Hindi ulit kami nagkausap ni Papa nung nagsimula na ang program. Pwede na ding kumain habang may nagaganap na presentation sa harap.
"Bantayan mo ang kapatid mo punta lang ako sa harapan." alam ko namang magpeperform sila Papa kaya tinanguan ko siya.
Nakita ko siya na kumakanta sa harap.
"Go Ma'am Mona." cheer ng mga katrabaho ni Papa sa kanya.
Mona. Ngayon ko lang ulit narinig ang palayaw niya. Nung bata ako sa pangalang yun tinatawag ng mga kapitbahay namin siya. Hanggang ngayon pala ay gamit niya parin iyon.
Nagpalakpan naman sila kaya nakisabay narin ako kahit hindi ako nakinig.
"Next to performer is Group C." anunsyo nung emcee at ngumisi ako nung nakita ko ang costume ni Papa. Naka afro hair siya at nakasuot ng pang70's na damit.
Tawa ang bumalot sa buong hall dahil nakakatawa naman talaga ang ginawa nila. Dinig na dinig ko pa ang tawa ni Jazz.
"Hahaha. Tignan mo si Papa ate." tawang-tawa niyang sabi.
Kahit naka lip sync lang si Papa ay damang-dama niya ang kanta.
Batid ko naman na may upo sa mesa namin at hindi na ako nagtaka kung siya ang upo dun.
Bumaling si Jazz sa kanya at binati siya nito. Ngumiti naman siya ng pabalik at sa akin naman siya tumingin.
Hindi ko inawas ang tingin sa kanya. Gusto niya makipagtitigan? Tignan natin kung sino ang unang mag-iiwas ng tingin.
Tumungo naman siya ng ilang segundo hindi siguro nakayanan ang malditang titig ko sa kanya.
Guilty.
"Sorry." kahit mahina ay rinig ko ang sinabi niyang salita.
Sorry? Bakit? Para saan ang Sorry niya? Ni hindi ko hiniling sa kanya ang humingi ng tawad sa pag-iwan samin sapat na yun para maintindihan ko na mas pinili niya ang ibang tao kesa samin.
"Saan ka nagsosorry? Sa pang-iiwan samin o nagsosorry ka dahil inaamin mong mali ka?" parang nakikipag-usap lang ako sa isang kaibigang traydor.
Hindi siya sumagot at ngumiti ng malungkot. Tsss.
"Okay ka lang po?" concerng tanong ni Jazz sa kanya.
"Okay lang ako hija, namiss ko kasi ang mga anak ko kasing edad mo lang siya." sabi nito sa malungkot na boses.
Gusto mong maawa ako sayo? Dahil sa inaasta mo ay babalik agad ang loob namin sayo?
"Ako nga rin po ay namimiss ko na ang Mama ko sabi naman kasi ni Papa nasa malayong lugar." kwento ni Jazz sa kanya.
Nakita ko naman kung paano nalungkot ang kanyang mata pero hindi niya ito pinahalata sa reaksiyon niya.
"Pero, naniniwala naman po akong babalik ang Mama namin, diba ate?" hindi ko sinagot si Jazz dahil ayokong umaasa siya tulad ng nangyari sakin, minsan ding akong umasa na babalik siya.
"Babalik din ang Mama mo." sabi niya sa kapatid ko.
Anong pinagsasabi niya? Pinapaasa ba niya si Jazz na babalik siya?
"Sabi ko sayo ate eh, babalik si Mama." sabi niya sakin na tila ay naniniwala siya sa sinabi nito.
"Hindi na siya babalik Jazz." naalala ko sa tuwing tinatanong niya ako na babalik si Mama ay, ito palagi ang sinasagot ko sa kanya kaya minsan ay nagagalit siya sakin.
"Ayan ka nanaman ate, babalik kaya si Mama diba po?" mangiyak-ngiyak na sabi niya.
Tumango lang ang ginang sa kapatid ko. Ng nawala ang atensiyon ni Jazz samin ay pinagsabihan ko siya.
