Chapter 1 - Ruiz

148 6 7
                                    

"Ayan na ayan na e sho-shot niya na ang bolaaaaa ..." sigaw ng mga tao dito sa gymnasium ng school. Pre-game ng basketball ata ngayon kaya may ibang school na pumupunta dito para mag competition.

More than a half na kami dito na nagsimula yung laro. Ayaw ko naman talagang manood pero itong katabi ko na kanina pa tumitili ay hinatak ako dito. Its not like I don't love basketball I just don't like watching it here!

"3 points for Ruiz. Yes Sir!" sigaw nung announcer.

"Woooooaaaaaaa ... ang galing galing mo Ruiz." tili ng mga babae.

"Ang galing talaga ni Ruiz, Jemsyl no?" sita sakin ni Clair.

"Yeah." I respond.

Pero di ata niya narinig dahil sa laro lang ang buong atensiyon niya. If I know may crush siya dun.

Hindi ko first time manood ng basketball game sa school, pero hindi ako nagtatagal. Di naman sa hindi mahilig hindi ako kagaya nitong si Clair na updated sa basketball world.

Lahat ng tao sa game lang ang atensiyon. Mga babaeng mauubusan na ng boses sa kakasisigaw.

Tumingin ako sa kabilang team. Yung Blue Warrior, not to mention pero Gwapo yung players nila. And there's something my eye caught an attention. Nakatingin din yung lalaki sa akin pero agad itong tumalikod - Atienza.

Bumaling ako kay Clair. Nagyaya akong umuwi na dahil alas syete na gabi. "Clair, uwi na tayo."

"Hindi pa tapos yung game Jem, tapusin muna natin to."

Nasa 3rd quarter palang at lamang na yung Red Gravity na basketball team dito sa school. Ano pang silbi kong manonood kami e, panalo na ata sila.

"Mananalo na yan, Clair, tayo na."

"Mamaya na kasi Jem, nasa 3rd quarter pa lang tayo." talak nito habang nanonood.

"Okay, kung ayaw mong umuwi uuna na lang ako sayo." at tumayo na ako palabas ng gym. Bakit ang daming tao? Tsk .. "Excuse me .. excuse po, makikiraan."

"wag ka ngang istorbo"

yan ata lage kong maririnig pag dadaan ako, ano bang meron sa laro nila? tsk ..

Medyo konti lang ang estudyante ang nakikita ko sa labas ng gym. May iba na nagtatago sa kadiliman at may kababalaghang ginagawa. Ano kayang mararamdaman ng magulang nila pag nalamang kalandian lang inaatupag. Kapusukan nga naman.

Don't mind them Jem. asik ko sa sarili ko wag natin silang pakialaman dahil buhay nila yan.

Nakarating ako sa bahay ng matiwasay. Nakita ko si Dad at kapatid ko na nanonood ng NBA. I have 1 sibling at no mother. Kung tinatanong niyo kung nasaan siya? Di ko alam!

"Hi Pa." at nagbless sa kanya.

"Tapos na ba ang laro sa school niyo?" tanong nito.

"Hindi pa po, lamang naman sila e, kaya panalo na yun." walang ganang sabi ko.

"Ah. Ganun ba. Pero bakit ka maagang umuwi?" sabi nito.

Anong masama pag umuwi ako?

"Huh? Bakit po? Di naman ako kailangan dun e, atsaka di ako masyado mahilig sa basketball."

At hindi na nagsalita ulit si Papa.

Sinamahan ko na lang silang manood habang nakakandung sa lap ko ang kapatid kong bunso.

"Ate, stop pinching my cheeks." at tinapik niya kamay ko.

Ang cute cute kasi ng kapatid ko.

"Sa naglalambing lang e." sabi ko.

No GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon