Pag ganitong okasyon hindi maiiwasan makaradam ng galak, excitement at ngiting tagumpay. For 4 years ay heto ako, kami, nakatayo at handa ng pumasok sa malaking stadium na'to.
Kahit saan ako tumingin lahat ay nakangiti sa harap ng camera at nagseselfie. Who wouldn't? Isa ito sa mga napakaimportanteng okasyon bilang estudyante ang makapagtapos.
Sa mga nakalipas na linggo ay naging abala kami, mula sa finals, clearance, unfinished projects at iba pa. Pagkatapos nun ay nagsimula na kaming magpractice ng graduation march, song at kung anu-ano pa.
"Hoy, iniisip mo diyan? Halika nga dito, hindi pa tayo nakapagpicture dalawa." hila sakin ni Clair sa kinatatayuan ko. Nandito kasi kami sa labas at naghihintay ng instructions mula sa head teacher. Dinala niya ako sa unahan kung saan nanduon ang parents niya at pamilya ni Avin.
"Pa, dito muna tayo." tawag ko, nakakalungkot man na hindi nakasama ang Mama ko dahil may ginawa siya pero sinabi naman niyang hahanap siya ng paraan na makadalo pero hindi na lang ako umasa.
"Hi Tito, ang gwapo niyo po sa suot niyo. Ang cute mo talaga Jazz." bati ni Clair sa dalawa, tumawa na lang sila at kinongratulate si Clair ni Papa.
"Halika na." tawag naman niya kay Avin na nanunuod lang saming dalawa kumukuha ng picture. May dala naman kaming cam at nakapagkuha narin ng larawan namin.
"Thank you Pa." sabi ni Clair ng pumayag itong kuhaan kami ng litrato. "Say cheese."
"Sa wakas at ga'graduate na tayo. Ito na, this is the day." bakas sa boses niya ang kaginhawaan dahil sa nakalipas na araw panay ang reklamo niya maging sa practice ay hindi iyon nawala. "Pero mamimiss ko ang mga teachers, classmate natin at syempre kayong dalawa." biglang bumasag ang boses niya at naluluha. Gusto kong tumawa pero hindi ko nagawa.
"Hey, ano bang iniiyak mo jan? Magkikita pa naman tayo ah." sita ko sa kanya, naka make-up pa naman siya at kung iiyak siya masisira 'yon. "Huwag ka ngang umiyak, sayang ang make-up mo. Sige ka magagalit si Eva sayo." sinapak naman niya ako pagkatapos kung sabihin yon. "May paiyak-iyak kapa kasi, mamaya na yan."
"Bwisit ka." yun lang sinabi niya at nagbalik na siya sa normal na sarili. Ewan ko kung ano nang ganap sa dalawang ito, sweet sila mismo sa harapan ng parents nila. Maybe both parties knows kung anong relasyon nilang dalawa, may payakap-yakap pa kasing nalalaman.
Natanaw ko mula sa kinatatayuan ko si Ruiz at si Tita. Kumaway si Tita sakin ng makita niya ako at naglalakad palapit sa pwesto namin. Naalala ko nung birthday ni Tita late na siyang dumating at saktong pauwi na kami. Pagkatapos kung malaman na nagpunta siya kay Maan ay hindi na ako nagtanong pa uli. What's the used? Kung alam ko naman ang dahilan ng pagbisita niya.
"Good Morning Tita." humalik ako sa pisngi niya at humawak sa bewang nito.
Nagkamustahan sila ni Papa, bumitiw naman ako sa pagkakahawak ko kay Tita at lumapit kay Ruiz na nanunuod lang sa lahat.
"Hoy. Tahimik ka?" nakapag-isip-isip ako na kung mananatili kung isipin ang nararadaman ko sa kanya hindi ako makaka-move on. Kaya ngayon gusto kong pansinin siya na parang kaibigan na lang. Gusto kong magsimula ng bago.
"I'm just happy." maikling sagot niya.
"Naalala mo siya?"
Tumango siya. "We always dream about this day. Sabay gumaduate and to chase our dreams in the future ngunit ako lang yung nandito ngayon. Ako lang yung tumupad sa pangarap namin. How unfair. Kahit kulang parin saakin ang lahat ngayon araw but I'm happy. I really am." sinaway ko nanaman ang sarili kung huwag masaktan. Alam kong hindi ko mapapalitan si Maan diyan sa puso't isip niya pero gusto kong palitan siya. Gusto kong pasayahin si Heir. Ano nanaman ba Jemsyl? Diba sinabi mo na natitigil kana? Ano nanaman to?
![](https://img.wattpad.com/cover/12712303-288-k170520.jpg)