Isang buwan na ang nakalipas simula ng nanligaw si Ruiz sakin. May mga araw na hindi niya ako nasusundo pero bumabawi naman sa ibang paraan gaya na lang nung hindi niya sinabi na may gagawin siya at naghintay ako ng ilang oras. Mabuti na lang sa araw na yun at may practice si Avin at nadatnan niya pa akong naghihintay sa parking lot.
"Jesyl? Ba't nandito ka pa? Late na ah, sinong hinihintay mo?" Papalit na sabi niya sa kinatatayuan ko.
"Wala bang practice yung basketball team ngayon?" tanong ko sa kanya dahil nabanggit ni Clair kanina na magkakaroon ng practice sila Ruiz pero hindi naman niya nasabi kanina at ang tanging sinabi niya ay sabay kaming uuwi na madalas naming ginagawa.
"Kanina pa tapos yung practice nila mas nauna silang natapos samin. At hindi ko nakita si Heir kanina." Binuksan niya ang front seat ng sasakyan niya "Tara, sabay na tayong umuwi." tumango na lang ako at nagpunta sa kabila.
Sa pangyayaring yun ay hindi ko sinubukang buksan o tanungin siya pero unti-unti ay may namumuong pagtataka sa isip ko.
"Syl?" napakurap ako atsaka nagbalik lupa ang pag-iisip ko. "May sinabi ka?" tugon ko dito, sinimsim ko naman ang huling laman ng coke.
"Do you want to ask something?" sabi niya kasabay ang pagpupunas sa parte ng labi niya.
"Wala naman, bakit?" Ang nakapagtataka at paano niya nasabi yun.
"Iba ang sinasabi ng mata mo sakin. Kilala kita, what's bothering you?"
"School stuffs, alam mo na. Tara na? Baka hinahanap na ako ni Clair, may gagawin pa kasi kami." pagwawala ko, tumayo naman siya at nagtataka parin ang mga mata niya, nginitian ko na lang siya.
Pag makasam kami ay hindi maiiwasan na may babati sa kanya, oo, sa kanya lang wala naman akong pakialam doon pero ang hindi ko maiwasang isipin ay pangdidiring tingin ng mga babaeng nakakasalubong namin. Hanggang ngayon ay parang nakatatak na sa utak nila ang pagkakamali o matatawag bang pagkakamali yon. Siguro ganun ang mga tao, ang tanging nakikita nila ay mga kamaliang nagawa mo, kung may nagawa kang hindi maganda para sa kanila ay parang nakapasan sayo na kailangan mong mag-explain, kailangan mong ipaintindi sa kanila pero hindi ganun kadali yun dahil hindi lahat ng tao maiintindihan at iintindihan ka, hahanap at hahanap sila ng butas para lang mahusgahan ka. Kahit sabihin mong 'I don't care' 'Wala akong pakialam sa sasabihin nila' pero the truth is alam natin sa sarili natin ay naapektuhan tayo, hindi man gaano kalaki o kaliit pero it affects ourself, base sa mga sinasabi ng tao ay maaaring sinasabi nila kung sino ka at kung ano ka. Sabi nga nila we can't please anyone, we should not deal with people na hindi marunong makinig dahil ganun naman talaga dito sa mundong ibabaw, di lahat ng nangyayari ay pabor sa gusto mo.
"Hi Heir, Hi Jemsyl." ngumiti lang ako sa bumati samin, hindi ko kilala yon.
Tumigil naman si Heir dahil nasalubong namin ang mga iilang kasamahan niya sa basketball.
"Mamaya practice tayo, Hi Jemsyl." bati nila sakin ng naramdaman nila ang presensiya ko.
"Hi." bati ko pabalik.
"Nga pala. iimbitahan ko sana kayong dalawa, this saturday, birthday ko at may unting handaan. Sana naman dumating kayong dalawa." banggit nung isang kasamahan nila na bumati sakin.
"You're getting old Patrick." tutya nito sa lalaking Patrick ang pangalan.
"Whatever. Pero aasahan ko kayong dalawa." sabi niya sakin na sabayng pinaglalaroang itaas ang dalawang kilay niya.
"Sure. Sure." sagot ni Ruiz sa kanya.
Pagkalampas nila samin ay saka ko siya kinausap tungkol doon. "Hindi ba ako ma-o-out of place? Wala akong kakilala doon." nilagay niya naman ang kaliwang kamay niya sa balikat ko at hinagod.