Natawa naman ako sa sinabi niya, syempre naman alam ko yun na hindi niya ako gusto. Hindi ako manhid, siguro insensitive ako pero hindi ako manhid dahil kung gusto ako ni Ruiz edi sana nag-iba na yang pakikitungo niya sakin pero seriously natawa talaga ako.
"Pinatawa moko dun, syemrpre naman hindi niya ako gusto kaya nga girlfriend ka niya diba? Kung ako gusto niya edi sana di ka niya niligawan." nag-aayos ako sa salamin habang siya naman nakatingin lang. Naghugas na ako ng kamay para umalis na.
"Stop staring, nakakatakot. Wag kang mag-alala di yan magkakagusto sakin." paalala ko sa kanya.
"I wonder kong bakit di ka niya nagustuhan, maganda ka, matalino, hindi plastic at higit sa lahat totoo ka sa sarili mo. I wonder why he's not see you attractive. Kampante ako na wala siyang gusto sayo dahil ako niligawan niya."
Attractive ako? Sana kong attractive ako e, nagustuhan niya ako, kaso hindi kaya wag siyang magsinungaling. Wala akong paki-alam kong hindi niya ako nakikitang attractive pakialam ko ba.
Wala din akong paki kung siya ang niligawan niya. Di ko hawaii buhay niya kaya bahala siya, I'm just his bestfriend.
"Nakakatuwa naman, pasalamat ka na lang na he's not seeing me attractive dahil kung nakita niya yun nako, di ka niya liligawan." natawa naman siya sa sinabi ko, anong nakakatuwa dun?
"Sige, alis na ako. See you around Jemsyl, sana maging magkaibigan tayo, dahil gusto ko talaga." nagtataka parin ako sa attitude na pinapakita niya sakin, kung totoo ba o e'hindi. Siguro ganun lang siya masyadong honest din. Maganda yan kesa naman mag plastikan siya sakin.
Nagbell naman kaya dali-dali akong umakyat pataas. Ito talaga ayaw ko e, yung paakyat dahil hinihingal ako pagkatapos. Bakit kasi di na lang ginawang elavator to, o di kaya escalator, walang hassle, mabilis pa.
"Good Afternoon Class, get your assignments, who'll asnwer number 1?"
Hanggang sa nagtuloy-tuloy ang tawag ni Maam sa sasagot sa assignment namin. Pagkatapos kung masagot ang tanong na naukol sakin ay, nagstay pa ako sa ikalawang mesa para makinig sa answers. Natuwa naman ako dahil hindi mali yung answer ko kaso di parin perfect score ko.
"Okay, bukas ko na lang ererecord scores niyo and get ready for tomorrows test. Goodbye!" sabay kaming nagpaalam kay Maam, may ilang minutes pa kami bago pumasok yung kasunod kaya yung iba nagsilayas sa kanilang upuan. Yung iba sa labas tumamby at kami naman nasa loob lang nag-uusap o di kaya may sariling mundo.
"Nandito na si Maam." yan ang sigaw ng kaklase ko pagnakita nila teacher namin. Nag-aasymbol naman yung nagsilayas o yung nag-uusap itutuloy na lang mamaya. Ganito kami sa klase, maingay o magulo. Walang pinagkaiba! Lol
Kakalabas lang lahat ng kaklase ko naiwan naman ako dahil schedule ng groups namin sa paglilinis. Wala akong ibang ginawa kundi humarap kay salamin at magpulbo. Naglilinis naman talaga ako pagkailangan, alam ko naman responsibilidad ko kaya naglilinis din ako pero magsasalamin mo na ako.
"Yung ibang walang ginagawa diyan, umuwi na lang kayo." sabi ng leader naming si Rose, alam kong kasali ako dun pero wait lang maglilinis din ako.
Ala singko na, ako at si Shy na lang ang natira dahil ako yung tumapos sa natirang dumi. See that? Naglilinis ako.
"Hindi ka pa uuwi Jem? Isisira ko na tong pintuan baka gusto mong sumabay pauwi?" na lock na niya at lumapit sakin dahil nandun bag niya sa gilid ko. Umupo siya saglit at tumayo din kalaunan dahil dapit hapon na't hahanapin na daw siya ng magulang niya.
"Di na lang muna, ingat Shy." nagpalipas ako ng ilang minuto sa kinauupuan ko. May natitira pang mga estudyanteng kagaya ko na ginagawa ata assignment o activities nila habang ako pinapanood lang sila. Isa ako sa mga karaniwang estudyante na ginagawa din assignments at activities, ibig sabihin, before the deadline ginagawa ko na ang dapat gawin kaso sa bahay ko lang yun gagawin dahil ayoko dito sa school kasi madaming istorbo.
