Chapter 17 - Take care

49 6 7
                                    

Tinignan ko ulit siya, I guess he will not speak up. Kung noon ay pinipilit ko siyang kulutin na sabihin sakin ang problema niya, ngayon siguro ay huwag na. Anong klaseng magkaibigan pa kami kung ayaw naman niyang sabihin in the first place diba? Nasasayang lang ang oras ko pagkukulitin ko pa siya.

"Okay, tara, ipapahatid na kita kay Papa masyado ng malakas ang ulan sa labas." nakita ko ang pagkagulat sa mata niya ngunit nakabawi naman.

"Gusto mo na ba talaga akong umuwi?" tanong niya sa mahinang boses.

Oo, dahil nakakaabala ka.

"Malakas na kasi ang ulan sa labas kailangan mo ng umuwi, wala ka naman kailangan dito hindi ba?" biglang nagring ang phone niya. He ended the call, nag ring uli ito. Medyo nairita ako. "Sagutin mo yan, lalabas lang ako." hindi ko na siya hinintay magsalita at isinirado ko ang pintuan.

"Gising ka na pala, kumain ka na, alas dyes na ng gabi. May pagkain doon sa lamesa si Heir ang nagluto pinagluto ka niya dahil naubos niya ang niluto ko kanina." tumango na lang ako, hindi naman ako gutom.

Uminom lang ako ng tubig atsaka umupo sa lamesa. Binuksan ko ang nakatakip sa mesa, fried rice na may hotdog at itlog. Tinikman ko, okay naman hindi na masama.

Mga ilang minuto ang nakalipas ay umakyat ako.

"Tapos na kayong mag-usap?" tanong ko sa kanya, wala namang ibang tatawag sa kanya kung hindi si Maan.

"We're not okay." biglang sabi niya, takang tinignan ko siya. "She's jealous, nagseselos siya sayo. I don't why, siya naman ang parati kong kasama kaya hindi ko alam kong bakit." bumuntong hininga ako. "I love her, kaya hindi ko alam kong bakit siya magseselos sayo." nafrufrustrate niyang sabi.

Oh tapos anong magagawa ko?

"Okay, putulin na natin ang pagkakaibigan natin." sabi ko na lang.

"No. No way! Just help me convince her na wala siyang dapat ikaselos sayo. Please?" desperado talaga siya.

I just want to end this. "Okay."

"Thank you." yakap niyang sabi sakin.

"Sige na, umuwi ka na."

"Teka, kinain mo ba ang niluto ko?" tumango ako "Masarap ba? Nagustuhan mo?"

"Okay naman, sige na late na, umuwi kana."

Pagbaba namin ay lumapit siya kay Papa. "Tito, pwedeng dito ako matulog?" walang ka arte-arteng tumango naman si Papa. Wtf?

"Dito na lang ho ako sa sofa matutulog." sabi niya pa.

"Ha? Okay ka ba dito? Malaki naman ang kwarto ni Jemsyl, doon ka na lang." nanlaki ang mata ko.

"Okay lang din po sakin. Talaga bang pwede ako doon sa kwarto niya Tito?"

"Wala naman kayong gagawin hindi ba?" sabay ngisi ni Papa. Ako ay kinalibutan sa kanilang dalawa.

"Tara, matulog na tayo." yaya niya sakin habang hawak ang pulsohan ko.

"Pa!" protesta ko. "Kailangan pa talagang matulog ka dito sa kwarto ko." frustrated kong sabi.

Habang siya ay nakahiga na sa kama ko. "What? Hindi mo ba namiss matulog tayo? Ginawa na natin tong magkabata pa tayo. Huwag mong sabihing naiilang ka sakin?" mapanuya niyang sabi.

Tinaponan ko siya ng unan sa mukha. Ang kapal!

"Usog ka nga. Kilaking tao." inis na sabi ko.

"Ganito ba?" mas lalo akong naiinis dahil mas lumapit siya sakin. Nangiinis ba to?

No GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon