"Hindi na ako makapaghintay! Wala ng pasok bukas. Christmas break na. Whoaaa!" ito agad ang sinabi ni Clair sa umaga.
Huling pasok na namin ngayong araw at Christmas Party namin. Naka floral dress si Clair at ako naman ay naka sleeveless na see through at skater skirts. Pinulupot ko sa bewang ko ang jacket.
"Sexy natin ngayon ah." puna ni Clair sa suot ko.
"Ikaw din naman." sabay na kaming umakyat patungong classroom. "Hindi yata kayo sabay ni Avin?" tanong ko sa kanya.
"Akala ko nga kayo ang magsasabay eh." sabi niya pabalik.
"Anong kami? Sabi niya sakin kayo ang magsasabay."
"Hindi ko alam." inosenteng sagot niya.
Pagkadating namin ay kinuha ko sa sling bag ko ang dala kong gift. Monito, Monita ang napagpasyahan naming gawin sa klase buti na lang talaga at babae ang napili ko kaya hindi ako nahirapang bumili.
"Saan kaya galing ang lalaking yan." mahinang sabi ni Clair habang nagmamasid sa kararating lang na Avin.
Sa amin naman siya pumili ng pwesto at umupo sa tabi ni Clair.
Napapansin ko na sakin lang kumakausap si Clair at binabalewa ito. Ano nanaman kayang drama ang pumasok sa kokote nito?
"Diba kayo ang magkasama bumili ng gifts nung Wednesday?" timing kasi na half day lang ang pasok nun kaya sa araw na yun mismo kami bumili ng gift syempre kasama ko si Heir.
"Oo. Kaso, iniwan din niya ako. Nakakainis talaga pag naalala yun."
"Ha? Kaya pala nakita na kitang mag-isa nun. Ano bang nangyari?" pagtatanong ko.
"Hindi ko alam." bitter na sabi niya. "May binili ka kay Heir diba?" paglalayo niya sa usapan.
"Oo. Hindi ko alam kung tatanggapin niya to." napatingin naman ako sa isang nakabalot na regalo.
"Bakit naman hindi? Ano ba 'to ha?" sabi niya habang nakahawak sa regalo.
"T-shirt." sagot ko.
"T-shirt?" ulit niya sabi saka binalik sakin ang regalo.
"Oo, nakatingin kasi siya sa isang t-shirt nun pero hindi niya binili. Kaya naisipan ko na ito ang ibigay sa kanya."
"Magugustuhan niya yan panigurado." aniya at tumingin sa harap.
Tumayo na kami para simulan ang program ang president namin ang naglead ng prayer. Pagkatapos ay sinimulan na ang games at iba pa.
Tawang-tawa naman kami sa stop dance na kapag tumigil ay dapat hawakan nila ang zipper nung mga lalaki na matatapatan nila.
"Go Clair." pagche-cheer ko.
"Avin and Rose out."
"Sayang naman nun." sabi ko sa kanya ng makabalik siya.
"Ayos lang."
Natuon naman ang atensiyon namin sa natira. Napalingon ulit ako kay Avin na seryoso sa pagsunod sa galaw ni Clair.
"Dahan-dahan naman Clair, iba na ang nahahawakan mo." tawang sabi ng secretary namin.
"Bakit ba kasi tagong-tago ang zipper mo. Yan tuloy iba ang nahawakan ko." tawang komento nito.
Baliw talaga.
In the end, natalo siya.
"Labas na muna tayo nget." sabi ni Clair ng nagpatuloy ang kasunod na laro.
"Sige. Gusto mong sumama?" baling ko kay Avin na tumayo naman.
Sa paglilibot namin sa main building ay makikita mo talagang enjoy na enjoy ang lahat.
"Clair." pagtatawag ng isang lalaking third year.
"Oy. Advance Merry Christmas." bati niya sa lalaki.
"Picture naman tayo oh."
"Sige ba." pagpapayag nito.
"Thank you." sabi nung mga lalaki.
"Walang anuman."
"Sino sila?" tanong ko ng makababa kami.
"Naalala mo yung sinalihan kong club nung third year? Math Club. Clubmates ko sila noon."
"Ah. Kaya pala kilala ka nila." sabi ko na lang.
"Nasaan si Avin?" tanong ko ng ma realize naming hindi na namin kasama si Avin.
"Tsk."
Hindi din naman ako magtataka kung maraming makikipag-picture taking sa Avin na yun. Kaya nung tinignan ko ang mukha ni Clair habang nakatingin sa nagkukumpulang grupong nakikipag-picture kasama si Avin ay halatang nagseselos. Hindi mo lang kasi nakita kung paano niya tignan ang mga lalaki kanina na nakipagpicture din sayo.
Itong dalawang to talaga minsan di ko maintindihan. Halata namang gusto ang isa't-isa.
"Tara na nga." yaya niya at tinalikuran ako.
"Babalik na tayo? Paano si Avin? Tawagin muna natin."
"Pabayaan mo na yun, kaya naman sumama yan para makipagpicturan sa mga babae."
Hay. Pag-ibig.
"Nandoon nga kasi siya. Wala siya sa classroom nila."
"Tara, sigurado akong maraming makikipagpicture kay Heir."
"Last chance na lang natin to noh. Kaya tara na."
Nagkatinginan naman kami ni Clair. Nasa kabilang building ang classroom nila Heir kaya nagtataka ako sa mga papaakyat ng mga lower years.
Sana nagpaiwan na lang ako. Di ko sana makikita ang nakikita ko ngayon.
"Tara na Jem."
Hindi ko na enjoy ang Christmas Party namin. Nawalan ako ng gana pagkatapos masaksihan ang nangyari kanina.
"Kalimutan mo na yun. Baka may dahilan si Heir." pag-aalo niya sakin.
Nakita ko na eh, ano naman ang idadahilan niya sa nakita ko? Na napilitan lang siya? Pwede naman siyang tumanggi. Pero hindi naman halatang napilitan siya, nakangiti pa nga siya diba habang nakahawak sa bewang ni Maan. Inabot pa nga niya ang cellphone para may picture din siya, nakuha niya pa ngang halikan ito sa pisngi.
"Isa lang ang dahilan niya Clair, Mahal niya parin si Maan."
![](https://img.wattpad.com/cover/12712303-288-k170520.jpg)