Chapter 35 For my sister

29 4 6
                                    

"Ate, aalis na si Kuya Heir, hindi ba natin siya lalapitan?" nanatili lang kaming nakatago sa mga nakahilirang mga damit. Nakaupo ako at pinagtakpan ang mukha kung puno ng luha.

"Kuya-" napilitan kung pagtakpan ang bibig ni Jazz at hinila siya pabalik.

"Huwag mo nang tawagan ang Kuya mo." sabi ko habang nakayukong umupo.

"Ayos lang ba kayo Ma'am?" sumulpot bigla ang isang sales lady sa harapan namin. Dali-dali ko namang pinahid ang nababasang pisngi ko.

"May hinahanap lang kami." pagdadahilan ko at tumayo.

"Pwede ko po kayong tulungan maghanap." offer nito na nakangiti.

"Huwag na, nahanap naman namin. Salamat." nagsalita pa si Jazz at tinanong kung ano ang hinanap ko, hindi ko na lang siya pinansin at bumalik kela Clair at Avin.

"Saan ba kayo galing? Kanina pa namin kayo hinanap, akala ko umalis na kayo." lintya nito ng makita kami.

"May nakita lang kaming magandang damit." dahilan ko.

"At nakita po namin si Kuya Heir." sabi naman ni Jazz na ikanagulat ni Clair.

"Saan niyo ba nakita ang Kuya Heir mo?" pagtatanong nito sa kapatid ko habang sakin siya nakatingin na nangungusap.

"Doon po. Kaso nagtago si Ate kaya di kami nakita ni Kuya." tumango naman si Clair at lumapit kay Avin.

Lumapit naman pagkatapos si Avin sa kapatid ko at pumantay. "Baby, bili muna tayo ng pagkain natin?" yaya nito sa kapatid ko.

"Sige po."

Pagkaalis ng dalawa ay hindi agad nagpaligoy-ligoy si Clair at nagtanong.

"Totoo ba ang sinabi ng kapatid mo?" tumango ako bilang sagot.

"Anong nakita mo? Magkasama ba sila?" tumango ulit ako. Hindi ko kayang magsalita at pigil ang luha kong bumuhos.

"Bakit hindi mo nilapitan Jem? Akala ko ba malakas ka?" tanong nito sakin.

Hindi ako makaamik. Akala ko din malakas ako na kaya ko ang lahat ng sakit pero hindi din pala may hangganan pala ang pagiging malakas ng isang tao.

"Hindi ko alam kung magagalit ba ako sayo o sa sarili ko. Pero, sorry kung hindi kita matulungan. Sorry kung wala akong magawa sa nangyayari. Kung pwede ko lang suntukin yang best friend mo at ako mismo ang manakit sa kanya ay gagawin ko. Hindi ko alam kung gaano ka nasasaktan ngayon. Kung hindi lang sana kita pinagpilitan sa kanya ay sana hindi ka nasasaktan ngayon. Sorry, kung pinagtulukan kita sa kanya, Nget. Hindi ko din alam na magagawa niya to sayo. Sorry talaga." niyakap niya ako sa gitna ng maraming mamimili. Para kaming mga baliw na nag-iiyakan sa Mall.

"Anong nangyari sa inyong dalawa?" tanong ni Avin ng nakita ang mga mukha naming galing sa pag-iyak.

"Nagkatuwaan lang." natatawang sabi ni Clair.

"Huwag mo nga akong pinagloloko. Oh, kakain ba tayo bago umuwi?" tumango naman kaming dalawa.

"Mag thank you ka Jazz." sabi ko sa kapatid ko ng maihatid kami.

"Thank you Po." sabi niya sa dalawa.

"Walang anuman." nakangiting sabi ni Avin.

"Thank You sa paghatid. Ingat ka nget. Iuwi mo yan ng maayos ha." habilin ko kay Avin.

"Babye po." pamamaalam ni Jazz sa dalawa.

"Ingat." sigaw ko muli at kumaway.

"Hi baby." salubong ni Papa kay Jazz pagkabukas namin ng pinto. "May bisita ka." mahinang sabi niya sakin.

No GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon