Chapter 30 - Pangako

33 3 11
                                    

"Jemsyl anak, nandito na si Heir." sigaw ni Papa mula sa baba.

"Opo Pa pababa na." saturday ngayon at ngayong araw na 'to ang birthday ni Patrick.

"Okay lang ba ang suot ko?" tanong ko sa kanya pagkababa ko.

"Of course. Lets go?" tumango ako sa kanya.

"Bye Pa." paalam ko sa papa ko.

"Mag-ingat kayong dalawa magpakabait Jem." habilin ni Papa sakin.

Agad ko namang isinuot ang helmet at umangkas. Minabuti ko ding humawak ng mahigpit sa bewang niya.

Wala namang nagbago sa panliligaw niya sakin. Ganun parin ginagawa niya ang mga bagay na makapagsasaya sakin.

Pagkatapos naming mag-usap ng Mama niya nung isang araw ay marami ako iniisip. Hindi ko alam kung saan parte may mali at bakit ganun na lang ang nangyari pagkatapos.

"Nagpapalitan pa nga kayo ng I love you at I miss you."

Pwede bang maguluhan?

"Anong hindi? Tuwing gabi pa nga kayo nag-uusap sa telepono at parang walang balak magsitulog at nagpapalitan pa nga I love you at I miss you. Iniisip ko nga kung hindi ba kayo palaging nagkikita pero sa kwento mo naman araw-araw kayong nagkikita. Haaay, mga kabataan talaga ngayon masyadong in love.

"Ano po?" gulat kong sabi.

"Nagtatawagan kayo gabi-gabi umaabot pa nga ng madaling araw ang pagkwe-kwentuhan niyo. Huwag mong sabihin kay Heir na sinabi ko sayo ha. Baka magalit yun sakin."

Matapos ang pag-uusap namin ni Tita Anne ay hindi ako makapag-isip ng maayos. Hindi ako nagpahalata sa gabing iyon na may nalaman ako. Umakto lang ako ng normal habang kausap ko si Heir.

Dapat ba akong mabahala? Dapat bang maapektuhan ako sa nalaman ko? Dahil kailanman ay hindi kami umaabot ng madaling araw sa pakikipag-usap sa telepono at hindi araw-araw nagtatawagan kami.

"Were here." nagmulat ako mula sa pag-iisip.

Malakas na music ang narinig ko mula sa loob.

Sinuklay ko ang buhok ko mula sa pagkagulo dahil sa hangin.

"Bakit?" puna ko sa kanya ng tinitignan niya 'ko.

"Nothing. Bagay lang sayo ang suot mo ngayon." puri niya.

Pagkapasok namin ay si Patrick ang sumalubong samin kasama ang isang babae na kamukha niya.

"Mabuti naman at dumating kayo." sabi ni Patrick samin.

"Of course man, its your birthday. Happy Birthday Pat. Happy Birthday Patricia." bati ni Heir sa dalawa.

Naguluhan naman ako.

"Hi Jemsyl. My twin Patricia." masayang pagbati niya sakin at pagpakilala sa kambal niya.

"Kambal kayo? Sorry kung hindi ko alam. Happy Birthday sa inyong dalawa. Sorry kung wala akong dalang regalo." paumanhin ko.

"Don't worry about gifts." nakangiting sabi nung kambal niya.

"Happy Birthday ulit."

"Enjoy, okay?" tumango ako sa sinabi ni Patrick atsaka nila hinarap ang ibang dumating.

"Bakit di mo sinabing may kambal siya?" nagtatampo kong sabi kay Heir ng maka'upo kami.

"I forgot to tell you. Anyway, I'll get some water. Dito ka lang." sabi niya saka tumayo uli.

Nakita ko na marami-rami akong mukhang kilala. Nakita ko rin ang mga kaibigan ni Maan, nandito rin kaya siya?

"Hi Jemsyl." upo sa harap ko si Erwan.

No GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon