Pagkatapos kung maging emotional sa harap niya ay tabi kaming umupo at natuon ang atensiyon namin sa harapan dahil nagsimula ng magbigay mensahe ang labing walong babaeng malapit kay Patricia.
"Do you need anything?" bulong niyang sabi sakin.
"Drinks?" tumango naman siya at tumawag ng crew.
"Juice and water." sabi niya dito, umalis naman pagkatapos ang lalaki para kunin ang inutos niya.
"You're only allowed on soft drinks or juice, no liquors." paalala niya sakin.
"Magtatagal ba tayo dito?" tanong ko sa kanya habang hinihintay ang pagdating nung inutusan niya.
"Maybe 9 or 10." sagot niya.
"Ang aga naman." may pagkadismayang sabi ko.
"Hindi ko pwedeng suwayin ang sinabi ni Tito." sabi niya at dumating naman ang lalaki. "Thank you." at ipinasa niya sakin ang juice.
"Babalik ka pa dito?"
"Yes." mailkling sagot niya.
Nagsalita nanaman ang emcee sa harap at inanunsyong 'its eating time.' Naging mas maingay sa paligid, nakaupo lang ang mga tao habang hinihintayng e'serve ng mga waiters ang mga pagkain. Sunod-sunod ang paglapag ng mga samut-saring pagkain sa mesa namin.
"You should eat a lot." sabi niya habang asikasong-asikaso sa paglalagay ng mga pagkain na hindi ako pamilyar pero ang alam ko ay maraming vegies at meats sa mesa.
"Eat." utos niya.
Nagsimula naman akong kumain habang siya ay nagsisimula palang maglagay ng pagkain sa plate niya. Bigla naman dumating ang mga kasamahan niya na pinuntahan niya kanina.
"Pare." sabay tapik sa balikat niya at umupo sila sa katapat namin.
"Hi Jemsyl." ngumiti lang ako dahil hindi ko natandaan ang pangalan niya. "Hindi paba ako nagpakilala sayo? My bad, hindi pa nga. Jeric." pakilala niya at naglahad ng kamay.
Tinanggap ko naman at bumitiw agad.
"Isama mo mamaya si Jemsyl, Heir." anyaya ni Kenx kay Heir.
"Anong meron mamaya?" sabat ko at tumingin sa kanya.
"Extend party sa bahay nila Patrick sa Deca." sagot ni Jeric sakin.
"Hindi siya pwedeng sumama." madiing sabi ni Heir sa kanila.
"Aw. Bakit naman? Do you want to come Jemsyl?" baling ni Jeric sakin.
Pabalik-balik naman ang tingin ko kay Heir at sa kanila. "Hindi daw pwede e." nahihiya kong sabi dahil gusto ko sanang makipagkwentuhan sa mga kaibigan niya at gusto kong makita kung ano si Heir sa kanila.
"Why not? You're not kid anymore Jemsyl. Isama mo na yan Heir." ayaw talaga paawat ni Jeric at gusto niya talaga akong sumama.
"Fine. Hindi na pipilitin." sukong dagdag ni Jeric.
Panay lang ang kwentuhan ng barkada niya sa upcoming events gaya ng basketball nila sa susunod na mga linggo.
Dumating naman si Patrick at Patricia na nakapagpalit na ng damit.
"Hey guys." bati niya saming lahat.
"Pare. Happy Birthday again." sabi nila isa-isa.
"Thanks. So, how's the party? Nag-enjoy naman siguro kayo?" tanong ni Patrick sa kanila habang si Patricia ay nakangiti lang na nakikinig.
"Of course man. I can't wait for later." sabi nung isa nilang kasama.
"Bakit hindi mo sinama sa Kristel, Kris?" tanong ni Patrick dun sa nagngangalang Kris.