Nagsimula na ang laro nila, kanina ay nilapitan niya ulit ako pampabwenasa daw kaya hinalikan ko siya sa cheeks lang.
Hindi ko pinansin ang narinig kong salita galing sa mga taong nakakita sa nangyari.
Focus na focus ako sa bawat paglalaro niya, bawat pagpasa at pagshot niya ng bola ay inaabangan ko.
"Go Red Gravity!!!!" Sigaw ng mga tao, bulong lang ang ginagawa kong cheer kay Ruiz dahil kalahati ng manunuod ay siya ata at ang team nila ang inaabangan.
"Sana manalo tayo ngayon no? Balita ko e, magaling daw yang team na yan." Tukoy ni Clair sa kalabang team.
Terror- ang pangalan ng team sa kabila.
"Maniwala na lang tayo sa team natin." Sabi ko sa kanya pero ang lamang ay sila 15-6.
Minsan ay nakakamintis ng iskor si Ruiz kaya mas lalong lumaki ang iskor sa kabila.
"Tignan mo yang naka number 17, magaling yan, siya ata yung naging MVP last year." pinanuod ko namang humawak ng bola ang naka jersey'ng number 17 'Pragados'
"Sila ba yung tumalo sa defending champion last year?" Si Ruiz ang nakabantay sa kanya, panay ang pagbabantay nito na tila ayaw niyang kumawala ito sa bantay niya.
"Oo, sayang nga't hindi ako nakapanood nun, pano ba naman panay ang iyak mo nun." bigla akong napaisip sa sinabi ni Clair.
Ah. That was the time na umiyak ako dahil sa panloloko ni Shin sakin. I smiled when I remember it.
"What's that smile for? Masyadong creepy." Tinawanan ko na lang si Clair. "Bakit ka ba ngumi-ngitu diyan ha? Di naman ako ganyan pag nanunuod ng basketball." Dagdag niya pa.
"May naalala lang ako." Hindi naman siya nakumbinsi sa sinabi ko at kinausap na lang si Avin.
Katatapos lang ng first half at lamang parin ang Terror sa iskor 41-26.
"Masyadong magaling yang Pragados na yan, lalo na pagnalaro na silang dalawa ni Costana. Ang hirap bakuran, sobrang mailap at ang bilis pa tumakbo." sabi nang ka teammates ni Ruiz.
Nginitian ko siya ng lumingon siya samin. I mouthed 'Kaya niyo yan' and he smiled back. Tumayo naman siya at lumapit samin.
"Pagod ka?" Yan ang unang tanong ko sa kanya dahil panay lang ang pagtulo ng pawis sa mukha niya.
"Di pa naman, pwede ko bang marinig ang cheer mo mamaya?" he sounds asking for a favor na hindi ko kayang tanggihan. "Sige. Galingan mo a?" sabi ko sa kanya, nagbigay ng instructions ang coach nila dahil sa kanila ang unang bola.
"Kailangan niyong i-shot ang bola sa pagkakataong ito. Ikaw Ruiz, dito ka pumwesto, ikaw naman Chavez, wag mong hayaang makalapit si Costana dito. Pagkatapos mong maipasa kay Reyes ang bola tumakbo ka dito at ng may mabakante si Ruiz." pagkatapos nun ay nagsimula na ang 3rd quarter.
Tagumpay naman niyang na i-shot ang bola kahit medyo alanganin ang pagtalon niya.
Napahiyaw ang mga tao sa sunod-sunod na turn over kaya mabilis na nakahabol ang team nila.
Nang siya ang may hawak na bola sinigaw ko ang pangalan niya kahit nagsabayan pa sa ibang boses. I know he heard me.
Walang sablay sa ring ang pagshot niya ng tatlong puntos. Sa sobrang saya ng audience ay panay ang sigaw nila sa team.
Hindi naman agad nagpatalo ang Terror at nag counter attack sila na mabilis na i-shot ang bola sa ring. Walang duda magaling talaga sila.
"Bibili na muna kami ng snacks nget." Paalam ni Clair sakin ng malapit ng matapos ang 3rd quarter, tumango ako bilang pag-sang-ayon.
