M a a n's POV
Ang saya-saya ng pakiramdam ko ngayon. After niya akong hinatid sa amin ay panay ang kilig na naramdaman ko. Sa wakas, nakilala ko na din ang Mom niya, ang akala ko aayawan agad ako ng Mom niya but expect the unexpected hindi lahat ng magulang ay katulad ng iniisip ko.
Tita was good with me, matanong siya tungkol sakin, hindi mataray sakto lang at higit sa lahat she accept me para sa anak niya. Nakakatuwa lang.
"Late ka ng umuwi, saan ka galing Maaneley?!" pasigaw na bungad sakin ni Mama.
Heto na naman ako sa totoong buhay! Nakakasawa ang sigaw niya, di man lang huminahon kailangan ba talagang sumigaw? I'm not deaf para sigawan niya!
"Pwede ba Ma sinisira mo mood ko. Galing ako kila Heir okay, sinabi ko yan sayo." sanay na ako pero nagsasawa na ako! Kailangan ba dapat nirereport nila kung saan ako? Kulang na lang kumuha sila ng guard at pabantayan ako araw-araw. It sucks!
"Diba sinabi ko sayo, hiwalayan mo yan. Ba't ba ang tigas na ulo mo? Nakakaapekto yan ng pag-aaral mo."
Ano bang pakialam mo sa pag-aaral ko? Life nga naman lahat na lang may nakikialam!
"Pwede ba Ma, hindi ikaw ang nag-aaral at hindi ikaw ang nakikipagrelasyon. Nakakatawa naman yata ang dali lang sabihing 'hiwalayan' ko yung tao samantalang ikaw di mo mahiwalayan yang Asawa mo."at padabog akong umakyat sa kwarto.
I hate this family! Lahat na lang sira, si Heir na nga lang ang nagpapasaya sakin ipagkakait niya pa. Ano bang mahirap sa ayaw ko? Gusto ko yung tao e, dapat suportahan niya na lang ako. Ang mas nakakainis pa, hiwalayan ko? Fvck, hiwalayan niya mukha niya. Di nga niya mahiwalayan yang babaero kong Ama.
Not this time, lahat na lang ng karelasyon ko pinapakialaman niya. Gusto ko ayaw niya, salungat palagi sa lahat na lang ng bagay.
"Gusto ko lang mapabuti ang buhay mo anak ayokong magaya ka sakin, ayokong maranasan mo ang naranasan ko. I care for you anak." yan na naman ang pagkakausap niya sakin sa labas ng pintuan ko. Kailan ba siya titigil?
"I know Ma, pero hindi lahat alam mo kung anong nakakabuti sakin. Kung mangyayari man sakin yan edi wala akong magagawa. Just live with it Ma, dito ako masaya, just support me and it makes me damn happy." at hindi ko na muli narinig ang boses niya.
I love my Mom, pero not this time. Ayokong makikialam ulit siya sakin. Sawa na ako!
PAGDATING ng umaga ay hindi ako pinapansin ni Mama. Alam ko naman kong bakit, nakakaguilt syempre, Nanay ko yan kahit papano.
"Samahan mo na akong kumain Ma." tinuon ko na lang ang atensiyon ko sa pagkain.
Buong araw ay nasa bahay lang ako. Kailangan kong mag-aral para sa midterm this week, si Heir naman kasama ang Mama niya bonding daw, so hindi kami magkatext ngayon dahil busy siya with his Mom.
"Kung gusto mo talaga yang si Heir Maan, fine hindi kita pakikialaman basta focus ka lang sa pag-aaral, yan lang ang maipamamana ko sayo." di ako umimik at pinagpatuloy lang ang pagbabasa.
Bumalik sa dati ang atmosphere ng bahay, kinakausap ko na si Mama at hindi na kami nagsasagutan uli. Nakakasawa din kasi, ako ang napapagod.
Dumating ang araw ng Monday. Masigla ako dahil makikita ko siya, two days din yun maikli pero matagal na sakin. Nakikita ko naman siya nag-aabang sakin, maraming nagsasabi ma swerte ako sa kanya, walang komukontra don dahil ramdam ko ang swerte pagkasama siya.
"Good Morning babe." saka niya kinuha ang gamit ko. "You don't look okay? Problem?" tigil niya sakin sa paglalakad.
"Nope, I'm okay. Baka ikaw ang hindi okay?" pabalik kong tanong sa kanya.
"Bakit naman hindi? Nakita na kita, I'm now look okay." sabay pakita niya sa ngiti niya.
He looks okay, sabi niya nga.
"Sabay tayo lunch mamaya a? See you." paalam ko sa kanya ng nakarating kami sa room ko.
"Iba talaga pag-inaabangan ng boyfriend e." panunukso sakin ni Abie.
"Wag mong sirain araw ko Abie." seryoso kong sabi pero joke yun.
"Whatever. Oh, did you study? Midterm natin sa ibang subjects today."
"Oo, kaya humanda tayo mamaya."
Midterm. Isa siyang klase ng exams na hinahanda ng teachers para sa totoong exams. Kaya may ganito bago mag periodical para malaman nila kong saan ang nalalaman ng estduyante nila. Hindi rin biro ang midterms dahil counted ito sa grades.
Nagsimula ang test, eventually na tapos din sa pagtakbo ng oras. Mahirap ang iba pero dapat mong sagutin kahit di ka sigurado.
Pagkalabas ko agad nasa labas na si Heir, masayang naghihintay sakin habang nakabulsa ang isang kamay. Ngumiti ako pabalik at nagpaaalam sa kaibigan ko.
"Hi." panimula niya atsaka kinuha ang gamit ko. "Hindi ka ba nahirapan sa test?" dagdag niya.
"Okay lang, kaya naman." sabi ko.
Naglakad na kami papuntang canteen habang nag-uusap ng masaya. Marami paring nakatingin pagdadaan kami, I know some girls envy me but ako ang pinili niya. :)
"Here," lapag niya sa inorder niyang pagkain.
"Thanks." sabi ko pabalik.
"Hindi kaba natakot kay Mom?" tanong niya ng sumusubo siya ng pagkain.
Umiling ako "Your Mom is nice to me, hindi siya mahirap pakisamahan." sabi ko.
"Ah. Wala ba siyang tinanong na masama?" deretsong tingin niya sa mata ko at tumigil muna sa pagsubo.
Meron. Panay ang tanong niya tungkol sa bestfriend mo. Di naman masama ang dating sakin tinatanong lang naman niya kung parati ba kayong magkasama.
"Wala naman, sa dami ng pinag-usapan namin di ko na naalala." yes, totoo.
"Ah, kahapon pinuntahan ko si Jemsyl sa kanila." bigla niyang sabi na ikinagulat ko. One of Heir's attitude hindi niya tinatago sakin ang ginagawa niya. Nakabawi agad ako sa gulat at tinanong siya.
"Oh? Bakit ka pumunta don, so late ka ng umuwi?" hindi ko pinahalata ang inis ko.
"Late na, tinanong ko siya kong bakit di siya sumama satin kahapon." walang halong ibang emesyon kundi lungkot.
Wtf. Di naman natin siya kailangan doon a?
Hindi na ako nagsalita pa at kinuha ang regalong nakalimutan kong ibigay.
"Nakalimutan kong ibigay sayo to, gift ko sa first Annivesary natin." sabay bigay ko sa gift. Nawaglit kasi sa isip ko ang tungkol doon at kahapon ko lang naalala.
Inabot niya agad ang gift at hinalikan ako sa noo. "Thanks babe, sana di ka na nag-abala." ngiti niyang sabi.
"Ayaw mo?" tanong ko.
"Bakit naman ayaw ko? Galing to sayo, and I must accept this." sabay turo niya sa gift na nasa mesa.
Akala ko hindi niya tatanggapin, kinabahan ako pero nung tinanggap niya. Nabura lahat yun, masaya ako dahil tinanggap niya. Sabi kasi ni Jemsyl hindi siya tumatanggap ng gift galing sa babae pero bakit niya tinanggap to? That means, she lied to me!