Hindi naka imik si Clair sa sinabi ko at umaamba pang may sasabihin pero nagtikom na lang siya ng bibig.
Kung kanina ay sa may harapan ako umupo pinili kung mapag-isa sa likod. Kahit anong gawin ko ay hindi ako mahawaan sa kasayahan ng mga kaklase ko.
Paulit-ulit paring nagpla-play sa utak ko ang nakita ko kanina. Nakahain na sa harapan ko ang katotohanan hindi parin ba ako maniniwala?
Kailan ba ako magbulag-bulagan? Hindi yata ako natuto sa nangyari sakin noon. Hanggang kailan ba ako magpapaloko? Tatlong beses pa? Apat? Lima? Ganun siguro pag nagmahal ka, kahit natuto ka na, mauulit at mauulit parin ang katangahan na meron ka para lang siguro alagaan ang nandiyan sa puso mo.
"Jem, nandito si Heir." nag-angat ako ng tingin kay Clair na malungkot na nakatingin sakin.
"Sinabi mo bang nandito ako?" pagtatanong ko.
"Oo. Nasa labas siya. Sorry nget." paumanhin niya. Inayos ko muna ang sarili ko bago tumayo.
May dalawang choice lang naman ako. Ipagpatuloy to o itigil na.
"Ayos lang Clair, wala ka namang kasalanan." tsaka ngumiti sa kanya.
Magaling naman ako sa pagpapanggap.
"Hi." bati ko sa kanya at umupo sa tabi niya. Dinala ko din ang regalo ko para sa kanya.
"Syl. May ibibigay ako sayo." inilabas naman niya ang isang nakabalot na regalo at binigay sakin.
"Para sakin to?" gulat na pagtanggap ko sa regalo niya.
"Yeah." nahihiyang sabi niya.
"Thank you. May ibibigay din ako sayo." saka inabot sa kanya.
"Nag-abala ka pa pero tatanggapin ko to. Salamat." nakangiti niyang sabi.
"Akala ko talaga hindi mo tatanggapin."
Hindi siya nagkomento sa sinabi ko.
"Sabay ba tayo uuwi?" tanong niya sakin.
Nagulat naman ako sa itinanong niya, siya kasi mismo ang magyayayang umuwi kaming magkasama pero ngayon kailan niya pa ata ng pag-apruba ko kung sabay kaming umuwi. Napailing na lang ako sa isipan ko. Nagsimula na namang magbago ng unti-unti.
"May gagawin kasi ako mamaya baka hindi na siguro." sabi ko at itinago ang pagkadismaya sa inasta niya. Siguro na kita niya ako kanina.
"Anong gagawin mo?" tanong naman niya at hindi ipinilit na magsabay kami. Nagbababago na nga talaga.
"Project." pagsisinungaling ko.
"Project? Nagbibigay ba ang mga teacher ng project tuwing Christmas break? Ngayon ko lang ata nalaman yan."
"Oo e." pakikisabay ko sa kanya.
Alam mo yung alam mo na ang lahat pero pinagmumukha mo parin sa kanya na wala kang alam at nagtatangahan.
"Sige. e'tetext na lang kita mamaya. See you when I see you Syl." paalam niya.
"Bye." malungkot akong tinignan siya papaalis. Para kasing aalis ulit siya sa buhay ko.
"Ano? Tinanggap ba niya? Tinanong mo ba siya tungkol kanina?" salubong na tanong sakin ni Clair ng makabalik ako sa loob.
"Tinanggap niya. Napilitan lang daw siya at walang magawa, yun ang sinabi niya." pagsisinungaling ko ulit. Ayoko na din kasing mamoblema ang ibang tao sa problema ko.
"Bigay niya ba yan?" tingin niya sa regalong dala ko.
"Oo." nakangiti kong sabi pero nakatago doon ang mapait na ngiti.