Binulsa ko na lang ulit ang phone ko, bakit ko naman siya rereplyan? Kahit replyan ko man siya wala akong load kaya binulsa ko na lang ulit.
Dumating ang huling teacher namin sa umagang iyon. Pagkatapos ng lecture niya ay nagbigay siya ng 1-15 test. May iba akong hindi nasugatan kaya nagtanong na lang ako kay Clair, ganito kami pag may test, kapit-bisig kapag isa samin hindi alam ang sagot sa question na yun at alam ko o niya ang sagot ay sasabihin namin para makakuha kami ng malaking score pero hindi parin maiwasan na minsan malaki sa akin at minsan sa kanya naman malaki.
"Isasama ba natin siya sa lunch?" tinanong ko siya dahil baka ayaw niya, kasi nga diba akala niya may gusto sakin si Avin na yun. May plano pa naman akong kausapin siya mamayang hapon pagkatapos ng klase para di kami makita ni Clair o ng iba.
"Why not? Hindi naman porket may girlfriend na siya di na natin siya isasama atsaka crush ko parin siya kaya okay lang." nakangisi niyang sabi. Alam ko na kung anong iniisip nito "MAGHIHIWALAY DIN YAN!"
"Okay." nilapitan ko si Avin at tinanong kong sasama siya samin mag lunch ngayon, simula kanina umaga ay hindi niya rin kinausap si Clair parang nakikiramdam lang din tong isa to. Habang nilalagay niya sa bag niya ang mga gamit niya ay kinausap ko siya. "Sama ka samin lunch?" tumingin naman siya sa gawi ni Clair na nasa labas na't naghihintay sakin o samin.
"Hindi ba siya galit sakin? Di niya kasi ako kinausap simula kaninang umaga. Gumana ba ang plano natin? Okay lang ba talaga?" hindi ko na sinagot ang tanong niya dahil alam kong gusto niya ring makasama si Clair sa lunch. Hinila ko na siya galing sa pagkakaupo niya at dinala sa labas. Ang daming tanong isa lang naman ang tinanong ko di pa ako sinagot!
"Oo nga pala, malapit na ang midterm, nget. Group Study tayo sa inyo this weekend a?"
Hindi ko maiwang isipin na may ibang dahilan din siya sa GROUP STUDY ek-ek namin. Una, magkapit-bahay lang kami ni Avin at hindi malayong isipin na sasama siya samin dahil ang lapit lang ng bahay niya. At pangalawa, may gusto si Avin sa kanya kaya sasama ito samin o di kaya hindi Group Study ang pakay ni Clair samin kundi ang makita lang ang pagmumukha ng Avin nato.
"Yan na naman ang group study mo Clair ha, siguraduhin mo lang ngayon na mangyayari na talaga dahil kung hindi sisipain kita palabas ng bahay namin." tumawa lang siya at hindi nagkomento dahil alam niyang tama ako. Kita mo ang babaeng to, porket nakapasok kami sa top 10 sa Second Grading e, ganyan ganyan na siya. Wala namang kaso sakin para bonding time na rin pero naiisip ko na niloloko namin si Papa pero keri lang nakikinuod din naman siya pagnanunuod kami.
Kasabay namin naglakad ang ibang estudyanteng kakain din sa labas o di kaya uuwi sa kanila. Hindi ko trip ang umuwi samin kahit mas masarap kumain sa bahay ay ang katotohanang mahirap pabalik sa school pag tanghali.
Sa ganong order pa rin ang kinuha ko at yun din ang sa kanila. Tahimik kaming kumakain ngayon na hindi gaya noon e, itong dalawang to ang nag-uusap pero ngayon, parang napipi silang dalawa.
"Naipasa mo na ba ang project natin nget?" tinanong ko siya matapos maubos ang soft drinks ko.
"Hindi pa, isasabay ko sana sa iba kaninang umaga kaso nauna na sa kanila hindi sila nagsabi na naipasa na pala kaya mamaya na lang pabalik." sagot niya.
Hindi ko maiwang tingnan si Avin na nasa tabi ko lang na tahimik na inuubos ang soft drinks niya na hindi man lang nag-aangat ng tingin. "May problema ba kayong dalawa? Bakit walang nagsasalita sa inyo?" pabalik-balik na tingin ko sa dalawa.
Nag-angat naman ng tingin si Avin at una niyang tiningnana si Clair na nakatingin din sa kanya. Kinilig naman ako sa pagtama ng mata nila, hibang na ba ako? Kasi nagtama lang ang mata nila kinilig na ako parang may spark kasi. Nako, may pag-asa pala tong dalawang to. Kung hindi manhid si girl torpe naman si boy. Torpe nga ba si Avin e, palihim na dumadamoves ang isang to.
