Niyaya ko si Ruiz na sumama sakin kila Avin pero tumanggi siya.
"Ihahatid na lang kita sa kanila."
Naghintay siya sa sala, umakyat naman ako para maligo binilisan ko, nakailang tabo lang ako at tapos na ako maligo.
Simpleng short at fit tshirt ang suot ko. Sinigurado ko namang maganda ako tignan sa suot ko.
Pagbaba ko ay, nakatuon ang atensiyon niya sa phone niya. Baka si Maan ang ka text niya.
Kanina talaga ay nadala ako sa sitwasyon. Hindi ko inaasahan iyon, maging ngayon ay hindi ako makapaniwala na sabi ko sa kanyang hiwalayan niya si Maan. Alam kong hindi siya seryoso sa akin.
Pero nung may pahiwatig siya ay doon ko nakumpirmang may gusto pala ako kay Ruiz. Bigla-bigla ko na lang naramdaman to. Weird.
"Tayo na?" umangat siya ng tingin, ngumiti at binulsa ang selpon niya.
"Kanina, kalimutan mo yung sinabi ko. Nadala lang ako."
I just realized na hindi maganda ang ginawa ko. Baka nga lang ay mahal lang ako ni Ruiz bilang isang kaibigan. That's it, he just love me because of that. Kaso nga lang hindi ganung pagmamahal ang gusto kong matanggap mula sa kanya.
"Sa tingin ko kasi Heir, dapat maging mag-kaibigan lang tayo. Gaya noon. Hindi natin kailangan lumagpas sa linya, masaya naman tayo kung ganito lang estado natin, hindi ba? Atsaka-"
"Drop it. Tomorrow, I'll talk to Maan." seryosong tugon niya. "Forget about her and other people. Lets just think for ourselves." hindi ako tumango.
Ang daming gumugulo sa isip ko. Nawala na lang bigla ang Jemsyl na noo'y Prangka, Maldita at Malakas. Biglang naglaho mula nung pinaglapit ko ang sarili ko sa kanya. Wala, nawala ng parang bula, dahil noon ay naka-depende lang ako sa kanya. Sa kanya ko lang nasasabi ang gusto ko.
"Enjoy, okay? Uuwi na muna ako." sabi niyang na nasa tapat na kami ng bahay ni Avin.
"Wala ba kayong after party? Nanalo kayo diba?"
"Meron. But I'm tired, may laro pa kami bukas." bakas nga sa mukha niya ang pagod.
"Okay sige. Good luck na lang siguro bukas."
Bigla niya naman akong niyakap sa harap ng bahay nila Avin.
"Manunuod ka bukas." nag-hesitate pa akong yakapin siya. Kaya siya na mismo ang pumulupot sa dalawang kamay ko sa katawan niya.
"Paano kung hindi?" pagnunutya ko.
"Hindi ko alam kong magugustuhan mo ba ang gagawin ko." nakangisi niyang sabi.
"Busy ako tomorrow e."
"Mas importante ba yan sakin?"
"Ng konti." patawang sabi ko.
"Whatever that is. Dapat makita kita sa covered court. I think, I must go. Ingat ka okay? Pahatid ka kay Dizon." hinalikan niya ako sa ulonan kaya napapikit ako.
"Ingat ka." sabi ko.
Hinintay ko siyang mawala, pagkaharap ko ay nakita kong nakapamaywang na si Clair. "Care to explain my dear?"
"Wala akong dapat i-explain sayo." paninirap ko sa kanya.
Para siyang asong nakabuntot sa likod ka at kalabit ng kalabit sakin.
"Ay ang damot-damot nito. Deny pa kasi, yan ba ang walang gusto sa bestfriend? Naku-nako, kung alam mo lang talaga matagal na sana kkitang e-nuntog sa semento." tuloy lang siya ng tuloy sa sinasabi niya. Na kinain ko lang daw ang sinabi ko doon. I wouldn't deny tho, pero napatigil ako sa huli niyang sinabi. "I don't know if I'm with you Jem, masyado ka atang nadala sa sinasabi ng bestfriend at baka mabulag ka." at inunahan pa niya akong pumasok sa loob.