Chapter 12 Anong kailangan ko

38 6 8
                                    

Maaga akong nagising dahil sa pambungad talon-talon ni Jazz sa kwarto ko.

"Ito pala ang ganti mo ha, humanda ka pag-uwi ko." banta ko sa kanya ng hinatid na siya ni Papa sa paaralan niya.

Hindi kami parehong pinapasokan dahil ayaw niya. Choosy pa ang kapatid ko! Akala niya kung sino maganda. Nasosoka tuloy ako!

"Bye Pa, ingat sa biyahe." ngiti kong paalam sa kanila at naglakad hanggang gate na sadyang malayo pa.

"Oh? Bakit di ka sumabay sa Papa mo?" nabigla naman ako sa pagsulpot ni Avin di ko namalayang nadaanan ko na pala ang bahay nila.

"Oh nasaan ang taga hatid mo?" obvious naman sigurong kasama niya akong naglalakad ngayon.

"Isasabay sana kita kaso nakita kong naglalakad ka lang kaya di na lang ako nagpahatid at samahan ka na lang maglakad."

"Ikaw Avin ha, porket sinuportahan kita sa panliligaw sa kaibigan ko ganyan-ganyan kana. Hindi ko kailangang samahan akong maglakad. Kita mo naman mag-isa ako. So, ibig sabihin gusto kong mapag-isa. Intidihan mo?" seryoso kong sabi sa kanya.

Napatigil naman siya sa paglalakad kaya napatigil na lang din ako.

"Ganyan ka ba talaga?" gulat na tanong niya.

"Oh bakit? Ano ba ako?" sabi ko naman at pinagpatuloy ang paglalakad.

"Pa iba-iba ugali mo. Minsan di ko maintindihan. Minsan gusto ko. Minsan naman halu-halo na." at nakisabay na rin siya.

Hindi na lang ako nagkomento pa. Pagod ago atsaka hindi ko ugaling mag explain ng side ko. I don't care!

NAKARATING kami sa school na magkahiwalay dahil sinabihan ko siyang ayaw kong makasabay siya pagpasok dahil baka kung ano na naman ang sasabihin ng tao.

"Magkasabay kayo ni Avin?" pagka-upo ko ay tinanong agad ako ni Clair.

"Hindi bakit?" walang ganang sagot ko.

"Liar. Umuna ka lang pumasok." at umupo na siya paharap sa blackboard.

Di na ako umimik pa. Parang napapagod talaga ako ngayon! Na hindi ko alam kong bakit. Nagtuloy-tuloy lang ang discussions at iba naman ay test at naghabilin ng assignments dahil weekend daw.

"Group study mamaya a? Nakapagpaalam na ako kila Dad at Mom. Pumayag naman at payag silang matulog ako sa inyo." tuwang balita niya.

Bigla namang nag vibrate ang phone ko, kaya kinuha ko.

Ruiz: Later @ house okay? Susunduin kita una at isusunod ko siya.

Doon ako napaisip na. Magkasabay pala ang Group Study namin at Celebration ek ek nila sa First Monthsary nila na akala mo Anniversary. -_- Napasapo na lang ako sa noo ko at iniisip kong anong gagawin ko.

"Nget, may problema tayo." panimula ko ng matapos kaming mag lunch.

"Ano naman?" walang interesadong sambit niya.

"Diba First Monthsary nina Ruiz at Maan at sinabi niya na dapat nandoon ang specialng tao sa buhay niya tapos Group Study natin." namomoblema na sabi ko.

"Saan ka ba Sa Akin o sa Ruiz at Maan?" nakangisi niyang sabi.

Dumating ang hapon ay handa na kaming umuwi. Hindi ako nagpaalam kay Ruiz na hindi ako makakasama sa celebration nila kaya kailangan makaalis na ako dito para di niya kami maabotan.

Nakita naman naming pababa si Avin at papunta samin. Wala parin akong sinabi kay Clair na sasama si Avin namin para surprise.

"Nget, hindi mo ba siya inimbitahan?" bulong na tanong niya habang papalapit si Avin.

"Nope, bakit ko naman siya iimbitahin? Bakit?" pagpipigil ko sa tawa ko. Kita mo kasing napagbagsakan siya ng langit at lupa sa sinabi ko.

Ang landi talaga sa crushes niya! -_-

"Wala naman." hinayang niyang sabi.

"Sama na ako sa inyo pauwi." masigla niya sabi.

Naghintay kami ng sasakyan para hindi nga kami mamataan ng Ruiz na yon. Hindi sa ayaw ko pero ayoko lang, suporta ako sa lovelife niya okay? Pero maki celebrate? Pinapamukha ba niyang wala akong karelasyon at siya meron? Kasi nung meron ako di ko naman siya inimbitahan! Ang sagwa kaya na may kasama kang kaibigan tapos mahalagang araw ng ka jowa mo. Kamusta naman yun? Hindi talaga marunong mag-isip tong si Ruiz dahil alam kong pag-andun ako magiging awkward kay Maan at baka di siya ma eentertain ni Tita!

"Good Evening Pa."

"Good Evening Tito."

"Oh? Mag gro-group study na kayo?" tumango kami pareho. Nilapitan ko muna si Jazz at binatukan, dali-dali naman akong umakyat dahil hahabulin niya ako ng walis niya.

Nagsimula naman kaming mag-aral ni Clair. Inuna namin ang Math na pareho naming kinahirapan at kasunod ang Physics.

Dumaan ang ilang oras ay pumunta ako sa bintana at nakita ko si Avin na nag-aabang talaga. Sumenyas naman ako ng Go!

"Hoy, sino yang tinitingnan mo." lumapit naman si Clair at tumabi sakin pero wala siyang nakita.

"Wala, tara, balik aral na."

Bumalik kami at nagfocus, patapos na kami sa English ng nagtext si Avin sakin.

Avin: Hindi pa kayo tapos? Nandito na ako sa baba nakahanda na ang DVD's.

Napangiti na lang ako. Kung noon ay si Clair ang nagyaya ng Movie Marathon ngayon naman ay si Avin. Match made in heaven talaga ang dalawa!

"Bumaba na muna tayo Clair, may bukas pa naman, tingnan mo o, alas onse na di kaba napagod kakaaral kasi ako tinatamad na." isa-isa kong inayos ang gamit ko at ganun din siya.

"Ano bang gagawin natin sa baba?" di ko siya sinagot at bumaba na kami.

Umupo ako sa sofa at ganun din siya. Bigla namang sumulpot si Avin na dala-dala ang kakainin namin.

"Whatda! Anong ginagawa niyan dito?" halatang gulat na sambit ni Clair na nakatingin sakin.

"I invited him. Diba gusto mo yun? Oh, Halika kana Avin, manuod na tayo." sabi ko naman at binalewala ang pangungulit ni Clair sakin.

Pero bago pa nagsimula ang papanoorin namin ay biglang may nagdoorbell.

Sinong tao naman kaya ang pupunta samin ng ganitong oras?

"Hoy kayong dalawa, nagpaalam ba kayo ng maayos sa parents niyo?" tanong ko sa kanila pero di nila ako sinagot, nagsimula na kasi ang movie kaya inis na binuksan ko ang pintuan!

Badtrip!

"Anong kailangan mo?" bungad ko sa taong nasa labas.

"Anong kailangan ko? Hindi ka lang naman nagpaalam na hindi ka sasama. Alam mo bang hinintay ka namin ni Maan?" galit pero hindi mataas na boses na sabi niya.

Nagulat naman ako dahil si Ruiz ang nasa harapan ko. Oh? Paano naman siya nakapunta dito? Gabi na a?

"Sino yan Jesyl?" boses ni Avin.

"So kaya pala hindi ka sumama samin dahil may iba ka pa lang gagawin. Sana man lang sinabi mo!" at yan na nga mas lalong siyang nagalit.

"Ano bang kinagagalit mo Ruiz? Hindi ko naman Monthsary yun a? Sa inyo yun ni Maan. Jusko, bakit ako makikicelebrate e, dapat kayo lang naman. Look Ruiz, hindi ako kasama sa Monthsary niyo okay? At wala akong pakialam kaya hindi ako sumama."

No GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon