Chapter 20 I'm yours

49 5 5
                                        

Tinext ko si Avin kong nasaan siya pagkalabas ko ng basketball court.

AVIN: Outside.

Bakit ang tipid ng text nito?

AKO: Outside? Aalis ka? Hoy. Magce-celebrate pa tayo.

May kumalabit naman sa akin kaya hinarap ko.

"Akala ko ba nasa labas ka? Ang labo mo talaga." malakas na sabi ko sa mukha niya, nasa labas pala ng court di pa sinabi.

"Si Clair?" I sighed, kita mo 'to binalewala lang ako.

"As ussual nasa loob. Pupuntahan mo?" I crossed my arms atsaka tumabi sa kanya.

"Uhm. Wag na siguro. Uwi na lang tayo? May handaan sa bahay." masaya kunong sabi niya.

Sumakay na lang ako. "Sige ba, e'te-text ko na lang si Clair na pupunta tayo sa bahay niyo." kinuha niya naman ang cellphone ko bago makapagtype ng message. "Problema mo?" tanong ko saka ni lahad ko ang kamay ko. "Akin na, ayaw mo bang sumama siya? Sige ka magtatampo yun." pananakot ko.

"Go text her, tingnan natin kung pupunta yan." sabi niya pa at binalik ang selpon sa akin. And 2nd time around ay tinalukaran na naman niya ako.

What's w/ turning their back at me? Nakakarami na sila a, nagtataka ako kung bakit hindi man lang ako nagalit o naging Bitch man lang. Did I change?

Big No No

"Hoy. Wag mo nga akong tinatalikuran. Oo na, di ko na ite-text, daig mo pa ang babae a." nakasunod ako sa kanya, habang siya ay nakasampay sa balikat niya ang sports bag kung saan nakalagay ang badminton niya.

"Umuwi ka muna, dahil maliligo na muna ako." sabi niya ng malapit na kami sa bahay niya.

"Hmm. Okay. Pero, paano si Clair?" bigla namang nagring ang phone ko. "Si Clair, tumawag." sabi ko sa kanya.

"Okay" pumauna siya ng lakad.

Me: Hello Clair? Papunta na kami sa bahay ni Avin.

[ Talaga? Tapos na ang game, panalo sila. ]

"Talaga? Maganda kong ganun. Sumunod ka na lang dito, alam mo naman ang bahay niya diba? Nagtatampo yun sayo."

[ Sige ]

"Okay. Sige na, magbibihis pa ako." and she ended the call.

Binilisan ko ang lakad ko para makahabol kay Avin.

"Avin." tawag ko sa kanya.

Kinalabit ko siya ngunit hindi siya humarap sakin. Ang ginawa ko ay hinarangan siya. Laking gulat ko na lang ay bigla niyang pinahiran ang basang mata niya. Wtf? Did he just cry? Omg. You're kidding me!

"Hoy. Anong nangyari sayo? Ba-bakit ka umiyak?" umiiling-iling siya. Whoa! You won't lie to me.

"Wala to. Napuling lang." pumostora siya ng maayos.

"Hahahahahahahahahahahahahaha!" malakas na tawa ko.

"What?" inis na asik niya sakin.

"Omg. Isang Avin umiiyak? If I just captured your epic face, dadami sigurong tatawa. Impossible namang umiyak ka ng walang dahilan. Now tell me, why are you crying big man." tapik ko sa kanyang dibdib.

Ay. Ang tigas ah!

"Its just nothing." at nagpatuloy siya sa paglalakad.

"Nothing my ass! Sige ka sasabihin ko talaga kay Clair na umiyak ka." pamba-blackmail ko. "Isang Avin umiiyak." paulit-ulit kong bulalas na nilalagyan ng tono.

No GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon