Chapter 25 Nag-uusap

34 4 3
                                        

Days passed. Walang araw na hindi ko nakikita si Maan tuwing magkasama kami ni Ruiz. Para bang hindi natatapos ang araw ko na hindi siya magpapakita.

Namimisteryohan ako sa mga tingin at ngiti niya. Its like she was happy na nakikita kaming magkasama ni Ruiz. I wondered why.

"Nget. Aalis ka nanaman ba mamaya?" magkasama kami ni Clair ngayon papuntang office para i-submit yung mga projects namin sa English.

"Mamaya? Hindi naman bakit?" tanong ko pabalik sa kanya habang tinatahak ang daan papunta sa office nang teacher namin.

Sariwa parin ang issue tungkol saming tatlo which is nakasanayan ko na. As long as Clair didn't judge me for being a bitch bahala sila kung anuman ang sabihin nila behind my back.

"Ah. Naitanong ko lang sobrang busy mo kaya kay bestfriend mo."

"Hindi kaya. Alam mo namang ngayon ko lang nakakasama si Ruiz ng malaya."

"Pero hindi kaba nagtataka?" Aniya ng makarating kami sa office. "Good Morning Ma'am." sabay naming sabi.

"Thank you. Ilagay niyo na lang diyan." sabi ng English teacher namin habang may ginagawa siya.

"Nagtataka saan?" tanong ko ng makalabas kami at naglakad pabalik sa classroom.

"Sa feelings ni Ruiz sayo. Nagtataka lang ako, alam mong gaano siya ka in love kay Maan hindi ba? And all of a sudden ikaw ang gusto niya." Naisip ko na din yan but the days when we were together ibang Ruiz ang kasama ko.

Maalaga.

Hindi pumapalya sa pagbibigay ng snacks araw-araw at palaging libre ang lunch ko.

Hindi rin niya hinahayaang matapos ang araw na hindi sinasabi kung gaano niya ako kamahal kahit sa text ay inaalala niya parin ako. Na ngayon ay parang nakasanayan ko na ang lahat ng ginagawa niya. Sa tuwing oras ng snacks ay expected ko na na darating siya at hindi naman ako nagkamali.

Gentleman. Isa sa mga pinakagusto ko sa kanya. He always cared for me, and he always think for my happiness na lagi niyang binibigay.

"Lahat ng ipinakita niya sakin ay hindi nakapagtataka. Siguro, oo, minahal niya si Maan hindi naman malabong mangyari na nawala na ang pagmamahal niya dito. Atsaka nakikita mo naman kung paano ako pahalagahan ni Ruiz na parang isang mababasag na figurine."

"Siguro nga ay ganun pero please, dahan-dahan lang Jem masyado akong nabibilisan sa mga nangyayari sa inyo. Hindi pa naman kayo hindi ba?" Umiling ako. Hindi pa nga kami pero parang kami naman. "Good. Wag ka munang magmadali ha? Take it slowly."

"Mmmm.. Kayo ba ni Avin? Improving na?" Pag-iiba ko sa usapan.

"Still improving, hindi naman siya nagmamadali at ganun din ako. Ayoko pa gusto ko munang kilalanin siya." sagot niya.

"Did you two kiss?" tanong ko sa kanya, kasi they dated many times na walang ako, hindi nila ako sinama so maybe, may nangyari na hindi ba?

"Sa cheeks." sagot niya, my jaw dropped.

"Really? Cheeks? Mygad. Hindi ko alam na pagong pala kumilos si Avin ha." di makapaniwalang sabi ko.

"Yes. Cheeks. Bakit? Nahalikan kana ba ni Ruiz?" tumango naman ako at ngumiti.

Binatukan niya ako ng malakas.

"Masakit ha." himas ko sa ulonan ko na binatukan niya.

"Ewan ko talaga sayo. Tayo na nga baka nandun na yung T.L.E. teacher natin." mabilis niyang paglalakad.

Sabay na naman kaming naglunch na apat at siya na naman ang gumastos.

"Baka nauubos na yang pera mo sa kakagasto sakin, may pera naman ako." Reklamo ko sa kanya.

No GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon