Chapter 2 - Excuse

71 7 2
                                    

Dumaan ang ilang araw at may laro na naman ang Red Gravity laban sa ibang school.

As I said manunood ako pero honestly ayoko talaga kung maaari e, gagawa ako ng alibi para hindi ako makapunta.

Nagpaplano na ako ng pang alibi para kung tanungin niya ako may ipangrarason ako ng biglang may nag doorbell.

Naiingayan na ako, nasaan ba si Jazz?

"Ate, pakibuksan ng pintuan nagc-cr pa ako." nasa cr pala.

Tumayo na lang ako dahil wala rin akong magagawa dahil pag nasa cr yan inaabot ng isang oras tinalo pa ang mga manganak sa kanya.

"Wait lang ha? Parang di naman to makapaghintay."

Tumingin ako sa hole ng pintuan para makita kong sino ang nasa labas. Kailangan manigurado.

Anong ginagawa niya dito?

Isang lalaki na naka jersey tshirt ng 28 at may Red Gravity na nakasulat at halatang pawis na pawis. Tapos na ba ang laro nila?

"Di mo ba ako pagbubuksan ng pinto Jemsyl?"

Kinakabahan tuloy ako, na konsensya ng konti. Hihihi

Relax Jem, wag kang mag pahalatang guilty.

"O? Napadaan ka dito Ruiz?" salamat naman at hindi ako nabulol.

Nakatingin lang siya ng seryoso, yung totoo? Anong pakay niya?

"Wait, saan moko dadalhin ha? Tapos na ba ang laro niyo? May gagawin pa ako. Bitaw please."

Bingi ba ang isang to? Kung makahila sakin a, parang papel lang.

"You said na pupunta ka sa game."

So ito ang pinagpuputok ng butchi niya?

"May mas importanteng bagay lang kasi akong gawin kaysa sa manood ng game niyo."

Walang kundang na sabi ko. Totoo naman e, di lang talaga ako mahilig panoorin siyang mag laro ng basketball ngayon.

"Sinabi mong manonood ka." lintya niya at sabay bitaw ng braso ko.

"Sinabi ko pero di ko sinabing totohanin ko. Atsaka, di naman ako kailangan dun, ano, mag checheer din ako katulad ng ginagawa ng iba? Waste of time."

Hindi siya umimik pagkatapos ng sinabi ko. Yes, ganito ko siya kinakausap. Baliktad ang ugali namin maraming nagsasabi na wala akong puso dahil hindi ko nararamdaman ang nararamdaman ng iba.

Importante ba yun? Sa akin kasi, yourself first before anyone else, makapaghihintay naman yung tao e, may iba lang talaga na ayaw sa ugali ko and napakaling I DON'T CARE. Marami pa akong dapat aalahanin kaysa makiramdam sa iba.

Hindi ako yung tipong taong kailangan e'please ako ng tao, na dapat makibagay ako. Na, hindi ako ganyan, only matters to me is me at pamilya ko.

Tama na yung, sinaktan ako ng isang taong pinag-alayan ko ng pagmamahal. Lahat tayo natoto sa mga bagay-bagay so bakit pa ako makikibagay kung alam ko naman saan ako nababagay.

"Sorry, hindi ko alam na nasasayang lang pala ang oras mo sakin."

"Okay lang, naka support naman ako sa pagbabasketball mo ayoko ko lang manood. ;) Ako ang no. 1 fan mo kahit di kita chinicheer."

"Pero mas maganda pag nandun ka."

Matatawa na talaga ako sa inaakto niya, tinalo pa ang naagawan ng kendi.

"Hahaha. Di bagay sayo ang mangunot ang noo. Cheer up, panalo ba kayo?"

"Actually, hindi ko tinapos ang laro ng nalaman kong di ka nanuod."

"Sira ka talaga, ilelebre na lang kita ng ice cream."

Nilakad na lang namin ang papuntang 7/11.

"Nasaan ba si Maan?"

Maan, ang no. 1 fan niya di umano, na palaging nasa mga laban nila every competition, na may dala-dalang batalyong babae para mag cheer sa kanila. Naalala ko pa nung na spring siya sa laro niya nakabantay na agad sa labas ng clinic yung si Maan. Kaya, tumalikod na lang ako nandun na no. 1 fan niya e, anong silbi ko pa?

Lakas talaga sa babae ng lalaking 'to.

"Pinauwi ko na, sinabi ko kasing pupuntahan kita."

"Ah, diba ideal girl mo yung si Maan? Simpleng babae at manamit. (parang napag-iwanan ng modernisasyon) Rare na yung ganung babae a."

"Actually, Girlfriend ko na siya." gumuhit naman ang ngiti sa labi niya pagkasabi nun.

Napa O, ako sa sinabi niya. Ano daw? Girlfriend niya? Talaga? Tama pala talaga ang narinig ko nung nakaraang araw.

Kaya pala nakabantay si Maan sa clinic nun girlfriend niya pala ang haba ng hair a.

"Ano ulit sinabi mo? Di ma process sa utak ko." gusto ko lang maklaro kung hindi ba ako nagkakamali ng dinig.

"Girlfriend-ko-na-siya." ulit niya in a slow way na.

"Congrats Ruiz, akala ko talaga bakla ka. Sa wakas at nakahanap ka na rin ng girlfriend. Kaya dapat mag celebrate tayo." kahit alam ko na noon, bakit ngayon mo lang sinabi?

~

Dumating ang umaga at maaga akong nagising kaya ang nangyari napaaga din ako papuntang school.

"Totoo kaya yun?"

"Sabi nila, nakita nilang hinalikan niya ito sa pisngi."

"Gosh, seryoso kayo? Taken na si Ian?

"Ang swerte ni Iris."

As ussual buhay tsismis sa paaralan. Kaya nga ayoko sa mga babae e, walang alam kundi mangialam ng iba.

Dumiretso ako sa locker para kunin ang P.E. Attire ko ng may narinig na naman ako.

"Matagal na sila diba?"

"Kaya pala maaga si Maan today, nagkita daw sila sa Science Park."

"Nako, matagal na sila, hindi lang alam ng iba." I know right!

Nakatingin lang ako sa labas ng sinampal ni Claire ang braso ko.

Ritwal to sakin kada umaga, ito lang ang may guts na sampalin ako sa braso kundi man sa balikat na daig pa ang lalaki sa sobrang bigat ng kamay. Sadistang mabigat ang kamay!

"Bakit di mo sinabing sila na pala?"

Nagkukunyari akong di ko alam ang sinasabi niya. Pasok sa kanan labas sa kabila. Ano ako? Spokesperson niya?

"Wag mo kong binabalewala Jemsyl." minsan naiisip ko may gusto to kay Ruiz e, kung hindi lang bestfriend ko to di ko siya pag-iisapan ng ganun pero naisipan ko na talaga e.

"May sinabi ka?" basta wala akong narinig sa kanya di ko obligasyong sagutin tanong niya. Porket close ko yung si Ruiz di naman agad-agaran nagsasabi yun sa iba ko pa nga minsan naririnig ang tungkol sa kanya bago ko malaman galing sa kanya. Ganyan siya, hindi ko alam kong anong bestfriend ang tawag samin.

"Alam ko na di sinabi ni Ruiz sayo no?" sige lang magsalita ka pa, babatukan na talaga kita.

"Pwede ba Clair, mind your own business, dun ka na lang kaya sumama sa mga chikadora chaka na yun bet kong magkakasundo kayo." padabog akong umupo sa upuan ko, ewan nakakairata, kung wala man ibang mapag-usapan buhay na lang ng mga tao, wala ba silang kanilang buhay?

"I'm sorry, napuno ka ata, oo na, tatahimik na ako." sabay zip niya dito. Nagcount pa siya ng 123. -_-

"Excuse me Sir." boses lalaki ang narinig namin sa likuran. Tumigil si Sir at bumaling kay Flores.

"Yes, Flores?"

pero iba ang nagsalita pabalik ..

"Excuse me to intrude your lecture Sir, can I borrow Jemsyl for a while?"

No GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon