Chapter 16

49 5 2
                                    

"Bakit ka ba andito?" ulit kong tanong.

He have no reasons para bumisita dito. Ni wala akong naalala na may okasyon ngayon. So what he is up to?

"Binibisita nga kita." sabay ngisi, nangilabot ako.

"Bakit? There's no reason para bisitahin mo ko." I said at pumauna papuntang sala.

I on the tv sumunod naman silang dalawa habang hawak-hawak niya ang kamay ni Jazz.

"Ilipat mo sa NBA ate." hindi ko siya pinagkinggan mas naaaliw pa akong manood ng cartoon o anime kesa bastekball. -_-

"Namiss ko lang best friend ko, bakit bawal bang bisitahin ka?" umupo siya sa tabi ko, he intertwined his hands.

"Usog kuya, gitna ako." hindi kumilos si Ruiz kaya ako na lang ang umusog. "Sige na ate, lipat mo na."

"Walang game ngayon."

"How do you know? Hindi ka nga nanunood ng basketball e." di na ako umimik pa.

"Wala talagang game ngayon Jazz, tapos na." salita ni Ruiz, dahil sa peripheral vision ko ay nakita kong bumaling si Jazz sa kanya.

"Talaga po? Okay." at nakinuod na lang siya. Kitams, di naniwala sakin.

Wala ng nagsalita sa amin. Panay lang ang tawa ni Jazz sa palabas.

(insert call ringtone here!)

Kinuha ko ang selpon ko. Avin's calling, bigla naman akong natawa sa caller I.D. dahil kaming dalawa doon, naka wacky nung nasa front seat ako.

Umalis ako sa kinauupuan namin at umupo sa kabila.

"Oh? Napatawag ka?"

"Hindi mo ba natanggap text ko? Kanina kapa namin tinitext." akala ko si Avin sa kabilang linya si Clair pala.

"Kagigising ko lang." tumayo ako dahil alam kong lalakas ang boses ko kapag si Clair ang kausap ko. "Bakit ikaw ang may hawak sa phone niya?"

"Wag mo ng alamin. Eh, talo sila." matamlay niyang sabi, ramdam ko naman na hindi niya gusto ang resulta.

"How come? Mas madami kaya silang cheerers" lalo na ang isa dito sa bahay namin. Everyone says he so good with that sport. Well, not all the time you win, you should taste defeat.

"Hindi ko din alam. Hindi naglaro yung best friend mo no." sabi niya na may kasamang pagtaas ng boses. "Ni hindi nga siya nagpakita sa court. Naka ilang announce na kung nasaan siya, e walang nakapagsasabi. Hindi ko rin nakita yung girlfriend niya dahil walang maingay. Hay, sayang talaga kahit practice game lang yun." dagdag niya pa.

Hmm .. Bakit nga kaya hindi siya naglaro? Baka may nangyari sa kanila ni Maan? O baka, nagdate sila? Who knows, Ruiz is head over heels in love with that woman. Hindi malayong mangyaring he choose his girl than the game.

"You know, maraming nag-aabang sa kanya tapos wala? Nako nako, teka baka alam mo kung nasaan siya?"

"Actually nandito siya."

Nailayo ko ang phone ko sa aking tenga. Ang matinis niyang pagsigaw mula sa selpon ko ang narinig ko. I sighed! Over reacting.

"Hinaan mo nga boses mo." inis na sabi ko sa kabilang linya.

Rinig ko naman ang pagpapalitan nila ng salita ni Avin.

"Bakit hindi mo sinabi?" parang nainis pa siya sakin a.

"Excuse me. Paggising ko na lang nandito siya."

"Tsk."

("Oh. Si Maan ba yun?")  I overheard.

No GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon