Napasinghap na lang ako sa nakita, tumalikod na ako at ganun din si Avin. Bakit sa school sila naghahalikan e, alam nilang bawal yun. Meron namang bahay yang si Ruiz at bakit pa sa ganitong lugar pa. Napaisip naman ako kung nakilala na ba ni Tita si Maan, hindi ko na problema yun kung kilala man siya o hindi.
Lumabas na lang kami ni Avin at pinagpatuloy ang usapan namin na parang wala kaming nakita kani-kanina lang.
"Siguro, haharanahan ko na lang siya." hindi niya sinabi kong kailan niya liligawan si Clair, sinabihan ko naman siya na kilalanin muna nila ang isa't-isa bago siya manligaw dahil naranasan ko ng magpadalos-dalos na hindi ko man lang kilala ng lubusan ang isang tao kaya napapahamak ako.
Dahil magkapit-bahay lang kami, sabay na kaming umuwi. Nagtext naman si Clair sakin kung tuloy ba ang Group Study namin.
"Available ka ba next week? Group Study kami ni Clair, mas mabuti kung madami tayo." sabi ko habang naglalakad kami.
"Sure." yun lang sinagot niya at nakangiti. Ses, iba din ang pakay nito e, bagay talaga silang dalawa.
Gaya ng dati, dumaan na naman ako sa 7/11, hindi ako nagsasawa sa ice cream dahil Favorite ko ito. Napilatan namang bumili si Avin kahit ayaw niya dahil para dawng bakla.
"Kung ayaw mo, umuwi ka na lang." at dinilaan ko ang ice cream ko. Ang sarap talaga, nagfefeeling bata tuloy ako pagnakakain ako ng ice cream. Naalala ko kasi si, aah kalimutan na natin yun.
"Yung nakita natin kanina, diba yung magkasintahan sa campus?" bigla niya inopen ang pangyayaring yun.
Naalala ko tuloy ang paghahalikan nila na sobrang sabik sa isa't-isa. Na kulang na lang hubarin nila ang saplot nila. Ibang-ibang Maan ang nakikita ko sa pangyayaring yun, wala ang akala ko e, Maria Clara type siya ganun talaga siguro pagnakikita mo lang ang tao sa mga kinikilos nila yun na agad ang tingin mo sa kanila pero ang katotohanan ay, parang pakitang tao lang ang ganun. I don't judge her dahil dun hindi ko lang talaga siya lubusang kakilala na totoo naman.
"Oo, wag mo na lang ipagsabi sa iba, satin na lang yun." kahit papano ay, kailangan hindi ito maikalat sa iba dahil ang panget lang. May care naman ako sa image niya dahil bawal samin ang PDA sa school at maguguidance sila pagnagkataon. Sana lang walang nakakita sa kanila kanina dahil may nakikita pa naman akong ibang estudyante.
"Hindi naman ako bakla para ipagkalat yun, lalaki din ako, at ang ganung bagay ay dapat sa kanila lang at labas tayo dun ang na bobother sakin ay nakita nila tayo."
"What?" nakita nila kami? Omg. This is not happening! Nakakahiya, nakita nila kaming naghahalikan sila. Oh oh! "Nakita nila tayo?"
"Oo, nakita nila tayong nag-uusap kanina habang papunta sila sa lugar na yun." nakahinga ako ng maluwag. Bakit kasi di pa binuo ang sinabi, kinabahan ako.
"Wala naman tayo ginawa nag-uusap lang tayo bakit ka ma bobother?" OA ng isang to, parang may ginawa kaming masama a, nakatayo lang naman kami at nag-uusap.
"I don't know, para kasing kilala ka niya talaga." naguguluhan ako sa pinagsasabi niya. Syempre kilala ako ng Ruiz na yun, ang kaso lang hindi niya alam. Ang alam niya lang kasama kong mag lunch ang dalawang yun pero di ko sinabing Friends kami.
"Kalimutan mo na yun, baka nagtaka lang kung bakit tayo dun nag-uusap." natunaw na ang ice cream ko sa kakausap sa kanya. Kumuha na ako ng tissue at pinahiran ang table na nagkalat galing sa Ice cream ko.
"Anyhow, may gusto ka ba talaga kay Clair?" lumabas na kami sa 7/11 at pinagpatuloy ang pag-uusap namin habang bitbit niya ang isang pagkain na nilantakan naman namin habang naglalakad. Masarap mag-usap habang kumakain na naglalakad, digest agad ang kinain mo.