Chapter 15 Nailang

46 3 2
                                        

Jemsyl's POV

Hindi na nasundan ang pagkikita namin ni Ruiz, dahil siguro ay busy na siya sa dadating na inter-competition.

"Jesyl, tayo na." araw-araw magkasabay kami ni Avin, naging daily routine na niya ang pagpunta at paghatid sa akin. Hindi naman ako tumutol, mabuti narin yun dahil may kasama na akong umuwi.

"Wait lang, masyado kang nagmamadali makapaghintay naman si Clair." minsan ay, sinasabay namin si Clair, minsan naman inuuna niyang sunduin para magkasabay kaming tatlo.

"Masyado kang matagal. Alam mong naghihintay na si Clair. You better hurry kundi iniwan kita dito." pabalik niyang sigaw.

"Go, puntahan mo na ang nilalangit mo't iwan ako." di makapaghintay, pababa na nga ako, palaging atat di naman siya babastedin ni Clair.

"Oh? Bakit anjan kapa? Akala ko ba aalis ka?" panunuya ko dahil nakapandkwatro siyang naghihintay sa akin.

"Tss." ni wala siyang sinabi at lumabas.

See? Di ako magawang iwan.

"Mygad. Bakit ang tagal niyo. Namumuti na ang mata ko sa kakahintay kung hindi pa kayo dumating umalis na talaga ako." lintya naman niya ng nakarating kami sa kanila.

Ang sarap magbuhol-buhulin ng dalawang to. Magkaugali, kaya bagay.

"Tss. Pwedeng umalis na tayo? Kita niyo ang oras, late na tayo." at iniripan ako ni Clair. Sa backseat siya umupo, diyan siya dahil mas lalo kaming matatagalan pag dito siya sa harap.

"Malapit ng Inter-competition a? Diba next week na? Swear, manunuod talaga ako." excited niyang pahayag.

"Ikaw, Jesyl? Hindi kaba manunuod?" tanong ni Avin sa akin.

"Di siguro. I'm not into basketball."

"Eh? Player ng basketball yung bestfriend mo? Di mo siya susuportahan?" nakikinig lang si Clair sa amin at tila interesadong-intersado sa pag-uusap namin.

"Madami naman siyang supporters, di na ako kailangan." pahayag ko.

"Yan. Yan. Yan ang nakakainis sayo. Di mo pinapanood si Ruiz maglaro. Ang galing kaya niya, dapat proud ka doon." salita ni Clair.

"I'm proud of him."

Dahil masyadong busy ang mga teachers sa mga incoming activities ay wala kaming masyadong ginawa.

Nagsnack na lang kami sa canteen ng biglang tumawag ang kalikasan.

"Nget, CR muna ako. Call of Nature." ngiti-ngiti kong sabi.

"Sige. Tagalan mo." seryoso niyang sabi.

Kinunotan ko na lang siya sa noo at tinawanan ako.

Madali lang naman ako natapos kaya sumunod na din ako agad. Hinanap ko sila kaso, konti lang ang tao sa canteen.

Hindi naman kaya nagdate ang dalawang yun?

"Akala siguro nung Clair na yun na magtatagal ako." napailing na lang ako.

Ngunit kahit wala sila ay, bumili na lang ako ng Vcut at C2.

"Tara-tara, kasisimula pa lang nung game." hindi naman sa nakikinig ako, wala lang talaga akong kausap at sila ang narinig ko.

"Bakit di natin alam na may game pala?" sabi naman nung isa na nililigpit gamit niya.

"Practice game lang yun." pagco-correct nito.

Hmm.. Ngayon alam ko na kung nasaan si Clair at Avin.

Binitbit ko na lang ang binili ko. Tama nga, kasisimula pa lang nung game dahil hindi pa ako nakakapasok sa gym ay lakas na ng sigawan ng mga tao.

No GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon