"Pa, gising na si Ruiz. Gising na siya!!" hindi makapaniwalang sabi ko kay Papa.
Ang akala ko ay aabot ng isang buwan ang pagpapahinga niya. Ang nais ko sanang mangyari ay nandun ako pagmulat ng mata niya.
Sa sobrang saya ng feeling ko ay niyakap ko si Jazzyl na kumakain sa kitchen.
"I'm so happy today!" anunsyo ko sa kawalan. Ngumiti lang si Papa sakin at nagkabitbalikat kay Jazz na nagtataka.
"Gusto mo bang magpahatid doon?" lahad ni Papa ng ready na akong umalis.
"Hindi na, Pa. Magtataxi na lang ako, maaga pa kayo bukas diba? Magpahinga na lang kayo, Pa, ayos lang ako." family day nila Jazz bukas at maaga ang program nila kaya ang mangyayari bukas ay susubukan kong umattend.
"Are you sure? Delikado ng bumyahe ngayon." ngiti ang isinukli ko sa pag-alala ni Papa. "Pa, walang mangyayari sakin." he sigh in defeat kaya inihatid na lang niya ako papalabas at doon pumara ng taxi.
Pagkadating ko sa hospital ay magkahalong emosyon ang nararamdaman ko. Masaya ngunit nababahala.
Ang kaninang magpapadali ko upang makarating ay bilang na bilang ang lakad ko patungo sa room nito.
Malalim ang paghugot ko ng paghinga bago ko pinihit ang siradura.
Nadatnan kong sinusubuan ni Tita ng pagkain si Ruiz. Puno ng bulaklak at prutas ang table nito. Simula nang malaman nila ang kalagayan ni Ruiz ay sunod-sunod ang pagpapadala ng mga bulaklak sa mga nakakilala sa kanya pero walang nakakapasok sa kwarto niya maliban samin na malalapit sa kanya.
Naalala ko pa nung mga araw na nalaman ng mga estudyante ang nangyari sa favorite couple nila ay panay ang tanong ng mga tao sa mga nakilala sa dalawa. Lalo na ng malaman nilang wala na si Maan ay hindi ko makalimutan ang reaksiyon nila, may iba na napaluha at dinamdam ang pagkawala ni Maan.
"Nalulungkot ako. Paano na si Heir? Anong mangyayari sa kanya?"
"Gusto kong e'comfort si Heir, sobrang sakit ang mawalan ng minamahal."
Sariwa parin sakin ang mga nangyari sa nakaraang linggo. Isa sa mga pinakamadilim na pangyayari sa buhay ko.
"Hija." lingong bati ni Tita sakin at itinigil ang pag-subo kay Ruiz.
"Tita, good evening po." isang mahigpit na yakap ang natanggap ko mula sa kanya na hindi ko naman tinanggihan.
Bigla namang pumasok ang doctor bago pa ako magtanong sa kalagayan ni Ruiz.
Bago paman magsalita ang doctor ay inunahan na siya ni Ruiz. "Yung kasama ko, doc? Nasaan? Ayos lang ba siya?" inosenteng tanong nito.
Napalingon naman ang doctor kay Tita at inilingan siya nito. Binalewala ng doctor ang tanong niya at chineck ang kalagayan niya. Pagkatapos nito ay, sumama si Tita sa kanya papalabas.
"Hi." panimula ko, ngayon lang ako nawalan ng salita, nangangapa ako sa sasabihin ko sa kanya.
Hindi niya ako binati pabalik. Ng susubuan ko siya ng pagkain ay doon siya nagsalita. "Ayoko na." malamig na sabi niya, wala akong nagawa at ibinababa ko na lang.
Nahiga na siya at inalalayan ko. Ramdam ko ang lamig ng pakikitungo niya sakin. "Ako na." napatigil naman ako sa pagkukumot sa kanya.
"Uuwi ka na?" marahan akong tumango kay Tita. "Maaari bang makausap ka saglit, Jem?" hindi naman ako nag-alinlangan at umupo kami sa malapit na mga upuan.
"Tungkol kay Ruiz, kung sakaling magtatanong siya sayo tungkol kay Maan. Huwag mo munang banggitin ang nangyari, maaari ba?" tumango lang ako kay Tita. Pagkatapos ng usapan namin ay tuluyan na akong umalis.