Sinalubong ko siya sa entrance ng greenwich. "Hi." bati ko pa.
"Hi Syl." nakipagbeso naman siya sakin atsaka nag'explain. "Sorry kung hindi ko sinabi sayo na sinamahan ko si Maan, yun kasi ang sinabi niya dahil hindi naman daw kami magtatagal." paliwanag niya
"Ganun ba? Ano pala ang binili niyo?" tanong ko naman.
"Yung project lang namin sa TLE hindi niya kasi alam kung saan mabibili." tumango-tango naman ako at naging satisfied sa naisagot niya. Hindi ko naman siguro kailangan magduda hindi ba?
Nagtanguan lang sila ni Avin at nginitian lang siya ni Clair.
"Pwede ba natin sila isama sa Saturday?" pagbubukas ko ng usapan at si Heir ang sinabihan ko.
"Anong meron sa Saturday nget?" tanong sakin ni Clair.
"Kanina kasi ay inimbitahan kami nung kaibigan niya this Saturday. Birthday Party. Hindi naman gaanong malaking handaan." tumingin naman ako kay Heir "Pwede kaya silang isama?"
"Hmm. Pwede naman siguro hindi naman mapili si Patrick sa pag-imbita ng tao at okay lang naman siguro sa kanya. After all you're friends." aniya.
"Gusto mong pumunta?" tanong ni Avin kay Clair.
"I don't know, may gagawin yata ako this Saturday. If you want to come, sumama ka na lang." sagot niya dito.
"Hindi ako sasama pag-wala siya." prenteng sagot niya.
Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko yata sila mapipilit.
"Pwede ka namang pumunta ng wala kami Jem. Kasama mo naman si Heir." pero mas maganda pag-nandun kayo feeling ko kasi ma-a-out of place ako dun.
"Okay." walang ganang sagot ko.
"Anyway, kailan ang laro niyo Heir sa ibang schools?" interesadong tanong ni Clair sa katabi ko.
"First or Second week of January I guess. Hindi pa naman sinasabi ni Coach samin yung exact date but I'm pretty sure magsisimula yun next month."
Tahimik lang akong nakikinig sa pagpapalitan nila ng sagot at tanong.
"Sabi na e, dapat talaga nanalo kayo nun." sabi niya pa. "Sayang at hindi mo napanood yun nget." hindi ko naman naalala ang larong sinasabi niya.
"Natalo kayo sa game niyo?" tanong ko sa kanya.
Tumangao siya. "Okay lang naman, nanalo naman ako sayo." ngiti niya pang sabi.
Lumaki naman ang ngisi ni Clair kaya napayuko ako at lihim na ngumiti.
"Gusto mo pa bang kumain?" tanong niya sakin.
"Hindi na, marami na akong nakain e." sagot ko.
"Nget, may dadaanan pa kami ni Avin, sasabay ka ba samin?" hindi ko alam kung totoo bang may dadaanan sila o gusto lang nilang magsama kami ni Ruiz at para ma'solo niya naman si Avin.
"Sakin na lang siya sasabay. I know you two have a date." sagot ni Heir para sakin. "Gusto ko din naman hiramin si Jemsyl sa inyo."
Nakatanggap naman ako ng text galing kay ClaiR.
From Clair: Uuwi na kami ni Avin. :)
Nagreply naman ako.
To Clair: Akala ko ba may dadaanan kayo?
Nakita ko naman na nakahawak si Clair sa cell phone niya.
"Dapat talaga magdate din kayo." sagot niya pa kay Heir.
"Yeah." maikling tugon niya.
"Tayo na?" yaya ni Clair kay Avin "Mauuna na kami sa inyo Jem, magpakasaya kayo. Ingatan mo yang best friend ko Heir ah." pasabi niya pa.
