Chapter 19 Basketball

43 5 3
                                    

"Impossible namang magkagusto si Ruiz sakin." sabat ko sa usapan nila. "Gaya nga nang sabi ko, ikaw at gusto at mahal niya." at ngumiti ako ng malapad.

Bakit ako magpapaapeekto sa sinabi niya kagabi, hindi naman totoo.

Nagpatuloy kami sa pagkain nag-uusap ngunit hindi gaano.

"So nabanggit sa akin ni Heir na wala kang bboyfriend ngayon? Wala ka bang nagugustuhan sa school natin?"

Kung sabihin ko kayang meron? Ano kaya ang magiging reaction niya pag sinabi kong boyfriend niya ang gusto ko.

"Hindi ko alam na na-iku-kwento mo pala ako? I'm sure naman na magaganda yan." dahil kung hindi titirisin talaga kita.

"Of course naman, hindi naman kita sisiraan sa kanya." sagot niya pa.

Then good. Wala tayong magiging problema, sa isip ko.

"Hmm. As of now wala pa naman at wala pa akong natitipohan."

"Ow! May mga kakilala ako na maaaring magustuhan mo."

"No thanks, atsaka hindi naman ako nagmamadali. Anyway, thank you sa treat. Sana ay wag niyo na akong imbitahin sunod dahil nakakaabala lang talaga ako sa inyo." hindi pa naman ako tapos sa kinainan ko but the mere fact na hindi ko na nagugustuhan ang atmosphere.

"Hindi ka pa tapos." sabi ni Ruiz.

"busog naman ako, salamat uli at sana wala ng susunod.

Lumabas ako at nagbuntonghininga ng mabigat.

Sa kabila ko tinahak ang daan papunta sa classroom namin.

"Oh, kamusta ang lunch mo ng bestfriend mo?"

"Third wheeling." at hinampas niya ang arm chair ko

"What? Third wheel? At pumayag ka naman?"

"Bakit hindi? Atsaka hindi na mauulit." panigurado ko.

"Anong hindi na muulit? Baka naalala mo yung unang lunch na kasama sila? Ang akala ko pa naman ay 'date' niyo." nanghihinayang na sabi niya.

"Tumigil ka na nga sa panunuya sakin sa kanya. May girlfriend na yung tao."

"Bakit kung wala ba siyang girlfriend papatulan mo?"

"Hindi naman yun mangyayari." dahil nga, bestfriend lang talaga kami.

"Kung mangyayari nga?"

"Bakit mo ba ako hinahanapan ng tanong ha?" asik ko sa kanya.

"Kasi hindi ka sumagot ng deretso, paliko-liko ka kasi may tuwid naman." rason niya.

"Ano bang gusto mong sagot ha?" para tumahimik na siya.

"Hindi ang gusto ko, kundi ang gusto mo. Dali na, wala ng oras."

"Ano nga yung tanong mo?" pang-iinis ko sa kanya.

"Nevermind, alam ko naman yung sagot." at dumating yung subject teacher namin.

Siguro nga ay alam niya.

Madali lang dumaan ang oras. Pagkatapos ng discussion at test ay kinailangan naming pumunta ng quadrangle.

"Tss.. Hindi naman tayo kasali sa sports at events dito." reklamo ni Clair ng papunta kami doon.

"Hindi din naman ako manonood." dagdag ko. We're so tamad like hindi kami sumusuporta sa school namin. Wala din naman kaming maitutulong. And we're not their cheerers.

"Pagkatapos nito. Doon tayo sa amin. May inihanda si Mama." yaya niya.

So, pagkatapos ng meeting sa quadrangle para sa mga activities ay dumiretso kami sa bahay nila Clair.

No GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon