Hinintay ko na lang siyang mawala sa paningin ko bago maglakad ulit. Bigla ko tuloy naalala yung pangungulit niya pag ayaw kong hinahatid niya ako hanggang samin.
"I'm home."
Naabutan ko si Papa na naghahanda ng pagkain. Na langhap ko tuloy ang masarap na Caldereta. ;)
"Magbihis kana, pagkatapos kunin mo si Jazz sa kapit-bahay, para kakain na tayo."
Nagbihis ako ng pambahay, bumaba na ako para sunduin ang kapatid ko. Nandun na naman yun sa kalaro niyang babae.
Nagdoorbell ako, binuksan naman ako ng yaya nung bata.
"Si Jazz po?" tanong ko dito, sinamahan naman ako ni Ate papasok sa bahay.
Ngayon lang ako nakapasok sa bahay ng kaibigan ni Jazz, pagsinusundo ko kasi siya nasa labas na siya at papauwi. Malaki ang bahay nito, pangmayamang uri na bahay nahiya tuloy akong tumapak sa tiles.
Rinig na rinig ko naman ang tawanan nina Jazz may narinig din akong boses.
"Jazz." tawag ko dito, humarap siya sakin at nagulat na lang ako dahil ang chocolate na kinakain niya nagkalat sa mukha niya. Jusko, lagot talaga to kay Papa kumain na naman ng matatamis, sira-sira na nga ang ipin mas lalo pang pinasira.
"Hi Ate, binigyan po ako ng chocolates ng Kuya ni Nicole, ang sarap po." tuwang-tuwa na sabi niya.
"Thank you sa chocolates." sabi ko kay Nicole di ko parin makita ang mukha ng kapatid niya dahil nakatalikod parin ito na tila walang balak na humarap. "Diba sabi ni Papa bawal ka kumain ng sweets? Masisira na naman yang ipin mo. Uwi kana, kakain na." mahina kong sabi sa kanya.
"Byee, Nicole, thank you po sa chocolates Kuya Avin." kinuha ko ang chocolate sa kamay niya.
Dahil pag nakita to ni Papa, swear e-co-confiscate niya to at itatapon.
"Give it back to me Ate binigay yan sakin." abot niya sa kamay ko tingnan natin kung maabot po.
"Nakakasama to sa ipin mo, gusto mo sumakit ulit yan gaya ng nangyari nung isang buwan na kumain ka ng sweets?" tumango siya pero inaabot parin sa kamay ko ang chocolates niya.
"Ibibigay ko to kay Papa pagpinilit mong kunin to." banta ko sa kanya.
"Ate naman kasi e." at padabog siyang lumabas sa gate sumunod na lang ako.
Nakahanda na ang pagkain sa mesa kaya umupo na kami ni Jazz, nilagay naman ni Papa ang pitcher na may juice.
"Kumain ka na naman ba ng chocolates Jazz?" mapanuring tiningnan siya ni Papa, hindi naman siya nagsinungaling at tumango. "Nasaan ang iba?" ngayon sa akin naman nakatingin si Papa. Kaya no choice, kinuha ko sa bulsa ko ang chocolates.
Sorry Jazz, no chocolates for today!
"Sinong nag-bigay nito?" tukoy niya sa chocolates na nilagay niya sa mesa.
"Kuya po ni Nicole." nakayukong sagot niya, tiklop kay Papa.
"Ah. Sige kumain na kayo para makain natin tong chocolates." nanlaki naman ang mata ko. What the? Akala ko siya ang magbabawal tapos ito siya pa nagsabi. Natuwa naman ang kapatid ko at masayang kumain. Hindi ako makapaniwala nag effort pa naman ako!
"Mag toothbrush kana Jazz." naubos nilang dalawa ang chocolates hindi ako kumain sa parte ko. Nag assignment na lang ako at nag-aral dahil may test pa kami bukas. Maaga naman akong natapos sa ginawa ko, nagulat na lang ako sa pagbukas ko sa pinto ay kakatok si Jazz, hawak-hawak nito ang isang pisngi niya.
"Ate, masakit ngipin ko." Yan na nga ba ang sinasabi ko. "Hindi ka ba nag toothbrush gaya ng sinabi ni Papa? Ang tigas talaga ng ulo mo."
Sinamahan ko naman siya sa baba tatawagin ko sana si Papa wag daw dahil magagalit buti alam niya! Binatokan ko na, ang tigas kasi ng kokote! Sinabing mag toothbrush, iniwan ko na siya sa kwarto niya ng humupa ang sakit nito. "Okay ka na?" tumango lang siya at pinatay ko na ang ilaw. Bumalik ako sa kwarto ko para makatulog na rin.
