Pinayagan naman ako ng teacher kong lumabas saglit. Paglakad ko pa lang papunta kay Ruiz ay, nagtitinginan ang mga kaklase ko.
Yes, kilala ako ng ini-idolo niyo at close ko siya, manigas kayo. Tse!
Di naman talaga kami gaanong nag-uusap sa school ni Ruiz, minsan magkikita lang kami sa walang ka tao dahil sinabihan ko siyang wag kaming gaanong mag-usap at kakausapin niya lang ako pag may importante siyang sasabihin.
Di ko naman ipagsisigawan na close ko tong taong to. At ngayon lang niya ako pinuntahan sa room ko para kausapin dahil idadaan lang niya yan sa text siguro wala siyang load.
Dinala niya ako sa may rooftop, may mga rumors na may mga ligaw na kaluluwa dito kaya naman medyo naaasiwa ako.
"Anong kailangan mo?" dumungaw ako sa railings at tumingin sa baba habang siya e, naka upo sa abandonang upuan.
"Gusto kong makipag-kaibigan ka kay Maan, para naman close mo ang girlfriend ko." Sana noon po ma sinabi yan.
Nagbuga ako ng hininga sa sinabi niya, hindi ako makapaniwala dahil hinilang niyang makipag-kaibigan ako sa 'girlfriend' niya. Alam niyang mapili ako sa kaibigan dahil yung iba hindi makapagtiwalaan.
"Gusto mong makipagkaibigan ako sa girlfriend mo? Fine, bukas na bukas din makikipaglapit ako sa kanya." ayoko namang mag burst out sa hiling niya. Isa lang ibig sabihin nun, epesyal sa kanya ang babae. Just wow! Ang isang Ruiz, gusto makipaglapit ako sa girlfriend niya. Hindi ako makapaniwala dahil pumayag ako! I fvcking agree! What on earth is happening!
"Thanks Jemsyl, maging mabait ka sa kanya ha? At sana sumama ka sa kanya pag may laro kami." nasasakal ako sa yakap niya kaya ako na mismo ang umalis sa mga kamay niya sa katawan ko.
"Hoy Ruiz, porket pumayag ako e, manonood na ako ng laro mo. Yan lang ba ang pakay mo sakin at dinala mo pa ako dito?" tumango lang siya "Grabe, may test kami at sinasayang mo oras ko. Balik na nga tayo parang wala kang klase a."
Sumabay naman siyang bumaba sakin "Nag cutting class kami." bago ko pa siya masapak e, madali siyang bumaba ng hagdan.
"Tingnan mo yun? Marunong ng mag cutting class." usap ko sa sarili ko.
Sinalubong naman agad ako ni Clair sa pintuan at kakalabas lang ng teacher namin.
"Wag mo akong salubungin ng mga tanong mo ha, Clair." babala ko sa kanya dahil alam kong hindi mabubuo ang araw niyan pag walang tanong sakin.
"Ito talaga ang sama, ano? Anong pinag-usapan ninyo ni Ruiz?" makakati pa sa pinya ang dila ng babaeng to.
Di rin lang naman yan matatahimik pag di ko sinagot kaya sinabi ko na. Sasabihin ko din naman talaga sa kanya medyo nairita lang ako kanina.
"Yan ba ang dahilan ng sudden change ng mood mo? Ikaw ha." pinatigil ko siya sa pagkukutya sakin.
Baka daw in denial ako sa feelings ko kay Ruiz at hindi ko maamin dahil takot ako. Natawa naman ako, alam kong impossible sa mag bestfriend ang hindi magkagustuhan sa isa't-isa. Ibahin nila ako dahil best friend lang talaga ang tingin ko sa Ruiz na yun.
"Kakainin mo din yang sinabi mo, dadating ang panahon na magugustuhan mo siya." para namang isinumpa ako ng babaeng to sa sinasabi niya. Kung dadating man ang panahong yun, edi magkagusto ako kay Ruiz, tingnan na lang natin.
Hindi ako sinamahan ni Clair pababa sa karenderya dahil tinawag siya ni Mrs. Ygot sinabi naman niyang hahabol siya maglunch.
Ayokong kumain sa canteen dahil sa uri ng pagkain nila, medyo nadudumihan ako at namamahalan. Nakaugalian na naming kumain sa karenderya dahil masarap ang pagkain at nakakapag-ingay kaming dalawa at nakakadiscount sa pagkain.
"Isang pinakbet po at siomai." binigay naman agad ni Tiya Cecil ang binili ko tinanong pa niya kung saan daw ang maingay kong kaibigan. Natawa na lang ako sa salitang ginamit niya.
"Isang siomai din po at pritong manok." umupo agad siya sa bakanteng upuan sa tabi ko. "Grabe, utusan ba naman akong hugasan ang pinagkainan nila? Pasalamat sila't teacher sila para hindi ma hindian, kung hindi lang sila ang nagbibigay ng grades satin di nako pumuyag. Ano ako dishwasher nila. Kaloka!"
"Ate dalawang coke po." sigaw ko ng malapit na kaming matapos.
"Oo nga pala, kanina sa canteen, hindi ko alam na may sweet na taglay pa lang yang si Ruiz ha." kumunot naman ako sa pagbanggit niya sa pangalan ng Ruiz na yun.
"Ano ba nakita mo dun?" hindi naman sa curious ako, ayoko namang maging bastos sa kaibigan ko.
"E kasi, ni libre ba naman ng lunch yung girlfriend niya. Ano ngang pangalan nun?" nakalimutan ba niya o gusto lang niyang marinig mismo sa bibig ko.
"Sweet na yan sayo? Maan pangalan nun."
"Di naman yun ang tinutukoy kong sweet e, kasi, sinalubong niya sa classroom yung pangalan nga nun?
"Maan"
"Oo si Maan na yun at siya pa nagdala ng bag ni Maan. Alam mo yun? Ang sweet." halata namang kinilig siya sa kwento niya kaya kunyaring kinilig na lang ako.
Ew. Unang girlfriend niya naman yun kaya siguro ganun lang talaga ang first timer.
"Tapos ka ng magkwento?"
"Ito talaga mainit ang ulo, gusto mo ako magdala ng bag mo?"
"Kung ihampas koto sayo? Gusto mo? Pabayaan mo na ngang dalawang yun." saway ko sa kanya dahil na rin ayokong pinag-uusapan namin si Ruiz, dahil mas malakas pa sa radar ang mga tenga ng mga tao sa paligid.
"Kunyari kapa." ayan na naman ang pag-iisip niya.
"Tumigil ka Claire ha, di ka nakakatuwa." dahil hanggang sa classroom ay hindi parin siya tumitigil.
"Pikonin ka lang talaga." sabay belat sakin. Kukutusan ko na talaga to.
Bago pa man magsimula ang afternoon class e, nagcr ako dahil naiihi talaga ako pagkatapos kung uminom ng coke.
Alam kong konti na lang ang babaeng nagc-cr sa ganitong oras kaya kampante ako na walang tao sa lugar.
Sinoot ko agad ang bakya at sa di inaasahan ay si Maan pa ang nakita ko. Kaninang lang a, pinag-usapan namin siya ito ngayon siya sa harapan ko.
"Hi." bati niya sakin pagkalabas niya mula sa bowl.
Oo, sa bowl siya galing!
Nginitian ko lang siya, ano kami close? Saka na lang pag friends na talaga kami.
Akala ko e, umalis na siya pero nagulat ako na tila hinintay talaga ako. Pinatagalan ko pa naman ang pagstay sa cubicle para di ko siya makita pagkalabas.
"Madalas kang e'kwento ni Heir sakin." ngiti niyang sabi.
"So? Ano ngayon kong kikwento niya ako sayo?" mas mabuti kong maaga na niyang malaman ang ugali ko.
"Natutuwa lang ako dahil may best friend talaga siya, akala ko lalaki pero babae pala. Sana maging magkaibigan tayo."
"Natuwa ka talagang babae ang best friend niya? Di kaba magseselos niyan?
Umiling siya.
"Bakit naman ako magseselos, wala naman siyang gusto sayo."
