First Love 39

27 4 1
                                    

“Sinabi ko naman sayo yun diba? I will be always here for you at bilang matalik na kaibigan mo you can count on me.” Dagdag ko pa.  

“Mahal mo parin naman ako diba?” kung meron lang sana akong ininom ngayon tiyak na naubo ako sa binitawan niyang salita.  Bigla akong luminga sa paligid ko nagbabakasakaling walang nakarinig sa sinabi niya. Napadako naman ang tingin ko kela Clair at Avin na matang-lawing nakatingin samin kaya pinalakihan ko sila ng mata.

“I’m sure na wala ka pang lunch kung anu-ano na ang sinasabi mo diyan. Kumain ka na nga.” Pagwawala ko sa usapan.

Aware naman akong ganun parin ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi talagang malayong mangyari na mahalin mo ang kaibigan mo na higit pa sa inaasahan mong kapasidad. Mahal ko siya dahil magkababata kami, magbest friend at higit pa doon. Hindi ko namamalayan na yung galit na nararamdaman ko sa kanya ay may halong pagmamahal at selos. Selos dahil akala ko ako ang makakaalam ng lahat tungkol sa kanya at the same time minahal ko siya. I wasn’t aware of anything na ang larong nilalaro nila ang magdadahilan sakin kung bakit ko natutunang mahaling higit pa sa kaibigan si Ruiz.

“Wala na ba?” muli niyang tanong ng pinagtutulakan ko siyang umalis.

Napatigil naman ako sa pinag-gagawa ko at muli siyang hinarap.

“Alam mo ang sagot diyan sa tanong mo, Heir.”

“Wala na, tama?” umiling ako.

“Alam mo, magaling ka naman mag-shot ng bola pero bakit mali ang sagot mo? I love you even before we’re best friend; I still love you even if you didn’t love me back like I do. Mahal parin kita kahit si Maan parin ang mahal mo. Alam ko namang darating ang panahon na mawawala din itong pagmamahal ko sayo but for now gusto ko munang mahalin ka hanggang sa makalimot na ako.”

“Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sayo, I won’t take advantage of your situation right now. Ang drama nanatin, umalis ka na nga.” Pagtataboy kung muli sa kanya na hindi naman siya umangal uli.

At ngayon, pinapanood ko nanaman siyang unti-unting nawawala sa paningin ko.

“Anong pinunta niya daw dito?” usisa ni Clair sakin pagka-upo ko.

“Hindi importante.” Hindi naman nakapagtanong uli si Clair dahil may tumawag sa kanya.

Ganun ang naging scenario ng araw ko sa school. Walang bago. Lahat na yata ng estudyante dito ay nakapagmove-on na sa nangyari kami pa lang ata ang hindi pa. Tatlo sa isang linggo pumupunta sa bahay si Mama minsan ay naabutan ko na lang siyang aalis na dahil late na akong umuuwi dahil sa madaming required projects na kailangan sa bahay ng kaklase naming gawin.

“Feeling ko mawawalan ako ng bait sa dami ng projects na gagawin natin. May clearance pa na kay tagal pirmahan. Ughhh, nakakawala ng huwisyo.” Dinaluhan naman siya ni Avin na pinagtatawanan lang siya.

“March na Clair, ilang linggo na lang gagraduate na tayo.” Sabi ko sa kanya.

“Yun na nga eh, malapit na, malapit na tayong mamatay sa dami ng gagawin.” Napapailing na lang kami sa hinaing niya.

“Chill okay.” Sabi ni Avin sa kanya, inirapan niya lang keso daw siya easy lang ang ginagawa.

“Ewan ko sayo Avin, kumain na nga tayo.” Yaya niya, nagkabitbalikat na lang ako kay Avin.

“Kailangan nga Finals natin?”

“Next week.” Sagot ko sa kanya, nagsimula nanaman siyang magreklamo habang papunta kami ng canteen.

“Ano bang nagustuhan mo sa babaeng to Avin ha?” naitanong ko dahil reklamo na lang niya ang palagi naming naririnig.

“Narinig ko yun! Kayong dalawa, kung pag-uusapan niyo ko siguraduhin niyong hindi niyo ko kasama.” Lingon niya samin.

No GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon