Palagi akong tinitext ni Ruiz na sumama sa kanilang kumain ng lunch pero una at huli lang yun ang pagsabay ko sa kanila dahil ayoko ng attention ng mga tao. Kaya nga ayaw kong kinakausap ako ni Ruiz dahil mapapansin ako ng iba. Kahit sabihin kong close kami, yun ang nagiging rason para kaibiganin ako ng iba, makikipaglapit sila sakin para mapalapit din sila kay Ruiz, ayoko ng maulit ang nangyari nung elementary, grade 6 kami nun at nakita kami nung isa kong kaklaseng babae na magkasama kaming umuwi ni Ruiz na nagtatawanan. Doon nagkalat na magkapit-bahay lang kami at childhood bestfriend. Nagsimulang makipaglapit sakin ang mga ka batchmate ko maging ang mga lower years sakin. Pagkatapos ko silang kaibiganin ng totoo ay siniraan nila ako kay Ruiz, kumbaga sinasabi nila na inaaway ko sila dahil nakikipagkaibigan sila kay Ruiz. Kahit makipagdikit sila dun basta wag lang nila akong gamitin ay okay lang sakin.
Doon ko na siya pinagbawalang kausapin ako sa maraming tao, especially sa mga nakakakilala sa kanya at sakin.
"Syl, please?"
Hindi ko na mabilang ko pang-ilang please nato niya sakin araw-araw pagdadating ang lunch pero hindi ko siya nirereplyan. Okay na akong maging kaibigan si Maan pero ang sumama sa kanilang kumain sa lunch ay sobra na. Ayoko pa namang kumain sa pagkain ng cafeteria kaya hanggang maaari ay hindi ko siya tutugunin.
Sa mga nakalipas na araw ay si Clair at Avin ang kasama ko tuwing lunch. Yes, nakikisama na samin tong tuko na 'to. Porket, pinapasama na siya ni Clair e, sasama din siya. Marami din kaya sa kaklase kong babae ang naiinggit samin dahil sa amin daw sumasama si Avin. Kasalanan ba naming lapitin kami ng mga lalaki? Pero hindi ko to papatulan ang tuko na 'to dahil naka contract na si Clair sakin.
"Isang fried chicken po at monggo."
"Siomai naman po at talong."
"Barbecque naman po tatlo."
Dahil nadagdagan kami ngayon ay, kailangang lumipat kami sa ibang lamesa.
"Ate dalawang coke." sigaw ko, nagpatuloy naman ako sa pag-ubos ng pagkain ko.
"Pakidadag po ng isa." sigaw naman ng Avin na 'to.
Sila ni Clair lang ang madalas magkwentuhan minsan sumisingit ako paggusto ko minsan naman pinapakinggan ko na lang sila.
Badminton player ang Avin na to kwento niya nung tinanong siya ni Clair kung anong sports ang nilalaro niya.
"Hindi ka mahilig sa basketball?" Ito na naman siya sa basketball niya. -__-
"Mahilig naman pero hindi ako araw-araw naglalaro nun, paggusto ko lang, pero madalas badminton talaga ang nilalaro ko."
Napangisi na lang ako dahil nanghihinayang ang mukha ni Clair dahil MAJOR TURN ON niya ang lalaking mahilig sa Basketball.
"Sayang naman gusto ko pa naman sa lalaki ang mahilig sa Basketball pero okay na yang sayo magkalapit tunog lang naman ang Badminton at Basketball." pumaparaan talaga e.
"Ikaw ba Jesyl, anong sports ang nilalaro mo?" ako naman ngayon ang tinatanong niya, di ba halatang di ako sumasali sa usapan nila? At isa patong Jesyl niya, paulit-ulit na lang. Sinabing Jemsyl, Jesyl talaga lumalabas sa bibig.
"Its Jemsyl." iritang sabi ko.
"Mas komportable kasi ako sa Jesyl, magkatunog kayo ng pangalan ng girlfriend ko."
BOOM PANES! REJECTED AGAD SI CLAIR!!!!!
"Ma-may girlfriend ka?" di makapaniwalang tanong ni Clair. Kitams? Gusto talaga saktan ang sarili e.
Pero di nga? Akala ko talaga Singel and Ready to Mingle tong si Avin, Taken na pala. Kawawang Clair.
"Yes, nasa California siya." sabi niya na tila gawang kwento lang.
