderya.

Naalala kong wala kaming extracurricular activities dito sa school. Hindi naman kailangang may clubs kang sasalihan kung gusto mo at active ka pwede ka. Kaso tinatamad akong sumali at magsign up ng form at busy ako para umattend ng meeting ordensa ng organisasyon nila. Pareho naman kami ni Clair walang sinalihan, kung nasaan ako at andun siya pag wala ako, wala din siya.

Dinaan naman namin ang classroom ni Maan at nakita ko sila ni Ruiz na nag-uusap sa hallway, wala bang araw hindi mapaghiwalay ang dalawang to? Bigla naman napatingin sa gawi ko si Ruiz na sinundan naman ni Maan. Nginitian niya ako na hindi niya madalas gawin pagandito kami sa school. Oh? Bakit ngiti-ngiti yang Ruiz sakin? Tinanguan ko lang sila at umakyat sa classroom.

Bigla naman akong siniko ni Avin. "Kakilala mo ba yang si Ruiz?" pareho naman kaming napatingin ni Clair. Hindi naman big deal sakin kung nalaman niya. 

"Childhood bestfriend." sabi ko.

"So close kayo? Bakit di ko kayo nakikitang magkasama sa school kung best friend kayo ng lagay na yan." 

"Long story, wag mo na lang alamin basta childhood bestfriend ko siya, tapos." bigla naman siyang napatanong kay Clair na kinabigla rin niya. Kailangan pa palang ma distract para lang makausap si Clair.

No GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon