Agad akong tumalikod matapos makumpirma kong nag-uusap sila. Ayokong mag-isip kung anong dahilan ng pag-uusap nila pero naglalaro sa isip ko ang pagtawag niya kay Maan.
Babe.
Niloloko lang ba talaga ako ni Ruiz? Pinaglaruan lang ba nila ako? Hindi magagawa ni Ruiz sakin yun. He's not a playboy. We're best friend kaya impossibleng paglaruan niya ako.
"Think positive Jemsyl baka mali lang ang narinig mo. They're not together. Ikaw nga ang pinili niya diba? Tama. Wala lang yon." pagkukumbinsi ko sa sarili ko.
Paano kung niloloko ka lang niya?
Hindi ako nakatulog ng maaga dahil sa pag-iisip tungkol kay Ruiz at Maan. Akala ko ay panatag na ako dahil wala na sila, dahil nga ako ang pinili niya. Hindi parin pala, gustong kung huwag mag-isip pero nagkukusa ang utak ko.
Dagli kong kinuha ang phone ko ng mag vibrate ito.
From Ruiz: Hey, I can't sleep.
To Ruiz: Ako rin, bakit di ka makatulog?
Umaayos ako ng upo sa higaan ko, nagbabalak na baka sa pagpapalitan ko ng text sa kanya ay aantukin ako
From Ruiz: Nag-usap kami kanina ni Maan and she wants me back. Bakit di ka makatulog? Its late.
Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko sa kanya na narinig ko silang nag-uusap, pero napag-isip-isip ko na sinabi niya na nag-uusap sila kaya sasabihin ko rin sa kanya. He didn't keep a secret to me, kaya ganun din ang gagawin ko.
To Ruiz: Dahil diyan, nakita ko kasi kayong nag-uusap kanina, na bo-bother ako kung bakit. I'm sorry kung nag-eavesdropping ako. Hindi ko naman intensiyon.
From Ruiz: Don't be sorry okay? Anong narinig mo? I'm sorry for lying, iniisip lang kita baka masaktan ka. Huwag ka nang mag-isip tungkol doon.
To Ruiz: Hindi ko na matandaan, maingay kasi sa basketball court, umalis din naman ako agad.
From Ruiz: Okay. Hindi mo narinig lahat?
To Ruiz: Hindi eh, why?
Naghintay ako nang ilang segundo sa reply niya. Ano nga kaya ang pinag-uusapan nila? I'm now curious.
From Ruiz: Nothing important. Hindi ka pa ba matutulog? Bukas, susunduin kita.
Kinusot ko ang mata ko upang makapagreply pa.
To Ruiz: Uhm. Inaantok na ako, okay, see you tomorrow. :)
From Ruiz: Good Night Syl. Mahal kita tandaan mo yan. :* Dream of me, okay?
To Ruiz: Okay boss. Night-night :**
May ngiti sa labi akong nagkumot at pumikit.
Maaga pa lang ay dumating na siya. Mabuti na lang talaga at naligo ako ng maaga kung hindi ay naabutan niya akong sabog ang buhok at may laway sa gilid ng labi ko. Nakaka discourage yun.
"Good Morning Syl" bati niya sakin at sinabayan pa akong maglakad papuntag sala.
"Good Morning din." nginitian ko siya at nilahadan niya ako ng upuan.
"Mabuti naman at bumaba kana, pinaghintay mo si Heir." sermon sakin ni Papa habang inilalagay niya ang pagkain sa mesa, syempre siya ang marunong magluto sa bahay.
"Hindi-" pinutol ni Ruiz ang isasagot ko sana kay Papa.
"Okay lang Tito, maaga pa naman po. Huwag niyo ng pagalitan si Syl." kalmadong sabi niya habang pinagtatanggol ako.
