Chapter 18 Hindi Ikaw

48 6 14
                                        

Madaling nakasakay si Heir ng taxi at ilang segundo lang ay, hindi ko na makita ang sinakyan niya sa sobrang bilis ng pagpaandar nito.

Binalingan ko si Erwan. Nahihiya naman akong magpahatid sa kanya atsaka kaya kong umuwi mag-isa.

"Wag mo na akong ihatid, okay lang talaga. Sorry kung naabala ka ni Heir." ganito talaga ako pagwala siya o pagmay-ibang tao tinatawag ko siya sa pangalan niya.

"Okay lang talaga." dagdag ko dahil nagdadalawang isip siya.

"I change my mind, ihahatid na lang kita. Gusto din naman kitang makakwentuhan." ngiting sabi niya.

"Okay lang talaga? Kasi kanina-"

"Kalimutan mo na yun, hindi naman ako ganun ka sama na iwan kang mag-isa atsaka best friend ka ni Heir hindi kita basta-basta iwan dito."

Mabuti pa siya dahil naisip niya 'yon samantalang ang 'bestfriend ko' iniwan ako at pinaubaya sa iba.

"Salamat. Nakakahiya talaga na ihahatid mo pa ako. Gabi na at malayo-layo ang bahay namin."

"Ayos lang, di naman ako busy ngayong gabi." at nginitian niya ako.

Okay naman pala siya.

"Gusto mong sumukay na lang tayo?" suhestiyon ko dahil nakakailang metro pa kami sa nilalakad namin. Wala pang kalahati.

"Wag na. Hindi naman masama ang panahon ngayon."

Hindi na ako umimik pa. Kahit anong paraan ang gawin ko ay ihahatid niya talaga ako.

"Pwedeng magtanong?" salita niya sa gilid ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Uhm. Wag yung mahirap a?" pabirong sabi ko pero di niya kinagat. Aw.

"Ilang taon na kayong magkakilala ni Heir?" bakit siya pa ang tinanong niya? Pwede namang iba bakit siya pa?

"Uhm .. 14 years I guess? Kayo?" pabalik kong tanong para naman hindi siya ma boring sakin.

"Ah. Almost 2 years pa lang." sagot niya. Tumango lang ako.

Napaisip ako, may alam din kaya siya sa mga sekreto ni Ruiz na hindi ko alam? Siguro ay Oo, dahil palagi silang magkakasamang grupo.

Mga pangalan lang nila ang alam ko siya, si Kenx, Horil, at Gerd. Palagi ko kasi silang nakikita tuwing hapon noon nagbibiroan at kung anu-ano pa.

"Wala ka bang boyfriend?" wala sa isip kong tanong niya.

"Ha? Boyfriend? Hindi, wala sa ngayon." parang bigla ako nataranta na ewan.

"Ow. Maganda ka naman bakit kaya."

"May ex na ako pero walang ngayon." di ko alam kung bakit ko sinabi pero gusto ko din namang may makwentuhan habang umuuwi.

"Oh. Akala ko si ... Bakit naman kayo nagbreak?"

Namamalayan ko na, palasalita si Erwan.

Sinabi ko sa kanya ang dahilan why we're now exes. Hindi naman masama kong sabihin ko sa kanya at isa pa, wala na kami nun. Hindi naman ako pala kwento pero siguro okay lang sabihin ko sa kanya.

"Hindi ko kasi akalain na magagawa niya yun sa akin. Sino ba naman ang mag-aakala na ang taong unti-unti mong natutunang pagkatiwalaan at mahalin ay lolokohin ka lang." totoo, hindi ko inexpect yun.

"Gago naman pala yun, mabuti at hindi ka bumalik sa kanya." napatawa ako sa sinabi niya. Sinong babae ang babalik sa ganung lalaki? Siguro meron at napakatanga niya kung ganun.

Nagpatuloy parin kami sa pag-uusap lahat ay tungkol sa akin at kalimitan lang ang tungkol sa kanya.

Sa hindi ko namalayan ay, nasa subdivision na kami. Napatingin ako sa oras, halos dalawang oras ang nakalipas.

No GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon