Chapter 11 Bye

47 6 6
                                    

Naghintay akong makasakay siya habang siya naman ay nag-aabang ng masasakyan.

Ang swerte mo Maan. Isang tawag mo lang, on the go na agad si Ruiz sayo.

Ilang minuto ang nakalipas ng wala na pala siya, di man lang ako tinawag. Naglakad na lang ako ng tuluyan. Natawa na lang ako dahil mag-isa na naman akong naglalakad pauwi. Hahahaha! I'm used to it pero ang iwan agad? Nakakaloko naman ata!

Hindi ko na lang inisip ang nangyari kanina. Atsaka, mabuti na lang, ay baka nga may makakita pa samin at husgahan akong MALANDI.

Dumating ako sa bahay na walang tao sa sala. Oh? Nasaan sila?

Umakyat na lang ako at nagbihis, pinuntahan ko ang kwarto ni Jazz pero wala din siya.

"Hindi pa ba nakauwi si Papa?" usap ko sa hangin. Ni bakas ng ingay ay wala akong marinig sa loob ng bahay namin.

Naalala ko pa naman na mag Group Study kami bukas pagkatapos ng klase. Friday na kasi at sa lunes na ang Midterm namin kailangan kong ipaalam kay Papa, mahirap na.

Tinatawag ko ang pangalan nila pero walang sumasagot sakin. Ala sais na, nagugutom na ako. Na sanay pa naman akong may pagkain agad pag-uwi.

Nasaan ba kasi sila Papa?

Nagttype ako ng text ng biglang may tumawag. Si Papa!

Ako: Hello Pa? Nasaan Kayo? Bakit ang ingay ng background?

Naririnig ko kasi ang malakas ma music na tila nasa maingayng lugar sila.

Papa: Nandito kami sa kapit - bahay. Punta ka rito sa may kanto tapos lumiko ka.

Narindi naman ako sa paglakas ng boses niya. Sinasabi ko na nga ba! Nandoon pala sila sa na daanan kong childrens party. -_-

Dali-dali ako nagbihis ng presentable dumiretso agad ako kung saan nagmumula ang ingay. Maraming kotse ang nakaparada sa tapat ng malaking bahay, mas malaki to kesa nila Dizon.

Maraming bata ang naglalaro sa garden nila at naghahabolan. Inikot ko naman ang paningin ko para makita sila Papa. Sa kakatanaw ko ay nabangga ko bigla ang isang batang lalaki.

"I'm sorry, baby. Are you okay?" pinantay ko ang sarili ko sa bata. Napaupo siya sa lupa kaya tinulungan kong makatayo. Mangiyak-ngiyak itong pinupunasan ang damit na nadumihan ng dala niyang pagkain.

Na guilty tuloy ako.

"Hindi po ako okay, ang sayang po ng pagkaing kinuha ko. :'(" sabi niya habang nakatingin sa pagkaing na dumihan na ng lupa.

"I'm sorry baby, kukunan na lang kita a? Halika." kinuha ko ang kamay niya't sinamahan sa nakahalirang pagkain.

Kinuha ko ang lalagyan at slice ng cake sinamahan ko na rin ng cupcake.

"ito, sa susunod, mag-iingat na si Ate. Okay ka na ba diyan?" malambot ang puso ko sa mga bata, kahit mean ako sa mga kasing edad ko kasalungat naman yun sa mga bata. Madali kasi akong maawa, konting pa cute ng nito ay nangigil na ako.

Nagpasalamat naman siya at umalis doon ko lang naalala na may pakay pala ako dito. Muli kong inikot ang mata ko, sakto namang lumabas si Papa hawak-hawak si Jazz sa kamay niya habang nag-uusap sa isang matanda.

I interrupted their conversation. I talked in between their laughing!

"Pa, bakit niyo iniwang walang tao sa bahay?" nagulat naman si Papa sa pagsulpot ko na tila di inaasahan ang pagdating ko.

"Umuwi muna si Manang sa lugar nila, I'm sorry sa inasal ng anak ko. Thank you sa pag-imbeta sa party Jose." kilala ko si Uncle Jose, isa siya sa ka brod ni Papa noong high school pero ngayon ko lang siya nakita ulit dahil Sea Man siya!

"Haha. It's okay Les, ito na ba ang dalaga mong anak? How are you hija? Kumain ka na ba?" baling tanong sakin ni Uncle Jose. Nahiya naman ako ng konti sa inasal ko. Kasi naman e, walang pasabi na andito siya at dadatnan ko na lang ang bahay na walang tao. Paano na lang kung may magnanakaw? Kahit kanilang talaga si Papa di nag-iisip!

"I'm okay Uncle, sorry kanina, sa totoo lang po hindi pa, mas gusto ko kasi ang luto ni Papa." malambing na salita ko.

Mapili ako sa pagkain, minsan lang akong kumakain sa ibang bahay lalo na pagkilala ko. Pero mas gugustuhin ko talaga ang luto ni Papa na favorite ko.

"Nakakatuwa naman ang anak mo Les, o siya, iwan ko muna kayo, don't hesitate to eat hija Invited kayo sa party." at iniwan kami ni Uncle Jose.

"Ang arte-arte mong bata ka. Pinapaluto mo pa ako." reklamo ni Papa ng naghahanda siya ng lulutuin niya.

"Alam niyo naman pong, pihikan ako sa pagkain sa iba. Magluto ka na lang diyan Pa, kukulitin ko muna tong si Jazz." hindi na ako nakinig sa sinabi ni Papa nagtuloy-tuloy ako sa living room kung saan busy sa kanonood si Jazz.

Umupo akong patalon sa sofa kaya napalingon siya sa gawi kong nakakunot ang noo. "Problema mo?" pang-aasar ko.

"You just jump here to get attention." maarteng sabi nito.

"Whatever Jazz akin na remote." pang-aagaw ko sa kanya habang inilalayo naman niya. Akala niya a, ang liit kaya ng braso niya.

"Give it back Ate. Look Dad, Ate is being childish again." panunumbong niya kay Papa

"Hoyng bata ka, tumigil ka nga sa kaka english mo. Wala tayo sa paaralan mo at lalong-lalo na nasa pamamahay ka." sabay agaw ko sa remote na kinagulat niya.

"You are so pakialamera ate." padabog siyang tumayo at umakyat sa kwarto niya. Umandar na naman ang kaartehan sa utak!

Nanood na lang ako ng iba't-ibang channel. Bakit ang panget ng mga shows ngayon! Pinatay kong ang tv ng tinawag ako ni Papa na luto na ang niluto niya.

"Tigilan mo nga ang pang-aasar mo sa kapatid mo Jemsyl. Kayo na nga lang ang magkapatid dito inaaway mo pa. Sige ka, lumayo ang loob nun sayo. Kumain ka na jan, at hugasan mo yang pinaggamitan mo."

"Nga pala Pa, mag gro-group study kami bukas ng gabi. Okay lang?" tanong ko sa kanya ng paalis na siya.

"Okay. Huwag mong kalimutang linisan yan." tukoy niya sa mesa.

Tumango lang ako at pinagpatuloy ang pagkain! Hinugasan ko naman agad ang kinainan ko at umakyat sa kwarto.

Binuksan ko ang bintana ko. Ito ang mahirap sa pag nasa village ka. Masyadong magkakalayo ang mga bahay kaya kung saan-saan na lang nakikibahay tong si Jazz.

Tumingala naman ako sa kalangitan. Natatabunan ng ulap ang hating parte ng buwan. Napakacalm ng gabi ngayon dahil ang ingay lang ng hangin ang naririnig ko.

Bigla namang may narinig akong kumakanta. Namataan ko sa labas ng bahay nila si Avin na nagigitara habang nagstru-strum sa gitara.

Hindi naman gaanong malayo ang bahay nila sakto lang makita mula dito sa bahay namin. Kalapit-bahay nga lang diba? Naisipan kong e'text siya.

Ako: Wow ha? Gabi na atang magpractice ka ng kanta. Para sa harana ba yan? :)

Natanaw ko namang napatigil siya sa ginawa niya at dumukot sa bulsa.

Avin: Are you watching me?

Ako; Kapal! Nakita lang kita, tumingala ka, hindi sa langit ha, sa harap mo. :D

Gaya ng sabi ko. Tumingala naman siya. Kumaway ako at kumaway din siya pabalik.

Bigla namang nagring ang phone ko.

Ruiz Calling .....

Napatingin ako kay Avin at sumenyas na 'teka lang'.

Ako: Hello? Anong kailangan mo Ruiz?

Ruiz: .........

Ako: Wag mong sinasayang oras ko Ruiz ha. Magsalita ka!

Ruiz: Syl ...

Ako: Oo nga. Ano?

Ruiz: Oh, just nothing, bigla lang kitang namiss. Bye!

Napabuga naman ako ng hangin. Anong trip na naman ang pumasok sa isip ng Ruiz na yon?

No GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon