Hiniling ko sa nurse na pwede bang makita ang labi ni Maan. Sinamahan ako ni Clair papunta doon. Nanghihina ako. Halu-halo ang nararamdaman ko pero isa lang ang nangingibabaw, si Ruiz. Paano pag nagising siya at wala si Maan? Paano ko sasabihin sa kanya na wala na ito? Hindi ko man sabihin, alam na alam ko kung gaano ka importante si Maan sa kanya. I know how much he loves her kahit naging tanga ako sa lahat ng oras na kasama siya.
Masakit isipin na sa lahat ng bagay na pinagsaluhan namin ni Ruiz ay hanggang kaibigan lang lebel naming dalawa. How much I tried to push myself to him, hindi ko parin ma papalitan si Maan sa buhay niya. Maan is his first love. She was there nung kinakailangan ni Ruiz ng makakapitan. And I can't questioned him why he so attached with her.
Bumilis ang tibok ng puso ko ng pumasok kami sa Morgue. May ilan-ilang labi ang nakatalakbong ng puting tela. Iginiya kami nung nurse sa kinalalagyan ni Maan.
Mabilis akong humawak sa braso ni Clair at kumuha ng lakas. Nanghihina ako para kay Ruiz.
Dahan-dahang inalis ng nurse ang puting tela. And there, walang buhayng nakahiga si Maan. Puno ng bruises ang mukha niya.
"A-a... anong dahilan ng ..." hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko dahil sa labis na gulat, hindi ko parin magawang maniwala sa nangyari.
Hindi ko ma-imagine ang nangyari. Gusto kong pagalitan si Ruiz kung bakit hindi siya nag-iingat. Kung bakit mabilis ang pagmamaneho niya. Kung bakit hindi niya nakita ang paparating na dumtruck. Kung nag-ingat sana siya, hindi mawawala si Maan hindi siya ngayon nahihirapan. Gusto ko siyang pagalitan pero huli na ang lahat.
Wala na si Maan.
Paano ko sasabihin sa kanya.
Paano ko ipapaliwanag.
Binalikan namin si Tita na kinakausap ang nurse. Pabalik-balik akong naglalakad, gulong-gulo ang isip ko.
"Pwede bang umupo ka Jem." saway ni Clair sakin.
"Hindi ako mapakali nget." palakad-lakad kung sabi. Kinakagat ko ang kuko ng daliri ko. "Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Ruiz."
"Hindi pa nga gising yung tao yan na ang pinoproblema mo. Umupo ka nga at sagutin mo yang tawag mo kanina pa yan nagriring." ni hindi ko man lang namalayan ang cellphone ko.
"Hello Jem? Anak? Nasaan kayo? Bakit bigla na lang kayong nawala ni Clair." doon ko lang napagtanto na hindi nga pala ako nakapagpaalam kay Papa, ni hindi ko man lang inisip na magpaalam at pinagpaalala ko pa sila.
"I'm sorry Pa, emergency, nandito po kami ngayon sa hospital."
"Ano!? Bakit? May nangyari ba? Nasaan kayo?" sunod-sunod na tanong nito sa kabilang linya.
"Si .. si Ruiz po kasi, naaksidente. Nasa Vicente po kami, Pa."
"Bakit na aksidente ang batang 'yon? Ayos lang ba siya? Makakauwi ba kayo ngayon?" tanong niya.
"Inooperahan pa po siya. Hindi ko alam." hindi siguradong sagot ko.
"Oh sige. Balitaan mo na lang ako pagmaayos na ang kalagayan niya."
"Sige Pa. Susubukan kong umuwi mamaya. Sorry po talaga."
"Naiintindihan ko, Jem."
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Papa ay, saka naman bumalik si Tita Anne.
"Umuwi muna kayo hija. Ako na muna ang bahalang maghintay, babalitaan ko kayo." sabi niya samin.
"Sasamahan ka po namin Tita." pag-i-i-insist ko.
