Gabi na ng makatanggap ako ng text galing sa kanya.
From Ruiz: Good Evening :)
To Ruiz: Good Evening din.
From Ruiz: Kumain ka na ba? :)
To Ruiz: Hindi pa. Ikaw ba?
From Ruiz: Not yet, lets have some dinner together? :)
To Ruiz: Gabi na e.
From Ruiz: Hmmm.. Do you want me to come? :)
To Ruiz: Ha? Huwag na. Kakain din naman ako mamaya.
From Ruiz: Okay.
Sinundo niya na naman ako sa bahay kinaumagahan gulat pa akong nadatnan siyang kinakausap si Jazz.
"Look ate, may gift si Kuya sakin." pakita niya sa isang box ng chocolates.
"Chocolate yan Jazz." paalala ko sa kanya.
"I know ate, hindi ko naman kakainin to ngayon. Isa lang." sabay kuha niya sa isang chocolate at agad na pinabukas niya kay Ruiz.
"Hindi ka ba kakain hijo?" tanong ni Papa sa kanya ng kami lang dalawa ang kumain sa hapag.
"Kumain na ho ako sa amin Tito, salamat." ngumiti siya sakin atsaka nagpatuloy siya sa pagbubuklat ng magazine.
Gaya ng nakagawian ay, hinatid niya naman ako papuntang classroom. Hindi ako nagtanong tungkol sa kahapon dahil ayokong masira ang mood niya ngayon. Musika sa aking pandinig ang paghalakhak niya ng nagjoke siya.
"Hindi yun nakakatawa." plain na sabi ko.
"Really? Bakit ka ngumiti kanina?" sino ba naman kasi ang hindi ngigiti dahil hinihintay niya ang reaksyon kaya napangiti ako ng payak.
"Hindi yung joke mo ang tinawanan ko no. Tsupi na, pumasok kana." magtataboy ko sa kanya dahil kanina pa kami umistamby sa labas at wala yata siyang planong umalis pa.
"Hmm. May twenty minutes pa." hinila niya naman ako patungo sa railings at pinanood namin ang mga taong naglalakad. "Syl. You know I like you and I want changes between us. Gusto kitang ligawan." muli ay napatitig ako sa kanya.
"Pwede ba?" sinsero niyang tanong.
"Uhm. Y-yes." mahinang sagot ko.
"Thank you. I promised, I will make you the happiest girl in the world." tinatak ko sa utak at puso ko ang sinabi niya.
Nagawa muna Heir, pinaligaya muna ako sa araw na 'to. At wala na sigurong mas sasaya pa. Niyakap niya ako at napako ang mga mata ko kay Maan na dumaan sa gilid namin. She's smiling. Agad kong iwinaksi sa isip ko ang ibang kahulugan ng mga ngiti niya. What important now is I am happy and he is to.
"I love you." mahina niyang sabi atsaka kumalas ng yakap sakin. Hindi ako makatugon sa sinabi niya. Nanunuyo ang mga mata ng mga kaklase ko at maging si Clair ay nakangisi ng malapad ang labi niya.
"See you later Syl." sigaw niya habang binabagtas ang papuntang classroom niya.
"Whoa! Anong ibig sabihin ng yakapan na yun ha? Kayo na ba?" nanggigil na saad ni Clair.
Umiling ako ng nakangiti. "Manliligaw ko na siya." kinikilig kong sabi sa kanya.
"Masaya ako sa inyo, ganyan dapat, dapat dahan-dahan muna. Dapat may gawin tayo ngayon, ano, lets celebrate." excited niyang sabi. Natawa naman ako sa reaksiyon niya.
Humapa ng ilang oras ang kasayahan namin dahil pumasok ng sunod-sunod ang mga subject teacher namin sa umaga. Bumalik ito ng naghihintay sa labas si Ruiz, nakapamulsa siya habang nakasandal sa pader.