Chapter 7 Si Avin

44 6 8
                                    

Mabuti na lang at hindi pa niya na epopost ang picture na yun sa facebook dahil nakakasiguro akong maraming tao na naman ang magtatanong sakin.

"Shet ka, bakit mo dinelete yung picture namin? I hate you Jemsyl!"

Yan ang bagay sayo, huwag mo kasi akong sinasali sa trip mo. Hindi ko nga pinaglandakan na kapit-bahay ko yang Avin na yan, dahil wala akong pakialam na kapit-bahay ko siya. Kung gusto niyang dito tumira edi bumili siya ng bahay.

"Tumigil ka nga, tapusin na lang natin tong project natin." sabi ko sa kanya at sinumulang kunin ang mga gamit na kakailangan namin sa paggawa ng project.

Natapos kami pasado alas nuwebe na, inantok na rin ako kaya hindi ko na kayang tumayo pero dahil ang babaeng ito ay matatakutin kinakailangan kong ihatid siya hanggang gate. Sh-t ang layo kaya nun.

"Mag 7/11 muna tayo nget, nagcracrave ako nung ice cream."

Naglakad kami mahigit labing limang minuto lamang. -_-

Sa hindi inaasahang pagkakataon, si Ruiz at Maan ay nakita naming nagsusubuan ng pizza habang may drinks sa mesa nila. Napamaang naman si Clair sa nakita, dahil sa kalalilaman ng gabi nandito parin sila? Hindi nga sila mapaghiwalay sa school pati ba naman sa gabi? In love talaga si Ruiz sa babaeng to?

Hindi nila kami nakita kaya hindi narin kami nagpasabi sa kanila na nandito kami. Pumasok kami ng tahimik ni Clair, himala ata hindi siya nagsasalita ngayon.

"Nakikita mo ba ang nakikita ko?" takang tanong niya sakin habang nakatingin sa dalawa.

Hindi talaga nila nararamdaman ang presensiya namin. Busy sila sa sarili nilang mundo. Naranasan ko din naman yan kaya naiintindihan ko sila.

"Malamang magkasama tayo, bakit may iba ka bang nakikita?"

Nag-uusap kami na hindi nagtitinginan sa isa't isa.

"Look at Ruiz hand where it go." napa english naman siya.

Napababa naman ang tingin ko, napa O ako dahil nasa bewang ni Maan ang kamay niya. Dumadamoves si Ruiz Sir!!!!

"Tayo na nga, baka makita pa tayo." sabi ko na lang.

Pinasakay ko na siya ng jeep at naglakad na ulit ako pauwi samin. Naka sando pa naman ako kaya medyo nanlamig ako. Ugh! Pag ganito talaga nababalot din ako ng takot na parang may sumusunod sa akin o ano.

Mabuti na lang at nakapasok na ako sa subdivision. Napatanong naman si Manong Guard ko saan ako galing. Sinabi ko namang may hinatid lang ako, ihahatid niya sana ako pero tumanggi ako dahil nakakahiya naman para ihatid niya ako.

May naglalakad din naman sa maliwanag na parte pero yung daan papunta sa amin ay konti lang ang mga poste, kaya nakakatakot dumaan mag-isa dito pero nasanay narin naman ako ng konti dahil madalas lang akong umuwi ng gabi.

"Jesyl."

Napalingon ako sa taong tumawag sakin. Si Avin na naka pajama at white sando din, lumapit naman agad siya sakin at sumabay maglakad.

"Oh? Saan ka galing?" tanong ko sa kanya ng malagpasan namin ang basketball court.

"Hinatid kayong dalawa sa labas."

Napakunot naman ako sa noo, kami hinatid sa labas? Bakit di ko siya nakita?

"Ha?"

"Wala, sabi ko, pwede ka bang makausap saglit?"

Nagpa-unlak naman ako at umupo kami sa isang bench. Walang nagsalita sa aming dalawa, siya ang nagsabing mag-usap kami kaya siya ang unang magsasalita.

"Uhhmmm ...." intro niya.

"Spell it out Avin dahil gumagabi na."

"Ang totoo kasi, wala akong girlfriend."

What the hell? ANONG PAKIALAM KO?

"Oh, tapos?" sabi ko sa kanya.

"Gusto ko sanang ligawan si Clair." sabi niya sakin.

Napa O ulit ako. May pag-asa naman pala ang babaeng yun, di hamak na magkakaroon pa ata to ng lovelife sakin ngayon. Tinanong ko naman siya kung bakit siya nagsinungaling e, wala naman pala siyang girlfriend.

"Gusto ko lang makita ang reaksiyon ni Clair."

"Tapos anong nakita mo?"

"Nagalit ata."

May topak talaga to e, alam naman niyang magagalit yung babaeng yun, nagsinungaling pa. Binatukan ko na, pinagalitan ko kung bakit niya ginawa yun. Alam naman niyang may gusto yung babaeng yun sa kanya.

"Lets make her Jealous, Jesyl. At kailangan ko ang tulong mo." suhestiyon niya.

Napa isip naman ako sa sinabi niya, sweet revenge for Clair.

"Kailan natin gagawin?"

"Bukas na bukas din, kukunin kita sa bahay niyo ha?"

Pagkatapos nun ay, hinatid niya na rin ako sa bahay nagpasalamat na rin ako.

DUMATING ang umaga, nasa labas na si Avin at naghihintay sakin. Mas maaga pa siya sa manok kung gumising dahil hindi pa ako nakakain ng nandito siya. Pinapasok naman siya ni Papa at nagpakilalang kapatid siya ni Nicole.

Magkasabay kaming pumasok sa eskwelahan, napapatingin naman ang mga tao samin dahil ngayon lang ulit akong may kasamang lalaki papasok sa paaralan. Napataan ko naman agad si Clair na nasa itaas na katingin samin.

"Nakatingin siya satin." bulong ko sa kanya.

Bigla niya naman akong hinila papalapit sa kanya at hinawakan ang kamay ko. Wala to sa usapan namin ang maghawak kamay sa paaralan dahil may naalala akong isang tao.

"Hoy, wala to sa usapan natin, mababatukan talaga kita mamaya." ngumisi lang siya at sinabing makisama na lang daw ako.

"Anong ibig sabihin ng nakita ko kanina?" bungad tanong sakin ni Clair. Nakita ko naman sa mukha niya ang pagkadismya sa nakita kanina. Na guilty tuloy ako kaya una at huli na to dahil kahit ganun ay, hindi ko parin pala talaga kayang saktan si Clair dahil siya na lang ang nag-iisa kong kaibigan kaya mamaya kakausapin ko si Avin.

Bakit kailangan pa niya paselosin si Clair e, may gusto naman pala sila sa isa't-isa. Pwede namang umamin at ligawan niya kailangan pang hirapan ang sarili.

Hindi naman nagbago ang pakikitungo niya sakin pero ramdam ko parin ang selos niya. Hindi niya kinausap si Avin na kinagulat ko.

"Hoy, bakit mo di kinakausap si Avin?" tanong ko sa kanya ng may vacant kami.

"Bakit pa? May girlfriend na at halatang may gusto sayo hindi ko naman kailangan makipaglapit sa kanya dahil lang gusto ko siya, ayokong maging Cheap!"

Hindi na ako nagsalita ulit at naramdaman kong may nag vibrate sa phone ko.

"Sino yang si Avin?"

No GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon