Naging okay ang get together ng kapatid ko at ng ginang. As usual ay hindi nawala ang picture taking, ako muna ang kumuha ng pictures nilang dalawa pagkatapos ay sumali si Papa hindi ko na sana isasali ang sarili ko ng ibinanggit ni Jazz ang picture frame noon.
"Sali kana ate, para may family picture tayo na kasama ako." pangungulit nito sakin. Si'net ko na lang ang timer atsaka pumwesto katabi ng kapatid ko.
Ng kailangan na niyang magpaalam ay nagkaroon sila ng masinsinang pag-uusap ni Papa kaya naiwan sakin si Jazz.
"Masaya ka ba Jazz?" tanong ko dito habang inuubos namin ang macaronni salad.
"Super ate, araw-araw I've prayed to God na sana makasama ko si Mama, at makumpleto tayo. Ang bait ni Papa God ate, sana matupad ang bagong wish ko, na hindi na tayo ulit iiwan ni Mama at dito na siya titira." masayang pahayag niya ng sagot sakin.
"Just pray to God, nothing is impossible to Him." paalala ko sa kanya.
Ng bumalik na sila ay kailangan na nitong umalis kahit madaling araw na.
"Hindi ka ba pwedeng matulog dito at sa umaga ka na lang uuwi." saad ni Papa sa kanya.
"Kailangan ko na kasing umuwi. Nangako akong babalik ako bago mag-umaga. Pasensya." hindi na lang nagpumilit si Papa at iniwan kami sa labas ng gate.
"Baby, kailan ng umalis ni Mama. Naging masaya ang pasko ko dahil sayo. Sana maulit 'to. Tatandaan mo palagi na nandito lang ako. Nandito lang si Mama mo. I love you 'nak." pinahid nito ang luhang kumawala sa mata niya. Mahigpit na yakap ang iginawad ng kapatid ko.
"I will miss you Mommy, babalik ka pa naman po diba? I love you po." tumango ito at tumayo.
Tinanguan ko lang siya at hinatid siya hanggang sa makasakay ng taxi. Naging tahimik kami pagbalik sa bahay.
"Kailan natin ilalagay sa picture frame yung pictures natin ate?" minsang tanong sakin ni Jazz pagkalipas ng ilang araw.
December 28, ngayon at halos araw-araw kung tinatawagan si Ruiz ngunit walang sumasagot, tanging operator lang.
"Mamaya, pupunta ako sa mall." sabi ko.
"Okay ate, bumili ka na din ng frame." tumango ako.
Sinamahan ako ni Clair, sinaway niya agad ako sa mukha ko ng makita niya ako.
"Biyernes Santo ba?" pinag-ikotan ko lang siya ng mata. "Nakausap mo na ba ang best friend mo?" tanong niya habang naglalakad kami papuntang
print shop.
"Hindi, hindi niya sinasagot tawag ko. Ni hindi nga niya ako binati sa pasko. At pumunta yung Mama niya before Christmas." kwento ko.
"Gago naman pala talaga yang best friend slash manliligaw mo. Hindi pala, hindi mo na pala siya manliligaw, pag nakita ko talaga yun mumurahin ko siya. Gago siya! Oh, ano naman ang pinunta ng Mama niya sayo?"
"Nag-usap kami tungkol kay Ruiz, pinaasa ko lang daw siya at hindi ko na daw ito gusto. Naguguluhan ako sa sinasabi niya. Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakaintindi ko." tinanong naman niya kung ano ang iniisip ko. "Na si Ruiz ang nagsabi na hindi ko na siya gusto." gulat naman ang reaksiyon nito sa sinabi ko.
"What? Ano, ipamumukha ko ba sa kanya kung gaano ka kabaliw dun? Huwag mo na nga yung habulin." malditang sabi niya.
"Good Morning Ma'am." bati samin nung babae sa print shop. "Ano po ang size ng picture?" tanong nito.
Tinuro ko naman ang size na pang family picture.
"Paki connect na lang po ng sd card niyo." saad nito at ginawa ko naman. Iniwan namin pagkatapos ang shop at binilin na babalikan namin.
