"Ha?" kung sinabi niya yun, bakit hindi ko naalala?
"Liligawan kita pag-wala kapang boyfriend hanggang ngayon" ulit niya pa.
Hindi ako makahanap ng sagot. Inalala ko ang mga pangyayari nuon.
"Syl. Bakit ka tumatakbo?" habol ni Heir sakin, patuloy lang ako sa pagtakbo.
Kinabahan ako. Hindi ko alam pero umamin si Jerri sakin na may gusto siya sakin. "Gusto kita Jemsyl." makisig nitong sabi na pumula naman ang pisngi niya.
Ang bata-bata ko pa para magkagusto siya sakin. Kaya ang ginawa ko ay, tinakbohan ko siya. Sakto namang nabangga ko si Heir pero hindi ko siya pinansin.
"Syl!" sigaw nito
Saan ba ako magtatago? Ayokong makita ako ni Jerri. Nakakahiya!
"Syl. Bakit ka ba tumatakbo?" habol-hiningang pahayag ni Heir.
"Kailangan kong tumakbo. Ayokong bumalik doon." nahihiya ako, bakit sinabi ni Jerri yun.
"Sino bang tinatakbuhan mo? Wala namang humahabol sayo."
Ang bata-bata ko pa maging siya. Grade five lang ako. Hindi ko nga alam ang salitang gusto.
"H-heir. Alam mo ba ang ibig sabihin ng gusto?" tanong ko sa kanya.
Tumigil na rin ako sa pagtakbo. Puna ko ay nasa pinakahulihang parte ng paaralan kung saan ay halos kinder at grade one ang nandito.
"Gusto? Anong gusto ba? Pagkain?" tanong nito.
Sasabihin ko ba? Hindi. Magtatanong lang naman ako. Hindi ko sasabihin na ako yun.
"Gusto na tao." sagot ko
Nag-isip-isip naman siya. "Uhhhnm. Paano ba? Gusto? Para sakin yung nagagandahan, nababaitan ka sa kanya, yung gusto mo siyang tignan lang, basta yung napapangiti ka na lang kapag nakikita ka. O yung mahihiya ka kapag kinakausap mo siya."
Napatihimik na lang ako. Ganun ba ang gusto? Inaamin ko, hindi naman ako panget.
"Bakit mo naitanong?" napayuko na lang ako.
"Wala. Wala. Naisip ko lang."
"Impossible. Bakit may nagsabi ba na gusto ka niya? May nagkagusto ba sayo?" seryosong dagdag niya.
"Ha? Ang bata-bata pa kaya natin. Wala, walang nagkakagusto sakin." nilalaro ko na lang ang bato sa paanan ko.
"Sabihin mo sakin kung may nagkakagusto sayo." tumango na lang ako.
Sabay kaming bumalik. Kinakabahan parin ako dahil tanaw ko si Jerri, mula sa kinaroroonan ko.
"Syl." nilingon ko si Heir na ilang dipa lang ang layo sakin, mas nauna kasi siyang maglakad. "Kapag wala kang boyfriend pagdating mo ng High School, liligawan kita." at tumakbo siya.
Naalala ko na nagulat ako nun pero binalewala ko na lang. Iniisip ko na joke niya lang yun pero hindi ko akala na natatandaan niya pa.
"Wag ka ngang magbiro. Paano moko liligawan e, may girlfriend ka.." may halong tawang sabi ko pero nalulungkot ako. Gusto kong maramadaman kung paano manligaw si Ruiz.
"I'll find a way." ngiting sabi niya at kinurot ang ilong ko.
"Hindi ka pa ba uuwi?" sabi ko nang matapos akong magbihis ng shorts. Alas dyes na pero nandito parin siya at wala atang balak umuwi.