Chapter 24

38 5 8
                                    

I replied him.

Ako: I'm busy.

Bumalik naman si Avin na may ngiti sa labi. Iba talaga pag in love ka no?

"Why so happy?" Usisa ko dito.

"She said yes." Nagulat naman ako. Talaga? Sinagot na siya ni Clair? Magtatanong pa sana ako ng inunahan niya ako. "Pumayag na siyang ligawan ko siya." masayang sabi niya.

"Akala ko pa naman kayo na." Panghihinayang ko. Doon naman kasi talaga sila pupunta bakit pa patatagalin.

"Gusto ko rin naman siyang ligawan. I want to make her special."

Pa simple ko namang binuksan ang bagong message niya.

Ruiz: Nagtatampo ka ba sakin? I'm sorry. Magpapaliwanag ako. :(

Alam mo yung feeling na, sa text niya lang na ganito ay napatawad ko na siya? Lalo na sa emoticon :( na yan.

Ako: I'm not. Wala naman akong karapatan makaramdam ng tampo sayo. So why bothered? Okay lang talaga Ruiz.

Kahit sa sarili ko ay nagsisinungaling na ako. Hindi okay sakin, gusto kong marinig ang paliwanag niya pero pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko.

Ruiz: Can we talk? I'll call you.

"Tulungan mo ko." Sabi ni Avin

"Ha?" takang sabi ko.

"You're not listening. Sino ba yang ka text mo?" tingin niya sa hawak kong cellphone.

"Ano yung sinabi mo na tulungan kita?" Pagwawala ko sa tanong niya.

"Help me. Gusto kong paghandaan to. I want to make her happy everyday."

Gusto kong sabunutan ngayon si Clair kung gaano siya kay swerte kay Avin. Gwapo na nga, eeffort pa.  So yun nga, marami siyang pakulo, plano at iba pa. 

"Kailan mo ba yan gagawin? Sa pagkakilala ko kasi sa kanya hindi siya yung tipong babae na gusto ang ganyang pakulo. Just pursue her, ipakita mo lang na seryoso ka hindi yung dinadaan mo sa flowers and gifts. Hatid at hintayin mo siya pauwi. Yun lang naman talaga ang magpapasaya samin. You can do sweet things pagkayo lang ayaw kasi niyan ng attention sa ibang tao kahit ganun ang ugali nun, Clair is just simple." sabi ko sa kanya.

Marami pa kaming pinag-usapan at ng makarating kami sa bahay nila. "Talaga bang ayaw mong magpahatid?" tanong ni Avin.

"Okay lang talaga, malapit lang naman ang bahay namin dito." Nagpaalam na ako bago pa ako makalabas sa gate nila.

Binuksan ko ulit ang inbox ko.

Ruiz: Syl?

Ruiz: Tatawagan na kita.

Ruiz: :(

Ako: May pag-uusapan ba tayo?

Ruiz: Yes. I can see you here.

Tinignan ko ang paligid ko.

Ako: Nasaan ka?

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang hinihintay ang reply niya. Tanaw ko na mula dito ang bahay namin.

"Syl."

Lumapit siya sakin. Humakbang naman ako palayo. Paano kung ganito na lang kami palagi? Hahakbang-lalayo.

"Galit ka ba sakin?" mahinang tanong niya. Umiling ako, oo nagalit ako sa kanya ewan ko ba kung anong rason at nawawala ang galit ko sa kanya kahit hindi siya magsorry.

No GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon